Agusan del Sur,POEA, IOM nagkasundo kontra
iligal recruitment at trafficking in person
By David M. Suyao
AGUSAN DEL SUR, Hulyo 21 (PIA) -- Ang Agusan del
Sur ay lumagda ng isang memorandum of understanding (MOU) kasama ang
International Organization for Migration (IOM) at ang Philippine Overseas
Employment Administration (POEA) upang sugpuin ang ilgal na recruitment at
human trafficking sa Agusan del Sur.
Sa kanyang talumpati sa ginanap na pagsasanay sa
anti-iligal na recruitment, sinabi ni Bise Gobernador Santiago Cane na siya
mismo ay naging isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia ngunit
naging mapalad naman siya sa pagkaroon ng isang mabuting employer, di tulad ng
ibang OFWs na naging biktima ng ilegal na recruiters.
"Habang ako ay nasa Saudi Arabia, personal
kong nasaksihan na marami sa ating mga kababayan ay hindi naayon ang kanilang
trabaho sa kanilang inaaplayan dahil ang mga gawain nila ay hindi angkop sa
kontrata na kanilang nilagdaan. Ako ay lubhang natutuwa at naganap ang
pagsasanay na ito para sa Philippine National Police, mga prosecutors, at iba
pang mga kasangkot na ahensya kasama na ang lokal na mga pamahalaan (LGU) ng sa
gayon, wala ng maging biktima ng iligal na recruiters," ani Cane.
Sinabi ni POEA Deputy Administrator Jaime
Jimenez na maaaring madaling maglakbay sa ibang bansa ngunit ito ay lubhang
mapanganib at hindi kaaya-aya kung ang isang OFW ay biktima ng iligal na
recruitment. Sinabi rin niya na kahit na sila ay nagsimulang mangampanya sa
pagsugpo ng iligal na recruitment at trafficking person 30 taon na ang
nakakaraan, nakalulungkot pa rin dahil marami pang biktima ng nasabing krimen.
Sinabi ni Gobernador Adolph Edward Plaza na siya
ay natutuwa na may pagsasanay na isinagawa sa Agusan del Sur dahil ang
pagpatigil ng illegal recruitment at human trafficking ay hindi lamang
responsibilidad ng pambansang pamahalaan kundi responsibilidad din ng LGUs,
lalo na sa malalayong lugar.
Sinabi rin ni Plaza na maraming OFWs ang umuwing
luhaan ngunit hindi sila nagsumbog sa ahensya ng gobyerno dahil sa kakulangan
ng kaalaman at tiwala. Nanawagan siya sa PNP na ipatupad ang mga legal na
paraan sa paghuli ng mga salarin at wastong pag-imbestiga sa ilegal na
recruiters upang madali ang pagsampa ng kaso at pag-usig sa mga criminal.
"Hinihiling ko rin sa POEA, sa DOLE, at iba
pang mga ahensya ng pamahalaan na hikayatin ang mga ligal at matatag na mga
recruitment agencies na magsagawa ng recruitment sa Agusan del Sur dahil ang
panlalawigang pamahalaan ay may pondo upang matulungan ang mga aplikante na
magtrabaho sa ibang bansa, kung sila ay pumasa sila sa mga kinakailangan.
Ginagawa namin ito dahil gusto naming maging maganda ang buhay ng mga Agusanon
at ang perang kanilang maipadala sa kanilang mga pamilya ay dito sa lalawigan
iikot at alam kong ang kasunod noon ay ang pagsibol ng magandan negosyo at pag
unlad," ani Plaza.
Sinimulan na ang pagsasanay sa pangunguna ng mga
abogadong sina Antonio Millanes at Jone Fung ng POEA. (RER/DMS/PIA-Agusan del
Sur)
Butuan, Agusan Norte to host 10th Nat’l Veggie
Congress
By Robert E. Roperos
BUTUAN CITY, July 21 (PIA) -- The local
government units of this city and Agusan del Norte will host this year’s 10th
National Vegetable Congress on July 24 to 26.
In a statement, Edna Mabeza of the Department of
Agriculture (DA)-Caraga said the national activity is spearheaded by the
Philippine Vegetable Industry Development Board (PVIDB) and the Caraga High
Value Cluster Incorporated (ChiVeCI), in coordination with the agriculture
department.
She said the event aims to provide vegetable
producers and other stakeholders with the latest updates, industry trends and
direction; relevant government programs; technology updates, innovations and
best practices; impact of climate change on the vegetable industry and its
mitigating measures.
With this year’s theme “Strengthening and
Sustain Safe and Quality Vegetable Production for Market Competitiveness Amdst
Climate Change,” Mabeza said the event will also serve as an important venue
for gathering key industry stakeholders to discuss and address pressing
industry-related issues and develop common action plans for the development of
the local vegetable industry.
Mabeza said a press conference is set on the
first day of the event prior to the conduct of the opening program. (RER/PIA-Caraga)