DENR revitalizes agencies to fight illegal
logging
By Eric F. Gallego
BUTUAN CITY, July 13 (PIA) -- To strengthen the
anti-illegal logging campaign in the region, the Department of Environment and
Natural Resources (DENR) has revitalized the operations of the Port Integrated
Clearance Office (PICO) and the Multi-Sectoral Forest Protection Council
(MSFPC).
“We need the support of the regional
multisectoral body that will work alongside with the Anti-Illegal Logging Task
Force headed by Retired Marine General Renato Miranda in the all-out operation
to stop illegal logging and mining activities in the region,” DENR-Caraga
Region Assistant Secretary Marlo D. Mendoza.
He said the regional MSFPC “would hopefully
boost this campaign and eliminate public misconception about irregularities
which are oftentimes taking place in the anti-illegal logging operations.”
He said in the absence of a clearance to
transport goods and other products, PICO can confiscate a closed van cargo at
the exit and entry ports throughout the country.
Under the agreement, DENR, thru its regional
offices and/or its appropriate offices, will continue to issue clearance,
including transport permit for forestry and wildlife products, flora and fauna
intended for loading on board domestic vessels.
The agreement further stated that “when
necessary, the concerned DENR officer shall be present in the loading of forest
and wildlife products, flora and fauna and other natural resources products at
the port of loading to ensure strict monitoring and the implementation of
Environment and Natural Resources laws, rules and regulations on such goods and
cargoes."
Mendoza said a meeting is expected to be held
between DENR officials and operators of all shipping companies to come up with
an agreement relative to the shipment of closed cargo vans only with secured
clearance from DENR through PICO.
Mendoza also said he has refreshed the operation
of the dormant Multi-Forest Protection Council (MFPC) in the region as an
effective strategy for forest protection.
MFPC was created in 1995 when DENR sought
assistance with the World Bank to finance the Environment and Natural Resources
Sector Adjustment Loan (ENR-SECAL) that aimed forest protection and upland
development. It was conceived with the Monitoring and Enforcement Component
(MEC) of the program as forest protection strategy.
The number of MFPC grew to 64 in 1995 to 314 in
1999. Its members were initially selected from several government
organizations, non-government organizations, media, church, indigenous
communities, local communities, local government units, academe, youth groups
and civic groups.
Despite this achievement, most MFPCs have folded
when the ENR-SECAL Program closed in 1999 due to inadequacy of funds.
Mendoza said he will bring all concerned sector
into a conference to organize the members along with sustainable sources of
funds. He said he is working a scheme aimed at paving good working relationship
among DENR and key players particularly local government leaders to sustain the
funding sources of MFPC. “The local government leaders with the political will
to neutralize illegal forestry activities hold the key to the success of the
campaign,” he said. (NCLM/DENR-13/PIA-Caraga)
Tagalog news: Anti-illegal task force ng
pamahalaan nangakong ititigil ang operasyon ng illegal logging sa Caraga
Ni Danilo S. Makiling
BUTUAN CITY, Hulyo 13 (PIA) -- Dahil sa patuloy
na operasyon ng illegal logging sa rehiyon ng Caraga, nangako ang Anti-Illegal
Logging Task Force ng bansa na paiigtingin nila ang kanilang kampanya laban
dito.
Ito ang sinabi ni retired MGen. Renato Miranda,
hepe ng task force na binuo ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa pamamagitan
ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa isang panayam sa
radio program dito.
Sinabi ni Miranda na sila ay nandito sa rehiyon
hindi lang upang itigil ang operasyon ng illegal logging kundi pati na rin ang
pagplano kung paano nila gagawan ng legal na pangkabuhayan ang mga taong
sangkot sa illegal logging.
Dagdag ng opisyal na dahil sa talamak na
operasyon ng illegal logging sa rehiyon, kailangang ang lahat ng ahensya,
pampubliko man o pribado ay mag-ugnayan at bigyan ng sapat na atensiyon ang
problema, dahil kung ito ay hindi maresulba ito ay magdudulot din ng dilubyo sa
ilang lugar sa panahon ng kalamidad.
