DSWD, partner-agencies step up preparations for
the Filipino Family Week celeb
By Jennifer P. Gaitano
BUTUAN CITY, Sept 18 (PIA) -- The Department of
Social Welfare and Development (DSWD) Caraga, as lead agency for the Regional
Inter-Agency Committee for Filipino Family (RIAC-FF), stepped up its
preparations for the upcoming National Filipino Family Week celebration on
September 22-30.
DSWD-Caraga Regional Dir. Mercedita Jabagat said
that based on Proclamation No. 60, the RIAC-FF celebrates the National Family
Week from September 22-30, 2012.
“This year, we aim to strengthen family unity
and relationship through meaningful celebration and promotion of Filipino
values,” said Jabagat.
On September 21, the committee will conduct the
Regional Parents Education Congress to be held at the Goat2geder Hotel and
Restaurant here. This will be participated in by parents coming from different
local government units of Caraga region.
A motorcade within the city thoroughfares will
also be conducted on September 24, and a program will follow at the Balanghai
Hotel and Convention Center.
Along with the program is the conduct of the
Search for Talentadong Pamilyang Pilipino wherein the first placer will receive
one sack of rice with P1,000 cash and Technical Education and Skills
Development Authority (Tesda) scholarship. Second placer will receive P1,000
worth of grocery items and Tesda scholarship while the third placer will
receive P500 worth of grocery items and Tesda scholarship. The committee will
also be giving out consolation prizes.
Also, the committee prepared games for parents
and children during the celebration. (RER/JPG/PIA-Caraga)
Tagalog News: Bagong hanay ng Board of Directors
ng Red Cross-AdS, nanumpa
Ni David M. Suyao
PATIN-AY, Prosperidad, Agusan del Sur, Sept. 17
(PIA) -– Nanumpa sa kanilang mga tungkulin ang bagong hanay ng Board of
Directors (BOD) ng Philippine Red Cross Agusan del Sur (PRC-AdS) na boluntaryong
maghandog ng kanilang serbisyo sa loob ng dalawang taon sa tanggapan ng PRC-AdS
na makikita sa Gov. D. O. Plaza Government Center sa Patin-ay, Prosperidad,
Agusan del Sur noong ngkaraang lingo.
Sa pamamagitan ng simpleng seremonya matapos
pumili ang bagong hanay na BOD ng mga bagong opisyales para sa taong 2012-2014,
si Agusan del Sur Gob. Adolph Edward Plaza mismo ang siyang namahala sa
panunumpa ng mga ito na sinaksihan ng iba pang boluntaryo ng PRC-AdS.
“Ako ay nagagalak na makita kayong lahat na
bumubuo ng mga boluntaryong opisyales na BOD ng PRC-AdS, habang dama ko ang
responsibilidad ng pagtutulungan sa ating paghatid ng serbisyo sa mga
Agusanons, lalo na sa panahon na may sakuna. Dahil doon, mapalad akong manguna
sa pagbabasa ng inyong panunumpa, dahil alam ko na pagkatapos ng inyong matapat
na panunumpa, kayo ay gagawa ng mga bagong plano at programa para sa mas
epektibong pamamahala ng PRC-AdS na maging napakalaking tulong para sa mga
mamamayan ng Agusan del Sur,” sabi ni Gob. Plaza.
Ayon kay Plaza, ang pinakamabuting magagawa ng
pamahalaan at ng Red Cross ay kontrolin ang binabahang lugar sa buong
lalawigan, maliban sa pangunguna sa pagtulong sa mga biktima sa panahon ng
kalamidad.
“Nagbigay na ako ng kautusan sa Provincial
Engineering Office matingnan ang daloy ng mga tubig na galing sa kabundukan na
nakapaligid sa munisipyo ng San Francisco dahil naniniwala ako na may
nakabarang mga bagay o lupa sa daluyan ang tubig papunta sa Agusan Marsh. At
kung may makitang nakabara sa daluyan ang tubig sa kahabaan ng mga sapa,
lilinisin natin ito o kaya gawing malalim at malapad dinadaluyan ng tubig ng sa
gayon, ito ang malayang umagos papunta sa Agusan Marsh na siyang sumasalo sa
lahat ng tubig na bumabagsak ditto sa Agusan del Sur at sa karatig na mga
lalawigan,” sabi ni Plaza.
Ayon kay BOD Chairman Rev. Solomon Bilaoen ang
bagong itinakdang BOD ay magpupulong upang talakayin ang mga mungkahi ni Gob.
Plaza at gagawa rin ng mga epektibong plano at maghagilap ng pundo para maabot
ang target na gagawin sa taong ito. (PIA-Agusan del Sur)
Tagalog news: Inagurasyon ng DILG-Agusan del
Norte Provincial Office isinagawa
Ni Danilo S. Makiling
BUTUAN CITY, Set 18 (PIA) -- Ginanap kamakailang
ang pagbubukas ng bagong Department of Interior and Local Government (DILG)
Agusan del Norte Provincial Office sa Capitol Compound ng lungsod.
Ang pagbubukas ng bagong tanggapan ay
pinangunahan ni DILG Agusan del Norte Provincial Director Romeo Solis, kasama
nina DILG-Caraga Regional Director Lilibeth Famacion, Agusan del Norte Vice
Gov. Enrico Corvera at Provincial Administrator Percianita Racho.
