Tagalog News: DTI isinagawa ang kanilang 7th
ConsumersNet & Cellphone Sellers’ dialogue cum workshop
Ni Danilo S. Makiling
BUTUAN CITY, Nob. 2 (PIA) – Isinagawa kamakailan
ng Department of Trade and Industry (DTI) Caraga ang ConsumerNet at Cellphone
Sellers’ Dialogue cum Workshop sa Barangay Imadejas Hall, bilang pagtatapos na
aktibidad sa pagdiriwang ng Consumer Welfare Month.
Ayon kay Atty. Ma. Aurora Curaza-Maquiling ng
DTI-Caraga, ang aktibidad ay naglalayong palakasin ang kaalaman ng konsumador
at mga nagbebenta ng cellphone higgil sa paglabag sa warranty, resolusyon at
mga reklamo sa mga establisyemento.
Habang siya ay nagpapaliwanag hinggil sa mga
paglabag sa warranty, binigyang diin din ni Maquiling na ang warranty ay
kasigurohan sa bawat partido na ang kondisyon ay tutuo; ang ibang partido ay
pinahihintulutang umasa sa kasigurohan at harapin kung ano man ang kapalit,
kung ang kondisyon ay hindi tutuo o hindi nasunod.
“Ang mga retailers ay may pananagutan sa ilalim
ng warranty inkaso na pumalya ang manufacturer at distributor upang tugonan ang
warranty,” ani Maquiling.
Nang tinanong siya hinggil sa secondhand consumer
product na may warranty, nilinaw ni Maquiling na bilang general rule, walang
warranty sa mga ibinibintang secondhand. Maliban nalang kung ang nagbebenta
mismo ang nagbibigay ng warranty sa produkto nila.
Binigyang diin din ni Elmer Natad ng DTI-Caraga
ang “No Return, No Exchange” Policy as per Republic Act 7394 ay sumasailalim
lang sa mga depektibong produkto na nabili ng mga konsumador. Ito lang ang
tanging rason para palitan ang depektibong produkto ng bago, hindi rin
tatanggapin ang dahilan na nagbago ng isip ng konsumador sa pagbili ng ibang
produkto. Ito rin ay para protektahan ang may-ari ng establisyemento.
Idinagdag din ni Natad na ang paglalagay ng
consumers welfare desk (CWD) sa mga establisyemento ay importante.
“Dahil sa mga impormasyon na nakalap sa
pamamagitan ng CWDs, ito ay tutulong sa mga nagbebenta na suriin ang dekalidad
ng kanilang produkto pati na ang maayos na serbisyo at relasyon ng publiko sa
mga nagbebenta,” ani Natad.
Habang isinasagawa ang workshop, ang mga
partisipante ay hinati sa grupo at binigyan ng kaukolang sitwasyon ng reklamo
kung saan sila inatasang bigyan ng solusyon ang reklamo.
Samantala, ang mga representante galing sa ibat
ibang establishemento na nagbebenta ng cellphone ng lungsod ay pumili galing sa
hanay nila ng mga opisyal ng kanilang asosasyon. (NCLM/PIA-Caraga)