“Sa ngayon ay talagang dapat bigyan na ng
kaukulang atensiyon ng mga taga-Caraga ang mga illegal logging operations na
nangyayari dito … at hindi lang sa paghuli at pag-confiscate ng kahoy, but more
importantly ang pagplano kung paano natin mabibigyan ng development ang mga
kaibigan natin na nakatira sa kabundukan … alam naman natin na hindi talaga
matatapos ito kung ang tingin nila sa mga kahoy ay pambili ng gamot, pagkain at
iba pa,’ ani Miranda.
Dahil dito, sinabi ni Miranda na ang mga taong
ito ay kailangan na mabigyan ng legal na kabuhayan. Sinabi din niya na ito ay
mangyayari lang kung ang lokal na pamahalaan ay susuporta.
Aniya, nakipag-usap na ang kaniyang tanggapan sa
mga lokal na opisyal ng probinsya ng Agusan del Sur at nasa pinal na proseso na
ang planong pagbibigay ng pangkabuhayan sa mga taong nasa lugar.
Samantala, sinabi ni Miranda na ang iginiit ng
kalihim ng DENR na si Ramon Paje na ang kampanya laban sa illegal logging at
corruption ay nananatiling top priority ng administrasyong Aquino.
Noong nakaraang linggo naman ay lumipat na ang
Anti-illegal task force ng Metro Manila dito upang magsagawa ng imbestigasyon
sa illegal logging sa rehiyon pati na ang pagpapaigting sa kampanya ng
pamahalaan laban sa illegal logging. (RER/DSM/PIA-Caraga)
Tagalog News: IDP Caraga pinalakas ang ugnayan
sa mga field officers sa ibang rehiyon
Ni Danilo S. Makiling
BUTUAN CITY, Hulyo 13 (PIA) -- Pinalakas ng
Internally Displaced Persons (IDP) Caraga Link sa pangunguna ni Commission on
Human Rights (CHR) Caraga director Marylin Pintor ang ugnayan sa mga field
officers sa ibang rehiyon at tinalakay ang mga isyu kung paano resulbahin ang
displacement sa iba't-ibang lugar.
Ayon sa pangulo ng IDP-Caraga link na si
Teresita Canas, ang IDP ay nabuo sa workshop sa Lianga, Surigao del Sur noong
Setyembre 2005 kung saan nakita ng mga kalahok ang pangangailangan ng komisyon
sa pagpapalaganap ng respeto para sa proteksyon at karapatan ng IDP sa Caraga.
Ang IDP Caraga Link bilang accredited arm ang
magmomonitor ng mga sitwasyon na nakakaapekto sa internal displacement sa
rehiyon. Tinahasan din ang CHR na magbigay ng hakbang sa implementasyon sa isyu
ng IDP sa mga nararapat na tanggapan sa rehiyon.
Napag-alaman din na simula umpisa, ipinagpatuloy
ng IDP Caraga link ang pagmomonitor sa impormasyon at edukasyon ng internal
displacements sa rehiyon, kalakip nito ang mga munisipyo ng Lianga, Marihatag,
San Miguel, San Agustin, at Tago sa Surigao del Sur; munisipalidad ng San Luis,
at Esperanza naman sa Agusan del Sur; at munisipalidad ng Las Nieves sa Agusan
del Norte.
Sinabi rin ni Canas na ang karamihan sa mga kaso
ng displacements ay nangyayari sa mga katutubo sa rehiyon, at kadalasan ito ay
nagaganap kung may operasyon ang militar laban sa mga rebelde sa kanilang mga
lugar na nagbibigay takot sa mga katutubo.
Napag-alaman din na ang huling naitala na
displacement ay nangyari sa ilang munisipalidad sa Caraga kung saan ang IDPs ay
mukhang kinukontrol ng ibang grupo. Sa isang obserbasyon kung saan sila ay
tinanong ng ilang ahensya, kung saan sila ay tikom-bibig sa mga simpleng
katanungan kung ano ang nangyari sa kanila.
