Tagalog news: Mga lokal na pamahalaan sa Agusan
del Sur magbibigay ng supporta sa PDEA
Ni David M. Suyao
AGUSAN DEL SUR, Okt. 12 (PIA) -- Ang mga
pamahalaang bayan at panlalawigan sa Agusan del Sur ay magbibigay ng mga
pangangailan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para maipatupad ng
lubusan ang kanilang mga tungkulin para masugpo ang paglaganap at paggamit ng
illegal na druga ayon sa ipinirensenta ng kumakatawan ng idaos ang Provincial
Peace and Order Council noong nakaraang linggo.
Sa ipinasang resolusyon ni Sangguniang
Panlalawigan (SP) member at chairman ng committee ng peace and order Gilbert
Elorde na naka tuon kay Gob. Adolph Edward Plaza, ito ay nag sasabing ang mga
pamahalaang bayan at panlalawigan ng Agusan del Sur ay magbigay ng pundo para
pambili ng mga gamit sa kanilang tanggapan pati na ang mga pasilidad para sa
komunikasyon, isang safe house at sasakyan para lubusan nilang magampanan ang
kanilang mga tungkulin sa tulong na rin ng local na pamahalaan.
Binigyan ni Bise Gob. Santiago Cane Jr. ng mga
pamantayan si PDEA Deputy Director Christy Silvan na magsumite ng detalyadong
listahan ng kanilang mga pangangailanga para ito ay maisasama sa resolusyon na
isusumite sa mayor at kay Gob. Plaza para sa kanilang madaliang pagsusuri dahil
sila ang maglalaan ng pundo para dito at para sa kanilang madaliang pagkilos.
Para makuha ang lubos na suporta ng PPOC,
inilahad ni PDEA Deputy Dir. Silvan ang mga natatangi nilang nagwa pati na ang
nagawang tulong ng PNP mula Hulyo hanggang Setyembre, 2012.
“Mula Hulyo hanggang katapusan ng Setyembre sa
taong ito, malugod naming iulat sa kupunang ito na ang PDEA at PNP ay
nakapagsagawa ng walong operation na siyang dahilan ng pagkaka aresto ng labing
isang nagtutulak ng druga at lahat ng mga ito ay naisampa na sa korte. Halos
lahat ng operation na aming ginawa ay ang tinatawag na buy-bust operation at iyan
ang dahilan kung bakit lahat ng suspetsado ay naaresto. At sa suportang
ibibigay ng mga local na pamahalaan, alam naming madodoble pa an gaming mga
nagawa,” sabi ni Silvan.
Ang pamahalaang panlalawigan ay may inilaan nang
tanggapan para sa PDEA sa mismong kapitolyo. Sa panahong ma approve na ang
kanilang mga hiling, ang naturang tanggapan ay magkakaroon na ng computer set,
linya ng telepono at iba pang kagamitan para sa komunikasyon na siyang
kailangan ng PDEA para maipatupad ang kanilang mga tungkulin. (DMS/PIA-Agusan
del Sur)
Tagalog News: Pamahalaang lungsod ipinagdiriwang
ang Universal Children’s Month sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga handog sa
mga batang kalye
Ni Danilo S. Makiling
BUTUAN CITY, Oktubre 12 (PIA) -- Pinangunahan ng
pamahalaan ng lungsod ang pamimigay ng handog sa mga batang kalye, ito kaugnay
sa pagdiriwang ng Universal Children’s Month na may temang “Bright Child ay
Siguraduhin, Responsableng Pamamahayag ay Palaganapin.”
Sa pamamagitan ng inisyatibo ng pamahalaan at ng
City Social Welfare and Development Office, sa pakikipagkoordinasyon ng ibat
ibang ahensya ng pamahalaan, ang mga batang kalye ay tinipon para sa dalawang
araw na aktibidad gaya ng feeding at pagsasagawa ng ibat ibang laro para sa mga
bata.
