Feature: Matibay na buto, yaman mo!
Ang paghubog ng matibay na buto ng inyong mga anak ay tulad din ng paghubog ng kanilang edukasyon. Pinakamainam na panahon para sa pagbuo ng malusog at matibay ng buto ng inyong mga anak ay habang bata pa sila. Bakit? Sapagkat ito ang panahon kung saan ang buto ay nabubuo, o ang tinatawag na peak bone mass.
Maraming bagay ang nakakaimpluwensya ng peak bone mass, tulad ng kasarian o gender, hormones, kalagayang pangnutrisyon o nutritional status at pisikal na gawain o physical activities.
Ang kasarian o gender ay nakakaapekto ng bone mass. Ito ay karaniwang mas mataas sa mga lalaki kaysa sa babae. Bago dumating ang pagbibinata at pagdadalaga, (o puberty), ang batang lalaki at babae ay sabay na nadedevelop ang bone mass. Pagkalipas ng puberty, ang lalaki ay mas nakakamit ang sapat na bone mass kaysa sa babae.
Ang mga hormones tulad ng estrogen at testosterone ay mahalaga din para sa pagbuo ng bone mass. Ang babae na maagang nagkaregla ay mas maayos ang bone density kaysa sa babaeng bihirang reglahin.
Ang kalagayang pangnutrisyon ay isa ring factor na nakakaimpluwensya ng bone mass. Ang kalsyum sa ating katawan ay karaniwang matatagpuan sa skeleton at ngipin. Ang kalsyum ang nagpapatibay ng ating mga buto at ngipin. Ito ay tumutulong din sa normal na pagbubuo ng dugo (blood clotting) at regular na pagpintig ng puso.
Ang gatas at ang mga produkto nito ang pinakamahalagang pinanggagalingan ng kalsyum sa ating pagkain. Bukod dito, ang gatas ay nagtataglay din ng mataas na uri ng protina na mahalaga para sa maayos at mabilis na paglaki. Mayaman din ang gatas sa bitamina A para sa maayos na paningin, riboflavin na tumutulong sa maayos at normal na nervous system, vitamin B12 (o cobalamin) para maiwasan ang pagkakaroon ng anemia, at ang phosphorus para sa maayos na paglaki ng skeleton at ngipin sa panahon ng kamusmusan at kabataan.
Ang pag-inom ng isang basong gatas na binubuo ng apat na kutsarang pulbos na gatas na tinunaw sa isang basong tubig ay makakapagdulot ng 310 miligramo ng kalsyum na katumbas ng 44 porsiyento na nirerekomendang dami ng kalsyum para sa batang may edad na 7-9 taong gulang.
Bukod sa gatas at mga produkto nito, may iba pang uri ng pagkain na maaaring mapagkunan ng kalsyum, tulad ng maliliit na isda (gaya ng dilis), sardinas, tokwa, tofu, alamang, at mga madahong gulay tulad ng malunggay, saluyot, alugbati, at mustasa.
Ang batang may edad na 7-9 taon ay nangangailangan ng 700 miligramo ng kalsyum sa isang araw. Upang makamit ang nirerekomendang dami ng kalsyum sa loob ng isang araw, ugaliing isama ang gatas, mga produkto na natataglay nito at iba pang pagkaing mayaman sa kalsyum sa kanilang diet. Para sa mga taong hindi naman mahilig sa gatas, maaaring isama ang gatas sa cereals, fruit shakes, halo-halo, pudding at iba pa.
Ang pisikal na gawain ay importante din sa pagbuo ng matibay na buto. Ang buto at kalamnan o muscles ay mas tumitibay kapag ito ay nagagamit. Kung ang inyong anak ay mas maraming pisikal na gawain, ang kanilang buto o kalamnan ay mas lulusog at titibay. Hikayatin ang inyong anak sa mga pisikal na gawain tulad paglalakad, pagtakbo, pagsayaw, pagbasketball at iba pa. Ang mga gawaing ito ay maganda o mainam sa pagbuo ng malusog na buto.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kalsyum at nutrisyon, lumiham o tumawag sa Food and Nutrition Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig, Metro Manila, Tel. No. 837-29-34 or 837-20-71 loc. 2287, FNRI-DOST website:http//www.fnri@dost.gov.ph.,email:mvc@fnri.dost.gov.ph mar_v_c@yahoo.com. (Ma. Idelia G. Glorioso, FNRI-DOST S&T/ PIA-Caraga)
Feature: Malusog na pamumuhay para sa mahabang buhay
Narinig na ba ninyo ang patalastas sa telebisyon na “mahirap magkasakit”? Totoo naman ito, lalo na sa panahong ito na dumaranas ang ating bansa ng krisis. Mahirap magkasakit ngayon dahil kahit sa isang pang-gobyernong ospital ka maratay ay kailangan mo pa din gumastos sa gamot at laboratoryo.
