Tagalog news: Sektor ng Kooperatiba sa Caraga
naghahanda para sa pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong Oktubre
Ni Danilo S. Makiling
BUTUAN CITY, Set. 26 (PIA) -- Magsasagawa ng
sunod-sunod na aktibidad ang Cooperative Development Authority (CDA) Caraga at
Regional Cooperative Development Council (RCDC) para sa pagdiriwang ng
Cooperative Month sa taong ito.
Ayon kay CDA-Caraga Regional Director Manuela
Pelaez, ang Proclamation No. 493 ay nagdedeklara sa buwan ng Oktubre bilang
Cooperative Month.
Ang pagdiriwang ng kooperatiba sa taong ito ay
may temang, “Kooperatiba ay Pagyamanin, mga Kasapi Paramihin.” Ito ay sub-theme
ng Philippine International Year of Cooperatives (IYC) 2012 na “Transformative
Cooperative for People, Planet, Prosperity, and Peace.”
Idinagdag din ni Pelaez na ang pagbubukas ng
seremonya ay gaganapin sa Oktubre 1 kung saan ito ay magsisimula sa isang
misang pasasalamat na gagapin sa Agusan del Norte Provincial Capitol Covered
Court, dito. Samantala, gaganapin ng ibang lokal na pamahalaan ang nasabing
misa sa kani-kanilang mga lokal na simbahan.
Isang motorcade din ang isasagawa sa syudad na
susundan ng isang maikling programa para sa awarding ng CDA Gawad Parangal ng
Regional winners at nominees.
Pangungunahan din ng mga kooperatiba ang “Larong
Pinoy/Cooplympics” na gaganapin sa parehong araw, pati na ang pagsasagawa ng
mga susunod na aktibidad: 1) Coop Awareness Forum and Quiz Bee; at 2) Coastal
cleanup at tree-planting.
Sa Oktubre 2, ang kooperatiba ng Surigao del
Norte ay magsasagawa ng Provincial Cooperative Congress at Seminar on Laws and
Regulations Affecting Cooperative na gaganapin sa lungsod ng Surigao.
Ang Coop Agro-Medical-Trade Fair ay gaganapin
naman sa Oktubre 3 hanggang 5 sa lungsod din ng Surigao. Sa Oktubre 3 hanggang
6, ang Financial Management Training ay gaganapin sa lungsod ng Butuan.
Makikilahok din ang piling mga kooperatiba sa rehiyon sa 11th National
Cooperative Summit and CDC Mindanao Convergence sa Oktubre 10 hanggang 12 sa
Limketkai Mall, sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Napag-alaman din na sa Oktubre 13, ang
kooperatiba ay magsasagawa ng “Lunch with the Badjao and Muslim Tribes” sa
lungsod ng Tandag. Sa Oktubre 25, ang kooperatiba sa lungsod ng Bislig ay
magsasagawa ng isang Cooperative Forum at sa Oktubre 26 naman ay ang
pagsasagawa ng Municipal Cooperative Assembly na gaganapin sa Basilica, Dinagat
Islands, pati na ang Co-op Fun Run sa Rosario, Agusan del Sur.
Ang mga kooperatiba sa iba't ibang munisipalidad
ay hinihimok din na magsagawa ng kanilang mga sariling aktibidad kasabay ng mga
nabanggit na aktibidad.
Magtatapos ang pagdiriwang ng Cooperative Month
sa Oktubre 31, kung saan isasagawa ang isang thanksgiving mass, maikling
programa at paggawad ng mga parangal sa mga nanalo sa Cooplympics. (RER/DSM/PIA-Caraga)
Cebuano News: Amo sa mga Overseas Filipino
workers nga temporaryong gisagop sa mga house -shelters sa gobyerno didto sa
Saudi Arabia mi-kooperar sa gobyernong Pilipinas sa paghikay pagpagawas og exit
visas aron ang mga trabahanteng Filipino sa dili madugay
Ni Susil D. Ragas
SURIGAO CITY, Sep. 26 (PIA) – Pipila ka mga amo
sa mga Overseas Filipino workers nga temporaryong gisagop sa mga government
run-shelters didto sa Saudi Arabia ang mi-kooperar sa gobyernong Pilipinas sa
paghikay og pagpagawas og exit visas aron ang maong mga OFW makapauli na sa
gilayon sa Pilipinas, matud sa opisyales sa Palasyo kagahapon.
Si Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz
mitaho nga pipila ka mga amo sa maong mga OFW ang mipasalig og hugot nga
suporta sa gobyernong Pilipinas aron mapadali ang pagpagawas og mga exit visas
sa mga trabahante, matud ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte atol
sa regular press briefing didto sa MalacaΓ±ang kagahapon.
"We have good news, the employer has
promised to coordinate with our labor attache in Jeddah to be able to process
the exit visas of the OFWs," matud pa ni Valte.
Dugang pa niya nga ang proseso alang sa
pagpagawas og exit visas sa 10 sa mokabat 82 ka mga OFWs nga kasamtangang atoa
didto sa maong mga shelter houses ang nagsugod na.
Ang buhatan sa Overseas Workers Welfare
Administration ug mga hingtungdang mga embahada didto sa Jeddah ug Dubai ang
mi-atender sa mga panginahanglanon sa mga OFWs nga atoa sa maong mga shelters.
Samtang ang gobyernong Pilipinas mipadali sa
pagrepaso ug pagproseso sa mga kasong gikalambigitan sa maong mga OFWs aron
sila makakuha sa gikinahanglang exit visa. Kaniadto, ang pag-isyu og mga exit
visas sa mga OFWs ang nalangan tungod sa kakulang og pipila ka mga dokumento
nga gikan sa ilang mga amo.
Ang gobyernong Saudi mopagawas lamang sa maong
exit visas ngadsto sa mga workers human nga makakuha og clearance gikan sa
ilang mga amo. (PIA-Surigao del Norte)