Tagalog News: Positibong takbo ng pandaigdigang ekonomiya dahil sa pagkamatay ni Osama Bin Laden, posibleng mangyari – PNP Caraga
ni Robert E. Roperos
BUTUAN CITY, Mayo 6 (PIA) – Magiging positibo ang takbo ng pandaigdigang ekonomiya matapos mapatay sa pagatake ng mga pwersang Amerikano si Osama Bin Laden noong Lunes sa bansang Pakistan.
Ito ang sinabi ni Police Regional Office (PRO)-13 Regional Director Reynaldo Rafal sa isang panayam.
Sinabi ni Dir. Rafal, magiging posible na sa Estados Unidos na ibangon ang ekonomiya ng bansa maging ang iba pang mga bansa sa mundo na naging biktima ng pang-aatake ng pwersa ni Bin Laden.
Samantalang sinabi rin ng opisyal na malaking kawalan sa terorismo ang pagkamatay ni Bin Laden kung saan kinakailangang maging alerto ang mga tao sa posibleng gagawing hakbang ng mga kaalyado nito.
Dagdag pa ni Gen. Rafal na siguradong naapektuhan ang lahat ng mga kasapi ni Bon Laden sa kaniyang pagkamatay dahilan upang maging possible ang pagbagal ng pwersa nito sa susunod na mga araw o taon.
Mariing sinabi naman ng sektor ng mga Muslim sa Caraga ang kanilang kasiyahan sa pagkamatay ni Osama Bin Laden matapos makumpirma ni US President Barack Obama noong Lunes.
Sinabi ni Gamal Amerol, Sultan ng Caraga na masaya ang mga Muslim ng rehiyon dahil sa panalo ni Obama sampu ng bumubuo ng pwersa ng Estados Unidos laban sa tinaguriang utak ng terorismo sa buong daigdig.
Sinabi rin ng Sultan ng rehiyon na wala sa idiyolohiya ang mga ginagawa ni Bin Laden kaya’t imposible ang isinisigaw ngayon ng kaniyang mga kaalyado na ideklara itong isang martyr. (PIA-Caraga)