Kaya ano ang maaari nating gawin para maiwasan ang pagkakasakit? Wastong pagkain, pag-ehersisyo nang palagian, di paninigarilyo at pag-iwas sa pag-inom ng alak ang pangunahing sangkap ng malusog na pamumuhay.
Sa pagbabago ng pamumuhay ng mga Filipino, mapapansin natin na ang mga chronic denegerative diseases tulad ng sakit sa puso, diabetes, kanser at iba pa ay nagiging public health problems ngayon.
Ayon sa pinakahuling 2003-2004 National Nutrition Health Survey (NNHeS) na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute-Department of Science and Technology (FNRI-DOST), ang porsyento ng mga may diabetes sa mga adult na Filipino ay 3.4% samantalang ang hypertension o alta presyon ay 22.5%. Ibig sabihin nito ay 22 sa bawat 100 Filipino adults ay may alta presyon.
Ang paninigarilyo ay isa sa prevalent risk factors ng sakit sa puso na kasama ang stroke at atake sa puso. Ito ay dahilan ng halos 28,694 na namatay noong taong 2003, ayon kay Dr. Antonio L. Dans, Chairman ng NNHeS Technical Committee. Kahit may malawakang kampanya ng gobyerno laban sa paninigarilyo, lumalabas pa rin na mas maraming Filipino ang naninigarilyo (34.8%) kumpara sa mga Singaporeans (24.2%) at Amerikano (24.1%). Ang obesity o pagiging sobra sa timbang, isa pang risk-factor ng hypertension, ay mas laganap sa mga babae (18.3%) kaysa sa mga lalaki (3.1%).
Paano ninyo maisasagawa ang maayos na pamumuhay o ang tinatawag na healthy lifestyle? Narito ang ilang tips na maaaring gawin: Iwasan ang mga pagkaing mataas sa kaloriya, taba, sodium o asin.; Mag-ehersisyo nang palagain o madalas. Gawin ang pag-eehersisyo nang tatlo o apat na beses sa isang linggo nang 20 hanggang 30 minuto o lagpas pa. Ang ehersisyo ay mainam na pampababa ng timbang, pampaayos ng blood circulation, pampabuti ng muscle tone at efficiency ng puso at baga. Ang pag-eehersisyo ay nakatutulong din sa maayos na pagtulog at pang-alis ng stress.
Huwag din manigarilyo. Ang pinakamagandang panuntunan ay huwag magsimulang manigarilyo sapagkat kapag ito ay nakasanayan ang paninigarilyo ay mahirap nang itigil. Iwasan ang pag-inom ng maraming alak. Kung umiinom man, ito’y nasa katamtaman o moderate lamang na dami. Ang ibig sabihin ng moderate alcohol consumption ay isang bote sa isang araw para sa kababaihan at di lalagpas sa dalawang bote sa isang araw para sa kalalakihan. Ang isang bote ng alcoholic beverage ay katumbas ng isang bote ng beer (12 ounces) o kalahating baso ng alak o wine o isang jigger (1 ounce) ng whiskey o 1 ½ ounce ng gin.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkain at nutrisyon, lumiham o tumawag sa Food and Nutrition Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig, Metro Manila, Tel. No. 837-29-34 or 837-20-71 loc. 2287, FNRI-DOST, email: mar_v_c@yahoo.com; website: http//www.fnri.dost.gov.ph. (Ma. Idelia G. Glorioso, FNRI-DOST S&T/ PIA-Caraga)
Feature: Kaalamang Pangtabako
Kung tayo’y nasanay sa pagbabasa ng mga impormasyong mapagkakakitaan o kaalamang panghanapbuhay at pangtrabaho, narito naman ang ilang impormasyong nauukol sa mga “kaalamang pangtabako.”
