(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 26 November 2024) Northeast Monsoon affecting Extreme Northern Luzon. Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Intertropical Convergence Zone (ITCZ). Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


PIA News Service - Saturday, April 23, 2011

Tagalog News: Masamang panahon, hindi hadlang sa mga debotong sumali sa Panaad 2011 sa Butuan

ni Robert E. Roperos

BUTUAN CITY, Abr. 23 (PIA) -- Hindi naging hadlang ang masamang panahon para sa mga deboto dito sa Butuan makasali lamang sa taunang “Panaad 2011” kung saan tinatayang mahigit dalawang libo katao ang umakyat kahapon ng madaling araw (Abril 22) sa may bulubunduking bahagi ng Brgy. Anticala.

Ang taunang kaganapan ay kaugnay sa ipinagdiwang ng sangkatauhan sa buong mundo lalung-lalo na ng Iglesia Katolika – ang pagpasakit ni Hesukristo sa tuwing Semana Santa. Ang “Via Krusis” (Way of the Cross) ay isa sa naging importante’ng kaganapan tuwing Biyernes Santo lalung-lalo na ng mga Katoliko.

Ang mga namanata ay maagang gumising para lamang sumali sa “Station of the Cross” na pinangunahan ni Fr. Joesilo Amalla at ng iba pang mga kaparian ng St. Joseph Cathedral na tinaguriang ina ng mga parokya ng siyudad.

Hindi rin nagpahuli ang ilan sa mga opisyal ng siyudad, maging si Congressman Jose Aquino II ng unang distrito ng Agusan del Norte at siyang naging organizer ng nasabing taunang religious activity.

Sa pakikipanayam kay Fr. Amalla, inamin nito na upang masigurong hindi maging hadlang ang maputik na daan dahil gabi pa lang nu’ng Huwebes nagsimula ang pagbuhos ng ulan dito, nagsuot siya ng bota at nang sa gayon ay matapos niya ang 14 na estasyon na inilagay mula sa Sitio Iyao hanggang sa Sitio Mahayahay ng Brgy. Anticala dito sa siyudad.

Ito rin ang sinabi ni Nanay Farmenia na isa sa mga namamanata. Aniya gabi pa lang ng Huwebes, nagdadasal na siya na sana tumila ang ulan upang matuloy ang nasabing kaganapan. Dagdag pa niya, naghanda na rin siya ng kaniyang bota at maging ng raincoat dahil kung sakaling hindi talaga tumigil ang ulan ay makakasama pa rin siya dito.

Para naman kay Aling Felisa, ang ganitong taunang pangyayari ay hindi dapat palampasin. Sabi niya, bukod sa ganitong uri ng pag-ninilay-nilay, nakakadagdag pa raw ito sa pagpapaunlad ng turismo dito tulad din ng “Panaad” ng probinsya ng Camiguin sa Northern Mindanao.

Napag-alamang tulad ng mga nakaraang taon, alas kuwatro pa lang ng madaling araw, may mga sasakyan nang nag-aabang sa may Rizal Park dito para ihatid ng libre ang mga tao duon mismo sa ibaba ng bundok ng Brgy. Anticala.

Tinatatayang aabot sa limang kilometro ang layo ng nasabing barangay sa mga sentrong bahagi ng siyudad ng Butuan.

Samantala, buong pinagmamalaki ni Fr. Amalla ang mga local historians ng siyudad sa kanilang walang humpay na pagsuporta sa isyu na kung saan ginanap ang unang misa sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday dito sa Pilipinas.

Dagdag ni Amalla, ipinaglalaban pa rin ng mga lokal na historians na ang nasabing unang misa sa bansa ay nangyari rito sa Butuan at hindi sa kung ano ang nakalagay sa mga aklat ng kasaysayan ng bansa.