Kasabay ng programa, bukas loob na tinanggap ni
Butuan City Mayor Ferdinand Amante ang mga batang kalye. Aniya, lahat ng mga
proyekto ng lungsod ay para sa kaunlaran ng mga kabataan.
“Lahat ng programa at proyekto na ginagawa namin
sa lungsod ng Butuan ay para sa kabutihan at kaunlaran ng ating mga kabataan,
lalo na ang mga batang kalye," Ayon kay Amante.
Samantala, nagpahayag naman ng kanyang
pasasalamat si City Economic and Development Office Manager Ma. Ruth Jugao sa
mga ahensya ng pamahalaan na sumuporta sa pagdiriwang ng Universal Children’s
Month.
“Gusto ko po sana magpasalamat sa pamahalaan ng
lungsod, lalo na sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan sa suporta na ibinahagi
nila para sa kaunlaran ng mga kabataan,” ani Jugao.
Kasabay ng pagdiriwang, pinangunahan din ni
Butuan City Mayor Ferdinand Amante, Jr. kasama ng mga opisyales ng mga ahensya
ng pamahalaan, at ng mga evaluators ng Child-Friendly City ang pagbubukas ng
Center for Redirected Youth. Binisita din nila ang bagong kabubukas na floating
library na itinatayo sa parihong lugar.
Ang mga manggagawa naman ng Philippine
Information Agency Caraga region ay nanguna sa pagsasagawa ng isang film
showing para sa mga bata, na idinaos sa parihong lugar. (NCLM/PIA-Caraga)
Cebuano News: Pangulong Aquino misaad nga
dependeran ug protektahan ang katungod sa mga konsumante
Ni Susil D. Ragas
SURIGAO CITY, Oct. 12 (PIA) -- Gipasalig ni
Pangulong Benigno S. Aquino III sa katawhang Filipino nga ubos sa iyang
administrasyon padayon nga dependeran ug proteksyonan ang ilang mga katungod
isip mga konsumante, nga gimando ubos sa Republic Act 7394 o ang naila nga
Consumer Act of the Philippines.
Ang Pangulo namahayag sa maong kaseguroan atol
sa opening ceremonies sa pagselebrar sa Consumer Welfare Month didto sa SMX
Convention Center sa Pasay City kagahapon.
Matud niya nga ubos sa pagdumala ni Trade
Secretary Gregory Domingo, DTI, ug uban pang mga hingtungdang ahensya, sila
andam aron depensahan ug dependeran ang mga katungod sa mga konsumante alang sa
resonableng presyo, ug dekalidad nga mga produkto lakip usab ang epektibong
pagtubag sa mga problema ug mga isyu sa mga konsumante ug bantayan ang mga
katungod ug kaayohan sa mga konsumante.
“Sa tapat at maayos na pagtitimon ni Kalihim
Greg Domingo sa buong Department of Trade and Industry, makakaasa ang bawat
Pilipino—negosyante man o konsyumer—na nasa mabuting kamay tayo,” ingon ni
Presidente.
“Muli’t muli nating idinidiin ang batayang
prinsipyo natin sa tuwid na daan: ang taumbayan lamang ang Boss; wala nang iba.
Kaya naman lubos na isinasaalang-alang ang kapakanan nila sa bawat programa o
patakaran na hinahabi ng pamahalaan,” dugang niya.
Ang tinuig nga pagsaulog sa CWM nahisubay sa
Presidential Proclamation No. 1098 nga gipirmahan ni kanhi Pangulong Fidel V.
Ramos. Ang pagsaulog niini gitumong aron pasiugdahan ang pagsibya sa mga
impormasyon ug aron dasigon ang mga pagtuki ug kooperasyon sa matag konsumante,
patigayon ug sector sa gobyerno alang sa pagpalig-on sa kaamgohan ug proteksyon
sa konsumante. (PIA-Surigao del Norte)