Ang tabako ay isang uri ng halamang pinakikinabangan sa kanyang dahon na ginagamit sa pagsisigarilyo (smoking), pagnguya (chewing), at pagsinghot (sniffing) dito. Sa paliwanag ng ika-sampung mensahe ng Nutritional Guidelines for Filipinos (NGF), 2000 (“Para sa malusog na pamumuhay at wastong nutrisyon, mag-ehersisyo nang palagian, huwag manigarilyo, at iwasan ang pag-inom ng alak”) na isinagawa ng inter-agency Technical Working Group na pinamunuan ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST), may tatlong mapanganib na sangkap na makikita sa sigarilyo. Ito ay ang: (a) carbon monoxide o ang gas na pumipinsala sa kakayahan ng dugo upang tustusan ng sapat na oxygen ang mga mahahalagang bahagi ng katawan. Ito ang dahilan kung kaya’t nagkakaroon ng kakulangan sa hangin para sa paghinga (shortness of breath) sa mga naninigarilyo; (b) nicotine ang sangkap na nakapagpapa-addict sa tabako. Nagbibigay panganib ito sa puso sa pamamagitan ng pagtaas ng blood pressure at heart rate; at (k) tar ang malagkit na kayumangging sangkap na makikita sa usok at nabubuo sa baga kapag ito’y ating nalanghap. Ito ay kilala bilang matapang na carcinogen o nakapagdudulot ng kanser. Kasama ng iba pang nakalalasong mga sangkap sa sigarilyo, ito ay maaaring maging sanhi ng lung cancer, emphysema, chronic bronchitis, ischemic heart disease, at hypertension. Ayon sa World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH), ang paggamit ng tabako ay nakadaragdag ng panganib sa pagkakaroon ng atake sa puso at mga iba pang mga sakit.
Ayon sa Philippine Cancer Society (halaw sa Inquirer News Service, Hunyo 2003), ang kanser sa baga ay nangungunang killer disease sa Pilipinas, na mayroong 11,000 kasong naitatala sa bawat taon. Tunay ngang nakababahala ito. Karagdagan dito, sa isinagawang Philippine Global Youth Tobacco Survey (GYTS) sa 11,630 na mga estudyante, sinasabing may 27 porsiyento sa mga ito ang kasalukuyang naninigarilyo. Nakagugulat ding impormasyon na napakataas ng Environmental Tobacco Smoke Exposure (ETS). Mula sa mga estudyanteng nakasama sa surbey, anim (6) sa 10 ang nakatira sa mga tahanang may naninigarilyo, mahigit pito (7) sa 10 ang nakahantad o exposed sa usok sa mga pampublikong lugar, at halos anim (6) sa 10 ay may mga magulang na naninigarilyo.
Sa kabilang banda ay makikita ring may pag-asa mula sa surbey na isinagawa sapagkat mahigit walo (8) sa 10 sa mga naninigarilyong mga estudyante ay nagnanais ding maihinto ang paninigarilyo. Isa itong napakagandang balita at kung gayon, tunay ngang may pag-asa pa.
Bilang pagbabahagi, ako ma’y nakaranas manigarilyo. Labis akong nagpapasalamat hindi dahil sa karanasang ito, kung hindi dahil natutunan ko ring ihinto ito. Isa itong tamang desisyon. Mula dito ay napatunayan kong wala ngang kabutihang maidudulot ang paninigarilyo sa aking katawan, sa ibang mga taong nakapaligid sa akin at nakalalanghap ng usok, at sa ating kapaligiran. Sa ngayon ay patuloy pa rin ako sa pagsuportang itaguyod ang No Smoking sa pamamagitan ng paghimok sa iba, kabilang na ang aking kabiyak na maihinto na rin ang paninigarilyo. Nananatili akong may pag-asa sa pagdating ng araw kung saan wala ng “LAST” (lighter, ashtray, at stick ng tabako) sa kanilang buhay. Umaasa akong sana’y malapit na ito…
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pagkain, kalusugan at nutrisyon, maaaring sumulat, tumawag o magsadya kay: Dr. Mario V. Capanzana, FNRI Director, Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology, General Santos Avenue, Bicutan, Taguig City; Telepono/Fax Bilang: 8372934, 8373164; Direct Line: 8391839; DOST Trunk Line: 8372071-82 local 2296 o 2284; e-mail: mvc@fnri.dost.gov.ph o mar_v_c@yahoo.com; FNRI-DOST website: http://www.fnri.dost.gov.ph. (Marie T. Bugas, FNRI-DOST S&T/ PIA-Caraga)
Feature: ANO BA ANG SYNDROME X
(Dietary approach to prevent syndrome X)
Ikaw ba ay overweight, malaki ang tiyan, may hypertension, mataas ang cholesterol level at may diabetes? Kung meron ka ng mga ito, ikaw ay may Syndrome X.