Kung matatandaan, ang Panaad 2011 (Pangako) ay sinimulan noong 2007 at ngayon ay nagsimula na rin itong dinadayo ng mga namamanata dito at maging sa mga karatig na probinsya ng Agusan del Norte at Agusan del Sur. (PIA-Caraga)


Tagalog News: BCPO nagbigay ng paalala upang maiwasang mabiktima ng magnanakaw ngayong tag-araw

ni Robert E. Roperos

BUTUAN CITY, Abr. 23 (PIA) -- Habang nasa kalagitnaan na ng tag-init, hindi maiiwasan ang pagpupunta ng mga tao sa kani-kanilang probinsya upang duon ipagdiwang ang Semana Santa o dili kaya’y isang simpleng pagbabakasyon.

Sa kadahilanang ito, minabuti ng tanggapan ng Butuan City Police na magbigay ng mga tips upang maiwasan ang hindi inaasahang mga pangyayari tulad na lamang halimbawa ang mabiktima ng pagnanakaw.

Upang mas lalong mag i-enjoy sa bakasyon, narito ang anim na tips na pinamahagi ng tanggapan ng pulisya dito:

Tip # 1: Kapag nasa kainan sa isang hotel, restoran o anumang kainan, huwag iwanan ang pitaka o laptop sa mesa o pabitin sa mga gilid ng isang upuan. Ito’y nagbibigay ng pagkakataon sa mga magnanakaw na kunin ang mga ito.

Tip # 2: Huwag mang-akit ng pansin sa pamamagitan ng suot na mahal na alahas. Di mo alam na may magnanakaw sa gitna ng iyong kapwa travelers. Mas mabuti, iwan ang alahas sa isang safety box sa bahay. Para mo na rin kasi’ng inaakit ang isang magnanakaw sa mga suot mong alahas.

Tip # 3: Huwag iwanan ang mga mahalagang pag-aari sa mga hotel rooms kung lalabas. Palaging dalhin ang mga ito sa tuwing lalabas ka ng iyong kuwarto. Ilan sa mga ito ay ang iyong pitaka.

Tips # 4: Laging dalhin ang iyong pasaporte at ID card para sa iyong pagkakakilanlan. Pakakaalalahanin na ito’y mga mahalagang bagay at hindi ito dapat mawalay sa iyo.

Tips # 5: Huwag kailanman pumunta sa lugar na nag-iisa at walang kakilala. Kung mag venture, kailangang may kasama. Huwag humiwalay sa grupo. Mas mainam ang mas marami upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang magnanakaw na nakawan ka sa pamamagitan ng pag-snatch ng kahit ano’ng dinadala mo.

Tips # 6: Huwag panatilihin ang lahat ng iyong cash sa isang lugar upang sa ganoong paraan kapag nawala ang wallet o bag, may naiwan ka pang pera sa ibang kinalalagyan.

Ito ay ilan lang sa mga tips na maaaring sunding ng kahit sino upang maiwasan ang paglaganap ng mga krimen. Sa ganitong paraan, ikaw ay makakaiwas na mabiktima ng mga kawatan. (PIA-Caraga)


Cebuano News: Ulan, wala gipanumbaling sa mga misalmot sa Panaad 2011 sa Butuan City

BUTUAN CITY, Abr. 23 (PIA) -- Wala nahimong babag sa mga Butuanon og Agusanon ang pag-ulan ulan tungod kay gibana-banang dos-mil pa gihapon ka mga deboto ang misalmot sa ika-upat ka tuig nang pagpahigayon sa Panaad 2011 isip paghandom sa mga pagpasakit ni Hesus panahon sa Biernes Santo kagahapong adlawa, Abr. 22.

Ang mga entrante, sayong mimata aron lamang maka-apil ka station of the cross nga gipangunahan ni Fr. Joesilo Amalla og ubang kaparian ingon man ni Congressman Joeboy Aquino nga maoy organizer sa nasangpit nga kalihukan.



Aminado si Fr. Amalla nga aron masegurong dili mabalda sa lapok tungod sa pag-ulan nga nagsugod sa gabii pa sa Huwebes Santo, nagsuot na siya og butas sa ingon matapos gyod ang pagbisita sa 14 ka mga krus nga gimontar gikan sa Sitio Iyao ngadto na sa Sitio Mahayahay sa Brgy. Anticala ning siyudad.