Ang seremonya ay dinaluhan din ni Rev. Fr.
Stephen Broncano na siyang nanguna sa pagbabasbas ng bagong tanggapan, na
sinaksihan naman ng mga manggagawa ng gobyerno at mga kinatawa ng lokal na
medya ng lungsod.
Nagpahayag ng pasasalamat si Solis sa
pamahalaang probinsya para sa kanilang pagsisikap na bigyan ng pondo ang
pagtatayo ng bagong gusali ng DILG Agusan del Norte provincial office.
“Malaki po ang aking pasasalamat kay Gov. Erlpe
John Amante dahil pinagtibay po niya ang pundo na nakalaan sa pagtatayo ng
bagong tanggapan ng DILG Provincial Office kasabay narin ng sunod sunod na
follow up na ginawa ng aming provincial administrator para maisakatuparan po
ang mabilisang pagtapos ng tanggapan sa buwan ng Setyembre sa halip na sa buwan
ng Oktubre na siyang buwan na target ni engr. George Tan, sa pagtapos ng
tanggapan,” ani solis.
Samantala, nagpahayag din ng kanyang kagalakan
si Corvera, na siyang nagrepresenta kay Amante, dahil ang mga manggagawa ng
DILG ay mayroon nang komportableng tanggapan.
“Ako po ay masaya na makita ang mga manggagawa
ng pamahalaang probinsya na hawak kamay sa pagbibigay solusyon sa mga
pangangailangan ng ating mga manggagawa. Ako po ay umaasa sa patuloy ang
kaayosan ng mga relasyon ng ibang tanggapan ng pamahalaan,” ani Corvera.
Siniguro ni Solis na siya at ang kanyang mga
kasamahan sa trabaho ay pag-iigihan ang kanilang mga serbesyo publiko.
(RER/NCLM/PIA-Caraga)
Cebuano News: Pangulong Aquino gipangunahan ang
awarding sa ‘Seal of Good Housekeeping for Barangay Governance’ didto sa Quezon
Ni Susil D. Ragas
SURIGAO CITY, Sep. 18 (PIA) – Gipangulohan ni
Pangulong Benigno S. Aquino III kagahapon ang awarding sa Seal of Good
Housekeeping for Barangay Governance ug ang oathtaking sa bag-ong mga miyembro
sa Liberal Party didto sa Quezon province.
Ang awarding alang sa good house-keeping and
governance maoy usa sa duha ka mga proyekto ni Quezon 2nd District Rep. Irvin
Alcala. Gisugdan ang maong search niadtong Marso tuig 2011, nahimo pinaagi sa
tabang sa mga nagkalain-laing non-government organizations.
Ang mga mananaog gipili pinaagi sa mosunod nga
mga criteria: Good planning (25 percent), sound fiscal management (15 percent),
transparency and accountability (15 percent), valuing performance information
(10 percent), responsiveness to the public (20 percent), ug policy audit and
compliance tracking system (15 percent).
Ang Seal of Good Housekeeping nagapakita sa
klase sa liderato ug kalidad sa public service nga aduna ang mga local
government units sa ilang paghimo sa ilang opisyal nga mga transaksyon.
Gilusad ni kanhi Interior and Local Government
Secretary Jesse Robredo ang maong inisyatibo aron mapauswag ang pamaagi sa
panggobyerno sa mga LGUs ug sa pagpahigayon sa ilang mga trabaho.
Human sa awarding ceremonies, gisaksihan sa
Pangulo ang oathtaking sa mga miyemro sa LP. Ang bag-ong mga miyembro sa
Liberal Party nagagikan sa 39 ka mga munisipyo ug duha ka syudad sa Quezon.
Sa iyang mensahe atol sa awarding ug oath taking
ceremony didto sa Enverga University gymnasium, mihisgot ang Pangulo sa mga
kaayohan ug mga kabag-ohan nga nahimo sa iyang administrasyon sulod sa duha ka
tuig. Iya usab gipasabot ang kahulogan sa maong oath taking ceremony aron
moabante ang nasod.
Matud pa sa Pangulo nga kinahanglan
maimplementar ang mga reporma ug dili kini niya mahimo nga mag-inusara ug iyang
gikinahanglan ang tabang sa katawhan aron maseguro ang sustenable nga mga
kabag-ohan sa nasod.
Dugang pa niya nga iyang gilantaw ang Pilipinas
nga mamahimong progresibo ug mauswagon nga nasod human sa iyang termino sa
2016.
“Parati akong tinatanong, paano ang mangyayari
kapag wala na kayo? Ang daming hahalinhin sa atin na may parehong pananaw,
pareho ang dedikasyon sa ating mga mamamayan, parehong tatahak ng tuwid na daan
na hindi tayo aasa sa isang tao, sa isang grupo lang, ngunit tayo mismo
maka-aasa sa ating sarili, sa ating kapwa para mapabilis na makarating sa ating
gustong paroonan,” matud niya.
Miuban kang Pangulo atol sa maong kalihukan mao
si bag-ong natudlo nga Interior and Local Government Secretary Manuel Roxas,
Representatives Erin Tanada, Mark Enverga, Irvin alcala ug kanhi senador
Wigberto Tanada. (PIA-Surigao del Norte)