Karamihan sa ating mga Filipino ay maganang kumain. Di natin maiwasan ang mga nakatutuksong pagkain na nabibili sa mga fast food chains at restaurants. Ngunit may ikabubuti ba ito sa ating kalusugan? Marami rin sa ating mga Pinoy ay overweight na. Kapag ang iyong Body Mass Index (BMI) ay 25-30, ikaw ay overweight:, kapag mahigit sa 30 ikaw ay obese na. Ang BMI ay nagsisilbing batayan upang malaman natin kung tama ang ating bigat ayon sa ating taas. Ang BMI ay malalaman sa pamamagitan ng pagkuha ng iyong timbang (sa kilo) at taas (sa metro). Ang formula para rito ay: BMI= timbang (kilo)/taas (metro2).
Ang Syndrome X na kadalasang tinatawag na metabolic syndrome ay resulta ng maling kaugalian sa pagkain. Ayon sa mga nutrition experts, kung ikaw ay maganang kumain at di gaanong gumagalaw o may sedentary lifestyle, magugulat ka na lang kung ikaw ay may syndrome X na pala.
Ang maling pagpili ng pagkain at kakulangan sa regular na ehersisyo ay isa sa mga pangunahing sanhi ng ganitong uri ng sakit. Ang healthy food diet ay makatutulong upang maiwasan natin ito.
Upang matulungan ang mga Filipino na maunawaan kung ano ang healthy food diet, si Gng. Sanirose Orbeta, Vice President ng Philippine Association for the Study of Overweight and Obesity (PASOO) at si Dr. Rodolfo F. Florentino dating FNRI, DOST Director at sa tulong ng mga researchers ng Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology ay gumawa ng Food Guide.
Ang Filipino Food Guide Pyramid ay merong limang stages. Ang unang stage o pinakabase ng pyramid ay nagsasabi na kinakailangan nating uminom ng maraming fluids tulad ng tubig at fruit juices. Ang pangalawang stage naman ay nagsasabing kailangang madalas kumain ng kanin, cereals, lamang ugat o rootcrops, pasta at tinapay. Ang pangatlong stage ay nagmumungkahi na kumain tayo ng tatlong dulot ng gulay at dalawa o tatlong dulot naman ng prutas sa isang araw. Sa pang-apat na stage naman, sinasabi na kailangang kumain ng katamtamang dami ng manok, isda, itlog, baka, baboy, mga tuyong gulay at non-fat dairy products tulad ng gatas. Ang pinakataas o pinakatuktuk ng pyramid ay nagsasabi na dapat kaunti lamang ang kainin nating butter, matatamis na desserts at maaalat na pagkain.
Ayon kay Gng. Orbeta, di man natin lubusang masunod ang nilalaman ng Food Guide Pyramid sa lahat ng oras, ay kailangan pa rin nating siguraduhing araw-araw tayong kumakain ng maraming gulay at prutas, madalas kumain ng kanin, cereals, lamang ugat at umiinom ng mahigit walong basong tubig upang tayo’y maging malusog at balanse ang food choices.