Usa lamang sa gipasigarbo ni Padre Amalla mao ang padayong pagbarog sa mga local historians nga dinhi gyod sa Butuan ilabina sa Masawa natigayon ang unang misa og dili sa Limasawa, Leyte.

Gani, sa maong lugar usab sa tibuok Pilipinas unang gi-ampo ang Amahan Namo og Maghimaya Ka Maria, base sa ilang nakuhang mga ebidensya. (BR/PIA-Caraga)


Cebuano News: Hepe sa PRO-13 mapasalamaton kang Cong. Aquino sa pagdonar og bag-ong 14 ka armas sa BCPO

ni Robert E. Roperos

BUTUAN CITY, Abr. 23 (PIA) -- Dako ang pasalamat ni PCSupt. Reynaldo Rafal, Regional Director sa Police Regional Office-13 kang Congressman Jose “Joboy” Aquino sa unang distrito sa Agusan del Norte tungod sa pagdonar niini og 14 ka mga bag-ong armas sa Butuan City Police Office (BCPO) dili pa lang dugay.

Sa gihimong simpleng seremonya didto sa PRO-13 Conference Room sa Camp Rafael Rodriguez, Brgy. Libertad, Butuan City, gitunol ni Dir. Rafal ang iyang pasalamat sa maong opisyal kansang naila nga usa sa mga crime buster ni’ng dakbayan.

Si Cong. Aquino gi-welcome sa usa ka Side Honor sa mga personahe sa 13th regional Public Safety Battalion (RPSB) aron personal ug pormal nga gitunol ngadto kang Supt. Rafal ang 14 ka mga M16 (M4) rifles.

Human gidawat ni Rafal ang maong mga donasyon, iya usab dayon kini’ng gitunol ngadto kang PSupt. Francisco Dungo, BCPO’s Deputy City Director for Operations, pagkahuman sa pinirmahay sa Deed of Donation.

Sa iyang pakigpulong, si Rafal nagkanayon nga ang mga gipang-donar nga mga tag-as nga mga armas ni Cong. Aquino dako og tabang sa mga personahe sa PRO-13 kung diin ilawom niini ang supervision sa BCPO aron sa pagpalambo sa ilang operational ug kapasidad sa pagsumpo sa kriminalidad sa dakbayan human nga nahimo ang PNP BCPO’s Special Weapons and Tactics (SWAT) Team niadtong mga nakalabay’ng bulan.

Si Cong. Aquino usab sa iyang mensahe misaad sa iyang makanunayo’ng pagtabang sa PRO-13 ug sa BCPO ug nagkanayon nga kini mao ang usa sa iyang mga prayoridad isip opisyal sa unang distrito sa Agusan del Norte ug usa sa gitahasan sa pagsumpo sa kriminalidad sa dakbayan ug sa kasikbit nga probinsya sa Agusan del Norte.

Si Aquino usab misaad nga muhatag og unom ka mga multicabs aron magamit sa kapulisan sa BCPO sa pagsugpo sa kriminalidad pinaagi sa police visibility. Si Aquino nagkanayon nga kini mahatag niini’ng tuiga.

Kung mahinumduman, si Cong. Aquino usab mihatag og mga multicabs sa 86 ka mga barangay ni’ng dakbayan ug sa Las Nieves, Agusan del Norte aron gamiton isip service vehicle sa matag barangay ilabi na panahon nga aduna’y emergency. Ang dakbayan sa Butuan ug Las Nieves mao’y naglangkop sa Unang Distrito sa Agusan del Norte.

Ang maong turn-over ceremony gitambungan sa mga miyembro sa PRO-13 Command Group, tag-as nga opisyal sa PNP sa rehiyon sa Caraga kauban ang mga personahe niini, lakip na ang mga miyembro sa BCPO PNP SWAT Team. (PIA-Caraga)