Kahit pa man, si Canas kasama ng mga field
officers sa rehiyon ay magpapatuloy pa rin sa pangangalap ng mga datos kahit pa
man hindi madali ang kumuha ng datos sa mga IDPs. Sa ngayon, sila ay
nakipag-usap na sa mga biktima upang makuha ng mga ito ang kanilang tiwala.
Ibinahagi rin ng ibang field officers ang
kanilang mga karanasan sa pangangasiwa ng displacements na kagaya lang sa
nangyari sa rehiyon ng Caraga. Ilan din sa kanila ay mas matindi pa ang
nangyaring displacement, pero dahil na rin sa pagsisiskap nila na tulungan ang
mga biktima ng displacement, nalampasan nila ang sitwasyon.
Dahil dito, ang IDP Caraga link ay naging
matatag sa panahon na sila ay haharap sa mga hamon upang maresulba ang problema
sa displacement sa rehiyon, pati na ang link sa ibang parte ng rehiyon sa
Mindanao. (RER/DSM/PIA-Caraga)
Cebuano News: Mas preparado na karon ang nasod
sa pagdumala og mga katalagman, sulti ni Pangulong Aquino
Ni Susil D. Ragas
SURIGAO CITY, Hulyo 13 (PIA) -- Ang nasod mas
preparado na nga modumala og mga katalagman human nga gihataga og gahom ang mga
lokal nga pangagamhanan ug mga komunidad libot sa nasod,sulti ni Pangulong Benigno
S. Aquino III atol sa disaster risk reduction roadshow kagahapon Huwebes.
Gitambongan sa Pangulo ang “Tapatan Roadshow” sa
Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation nga gipasiugdahan sa
Department of the Interior and Local Government (DILG) didto sa SMX Convention
Center, Pasay City.
Matud sa Pangulo ang gobyernong nasyunal
magpadayon sa pagpagahom sa mga LGUs, ug ang local disaster risk-reduction
management plan andam na.
Gikan niadtong bulan sa Abril karong tuiga, 92
porsyento na ka mga LGUs ang adunay area-wide warning and alarm system, 86
posyento ang adunay ilang kaugalingon nga mga evacuation centers, ug 78
porsyento ang adunay emergency response, rescue, ug medical teams, matud pa
niya.
Usab, ang gobyernong nasyunal mitabang sa mga
LGUs pagtukod sa ilang kaugalingon nga mga disaster command and auxiliary
command centers aron sila makaresponde dayon sa mga katalagman, dugang pa niya.
Ang mga field offices sa Department of Social
Welfare and Development gihatagan na og standby nga mga pondo nga mokabat sa
P500,000 matag opisina. Kini makahimo sa mga LGUs aron makaresponde ug
makahatag dayon og mga relief goods sa panahon nga adunay katalagman, ang
Pangulo miingon.
Gidayeg usab sa gobyernong nasyunal kadtong mga
LGUs nga nakahimo og malamposon nga mga preparasyon aron mahimong luwas ang
ilang mga komunidad, matud sa Pangulo uban ang pagtumbok sa kahulogan sa seal
of Disaster Preparedness sa DILG.
“Tunay po na ang mga local government units ang
mga kamay at paa natin sa pamahalaan; kayo ang nagpapausad sa ating bayan sa
pagbagtas sa tuwid na daan tungo sa kaunlaran,” si Pangulong Aquino miingon.
“Nawa’y ‘di na tayo lumihis pa sa direksyon ng
tapat, mabuti, at mapagmalasakit na pamamahala. Abot-kamay na po natin ang
Pilipinas na matagal na nating lahat inaasam. Kaya po, wala nang kailangan
hintayin kung hindi kumilos tayo tungo sa direksyong na gusto naman natin
talagang maparoonan,” dugang pa niya.
Ang maong roadshow nga gipasiugdahan sa DILG
gitumong aron ipataas ang kaamgohan, pagdawat ug partisipasyon sa mga komunidad
sa matag LGUs mahitungod sa disaster risk reduction and management.
(PIA-Surigao del Norte)