Para sa karagdagang kaalaman, maaari kayong sumulat o tumawag sa Director, Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology (FNRI-DOST), General Santos Ave. Bicutan, Taguig City, Metro Manila; Telephone/Fax no. 837-2934, 837-3164, e-mail: mvc@fnri.dost.gov.ph FNRI-DOST website: http//www.fnri.dost.gov.ph. (Josefina T. Gonzales, FNRI-DOST S&T/ PIA-Caraga)
AMAD conducts Agribusiness Coordinators Meeting
Butuan City - To spur the economic growth in Caraga Region through agribusiness, the Agribusiness Marketing and Assistance Division (AMAD) of the Department of Agriculture Regional Field Unit 13 (DA-RFU 13) conducted recently an agribusiness coordinators meeting.
The meeting took place at 3rd floor DA Conference Hall, Capitol Site, this city and presided by Servilla Balaan, AMAD officer in charge.
Participants of the meeting were the agribusiness coordinators in provincial and city level within Caraga Region.
In order for the participants to fully appreciate the purpose of the meeting, Malu Gruyal, an AMAD staff gives the overview of the meeting since this was the first meeting for the year 2009.
OIC Balaan presented the work plan of AMAD for the calendar year 2009 to serve as guide for agribusiness coordinators to integrate their respective plan on their locality for the whole year.
Highlight of the meeting was the commitment of each participant to fully support and work closely with the operators of the Barangay Bagsakan and Bagsakan Centers (BB/BC) established in the region.
Balaan revealed that in general, operation of BB/BC in Caraga Region is working well but some showed decline on sales due to limited supply of products to be sold especially on meat products.
Agribusiness coordinators pledged to look into the matter and work with the respective operators to help find the solutions on every obstacle encountered during the operation.
Before the meeting adjourned, the group decided to conduct their meeting on a quarterly basis for a better monitoring and stronger working relationship with each other. (Aurell P. Arais, RAFID-DA-13/ PIA-Caraga)
DA-RFU 13 supports PNRC Blood Donation Drive
Butuan City – Department of Agriculture Regional Field Unit 13 (DA-RFU 13) strongly supports the drive of the Philippine National Red Cross (PNRC) for blood donation campaign.
The support was manifested by allowing personnel from PNRC Butuan City/Agusan del Norte Chapter to utilize the DA lobby as venue for the recently held blood donation drive.
A dozen of DA personnel responded on the campaign by donating their blood for about 450 cc each.
Other personnel also availed the services of PNRC such as free taking of blood pressure (BP) and blood type.
Seven staff from PNRC Butuan City/Agusan del Norte Chapter composed the team headed by Soljin M. Robles, Registered Medical Technologist (RMT).
In an interview, Robles explained that a person who donates blood will received a card and may use it anytime to avail free blood from their office on an emergency situation.
Donating blood is a healthy practice to keep healthy blood cells in the body produced by bone marrow. (Aurell P. Arais, RAFID-DA-13/ PIA-Caraga)
POLICE REPORTS
By PO3 Arturo Suganob Campania
PNP arrests wanted persons
On February 18, 2009 at 10:55 in the morning at Barangay Rizal, Barobo, Surigao del Sur, PNP personnel of Barobo Municipal Police Station led by SPO2 Joseph Pomera, arrested the suspect identified as Marcelo Diaz, 42 years old, married and resident of said place by virtue of warrant of arrest (WOA) issued by Hon Judge Alfredo P Jalad of Regional Trial Court (RTC) Branch 28, Lianga, Surigao del Sur docketed under CC number L-1799 for illegal fishing.
Arrested person is now detained at Barobo Municipal Police Station for proper disposition.
On the same date around 11:50 in the morning at the Mangagoy Public Terminal, Mangagoy, Bislig City, PNP elements of Bislig City Police Station, arrested the suspect identified as Helmar Rodilla, 20 years old, single, jobless and resident of Barangay Sibaroy, Bislig City.
Suspect was arrested by virtue of WOA issued by Hon Judge Merlyn Pacarro Canedo of RTC Branch 29, Bislig City, docketed under CC number 2007-04-3138 for qualified theft with recommended bailbond amounting to Php 30,000.00.
Arrested person is now detained at Bislig City Police Station for proper disposition.
Also, around 5:00 in the afternoon at Sitio Hanluton, Barangay Tigao, Cortes, Surigao del Sur, PNP personnel of Cortes Municipal Police Station led by PSINSP Noel B Naranjo arrested the suspect identified as Apolinario Duero, 46 years old, single, farmer and resident of Puyog, Calagdaan, Cantilan, Surigao del Sur.
Suspect was arrested by virtue of WOA issued by Hon Judge Alfredo B Jalad of RTC Branch 41, Cantilan, Surigao del Sur, docketed under CC number C-636 for murder with no bailbond recommended.
Arrested person was brought to Cortes Municipal Police Station for proper disposition. (PNP-13/ PIA-Caraga)
5,607 pass career service exams
A total of 5,607 examinees passed the career service examinations conducted nationwide last November 16, the Civil Service Commission (CSC) reported.
Said number comprises 9.99% of the 56,141 hopefuls who took the exam. Of the said figure, 4,012 passed the Professional test while 1,595 passed the Sub-Professional test.
Passers of the Professional exam shall be conferred Career Service Professional Eligibility needed for appointment to professional, technical and scientific positions in government. On the other hand, those who hurdled the Sub-professional test shall be conferred the corresponding eligibility for clerical, trades, crafts and custodial service positions in government.
The CSC said that eligibility is one of the four qualification standards (QS) for permanent appointment to a career service position in government. The three others are education, experience, and training.
Cream of the crop
The top 10 passers of the Professional exam are: Ena Angelica C. Luga (CAR), 84.00; Elizabeth Joy M. Sadiarin (NCR), 83.83; Christian P. Umali (S. Tagalog), 83.76; Vijay D. Lalangan (Ilocos), 83.66; Rose Ann B. Ronato (E. Visayas), 83.63; Alvin I.S. Juan (C. Luzon), 83.59; Gabriel Enrique H. Limson (NCR), 83.56; Arlene C. Basinang (SOCCSKSARGEN), 83.50; Patrick Brian L. Tan (NCR), 83.49; and Victoria Raye P. Alberto (NCR), 83.48.
In terms of regional performance, the National Capital Region got the highest passing rate at 13.84% or 1,034 passers out of 7,473 examinees. The Cordillera Administrative Region (CAR) followed closely with 13.53% passing rate. Placing third is Davao Region with a passing rate of 9.9%.
Meanwhile, Edgar Manuel A. Aureus from the Bicol Region topped the Sub-Professional level with a rating of 93.46. Others who made it to the top 10 are: Glenn C. Hufancia (Ilocos), 93.19; Jefferson J. Vinoya (Cagayan Valley), 92.35; Argie G. Suboc (W. Visayas), 92.07; Sherwin M. Orbon (Bicol), 91.58; Anna Katrina A. Ty (Bicol), 91.55; Ritta Dianne G. Ramos (C. Luzon), 91.31; Alaine G. Revote (NCR), 90.98; Marielle B. Lunas (Bicol), 90.88; and Jeross R. Aguilar (Bicol), 90.76.
Beating other regions in overall performance in the Sub-Professional level was CAR with a passing rate of 17.1% or 73 passers out of 427 examinees. The Bicol Region landed second with a 17.08% passing rate or 117 passers out of 685 examinees. Ilocos Region, NCR and Davao Region likewise fared well with passing rates of 15.79%, 15.7%, and 15.1%, respectively.
Profile of new eligibles
Majority of passers for both examination levels (3,095) were unemployed. A total of 1,267 passers came from the private sector and 969 from the government. Some 165 were self-employed.
The new Professional eligibles prefer work in the areas of research/report writing, management and audit analysis, accounting, human resource development, and project planning/management. On the other hand, the Sub-professional eligibles prefer typing, data/document control, encoding, computer operation, general clerical, printing, and property custodial.
In terms of gender, 63% or 3,534 passers were female, 2,070 were male, and 23 provided invalid data. The passers were relatively young, with 68% or 3,810 falling under the 18-24 age bracket and 1,312 under the 25-31 age bracket.
The complete list of successful examinees of the November 16, 2008 career service Professional and Sub-Professional examinations may be accessed at the CSC website at www.csc.gov.ph.
Passers are advised to coordinate with the CSC Regional Office concerned on the requirements and procedure in claiming their Certificates of Eligibility (COE). Meanwhile, those who failed may secure a copy of their Reports of Rating also through the CSC website. (CSC-13/ PIA-Caraga)