Tagalog News: DFA isasagawa ang 2013 Foreign
Officer Examination
Ni Danilo S. Makiling
LUNGSOD NG BUTUAN, Dis. 28 (PIA) --Isasagawa ng
Department of Foreign Affairs sa pamamagitan ng Board of Foreign Service
Examination ang eksaminasyon ng Foreign Service Officer (FSO) na gaganapin sa
susunod na taon, alinsunod sa Republic Act (R.A. 7157) ng taong 1991 at ng
Revised Administration Code ng 1987.
Ayon sa DFA, ang mga aplikante ay dapat na may
kaalaman sa economic, political, at social na kalagayan ng bansa, at kailangan
na may kapasidad sa oral at written communications, pati na sa personality
traits na mahalaga sa mga tungkulin ng isang Foreign Service Officers, at
maaaring mailagay sa anong assignment sa kahit anong posisyon na kinakailangan
ang kanilang serbisyo.
Kinakailangan din na ang aplikante ay
ipinanganak na Filipino at kasalukuyang nananatili sa bansa, at kailangan na
hindi lumagpas sa edad na 35 sa araw ng Qualifying test na gaganapin sa ngayong
Marso 10, 2013, at kailangan na nagtapos ng at least apat na taon sa Bachelor’s
degree o mas mataas pa bago ang prescribe due date sa pagpasa ng mga
requirements at kinakailangan din na mag-representa sila ng katibayan kagaya ng
transcript of records o diploma. Ang aplikante din ay kailangan na dumaan na sa
isang employment o nagpatuloy sa pag-aaral matapos magtapos ng kolehiyo.
Ang eksaminasyon ay binubuo ng limang parte, 1)
Qualifying Test; 2) Preliminary Interview; 3) Written Test; 4) Oral Test; at 5)
Psychological Test.
Para sa mga interesadong aplikante, maaari
nilang i-download ang application form sa DFA website sa www.dfa.gov.ph, ang
application form ay kailangan na punan ng aplikante at personal na i-pasa
ngayong Disyembre 12, 2012 hanggang Enero 25, 2013 sa kahit saang Regional
Consular Office ng Philippine Embassies o Consulates abroad, sa hindi paman ang
Enero 31, 2013 sa 5:00 ng hapon sa Board of Foreign Service Examination (BFSE)
Secretariat, 2nd Floor, DFA Main Building, 2330 Roxas Blvd., Psay City.
Para sa karagdagang impormasyon maaari silang
tumawag sa DFA-Caraga sa numerong (085) – 342-7822 o 342-5700. (NCLM/DSM/PIA-Caraga)
Tagalog news: SARAS nakamit ang parangal bilang
pinakamagaling na grupo ng boluntaryong pang-apula-sunog
Ni Edwin S. Fuentes
PATIN-AY, Prosperidad, Agusan del Sur, Dec. 28
(PIA) -- Nakamit ng Search and Rescue Agusan del Sur (Saras) ang parangal
bilang pinakamagaling na grupo nang pamatay-sunog sa buong bansa ng magdiwang
ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng kanilang ika-21 taong anibersaryo noong
Oktubre 24 ng kasalukuyang taon na ginanap sa loob ng kampo ng Sandatahang Lakas
ng Pilipinas sa Kampo Aguinaldo, lungsod ng Quezon.
Si Pangulong Aquino ang nagbigay ng tropeyo ng
parangal kay Gob. Adolph Edward Plaza na siya ring bumuo ng Saras. Ang
tropeyong tinanggap ni Gob. Plaza ay nagsisimbolo nang pagkilala sa grupo ng Saras
sa kanilang kagalingang magbigay serbisyo at pagiging palaging handa sa
pagtugon anumang oras na may sunog.
Sinabi ni acting Provincial Fire Marshall
S/FInsp. Augusto Kinazo na ang kanilang tanggapan ay mayroon lamang 75 na
tauhan sa buong lalawigan at ang pagkakatatag ng Saras ay napakalaking bagay
para maiwasan ang mga namamatay sa panahong may sakuna at mapigilan ang
pagkasira ng mga ari-arian at mga pasilidad ng pamahalaan.
Ayon kay Kinazo, mula ng itinatag ang Saras
limang taon na ang nakaraan, nadoble ang mga boluntaryo dahil ang mga kabayanan
at kabarangayan ay nagsipag tatag din ng parehong grupo. Inilahad din ni Kinazo
ang pagsisikap ni Gob. Plaza sa pagbuo ng grupo at ang di matawarang pagsuporta
nito para magkaroon ng mga bomberong sasakyan at bigyan ng mga pasilidad at
kapabilidad ang mga boluntaryo sa pamamagitan ng mga pagsasanay.
Naging matagumpay ang mga tulong ng Saras para
tulungan ang BFP sa pag-apula ng sunog sa mga bayan ng Prosperidad, Talacogon,
San Francisco, sa lungsod ng Bayugan at sa panlalawigang kulungan noong
mgakaroon ng sunog sa mga lugar na ito.
Mayroong 376 na mga boluntaryong miyembro ang
Saras sa buong lalawigan ng Agusan del Sur na sinanay sa pamamahala ng mga
nasalanta ng iba’t ibang sakuna, at kung saan 121 sa kanila ay mayroong
kakayahan para mag apula ng sunog at suportahan ang mga tauhan ng BFP.
Ang Saras ay kinikilala bilang opisyal na
community disaster volunteer group at ito ay direktang pinamamahalaan ng
Provincial Disaster Risk Reduction and Management Center na pinamamahalaan ni
Roberto Natividad, at itinatag noong 2011 sa pamamagitan ng Executive Order No.
7 alayon sa Republic Act No. 10121 na kinikilala rin bilang Philippine Disaster
Risk Reduction and Management Act.
Ang grupong ito ay pinamumunuan ni Gob. Plaza at
binubuo ng mga sumusunod na mga miyembro: Provincial Engineering Office,
Provincial Health Office, Land Transportation Office, Philippine Red Cross,
Agusan del Sur Electric Cooperative, Philippine National Police, 1103 Community
Defense Center, ng 402nd Brigade, 36th, at 28th IB ng Philippine Army
battalion, BFP, at lahat ng water utilities, mga rescue units at mga
boluntaryong sibilyan sa buong lalawigan ng Agusan del Sur. (DMS/PIA-Agusan del
Sur)
Cebuano news: Gobyernong Aquino mihangyo sa
katawhan nga likayan ang paggamit og mga pabuto ug kwitis aron malikayan ang
kadaot ug pagkalas og kinabuhi
Ni Susil D. Ragas
SURIGAO CITY, Dis. 28 (PIA) -- Gihangyo sa
gobyerno ang katawhan sa paglikay paggamit og delikado nga mga pabuto ug mga
kwitis aron malikayan ang mga kadaot ug pagkamatay atol sa selabrasyon sa
Bag-ong Tuig.
Sumala ni Presidential Spoksperson Edwin Lacierda
ang Department of Health (DOH) mitaho nga aduna nay mga biktima sa mga pabuto
bisan kon layo pa ang Bag-ong Tuig ug ang ilang buhatan gikan Disyembre 21-26
nakatala ug mokabat 71 ka mga pasyente nga naangol sa pabuto ug usa nga naigo
sa nasaag nga bala.
Apan hinoon matud pa sa DOH nga ubos pa gihapon
kini og 33 porsyento kumpara sa niaging tuig nga 108 ang naangol sa mga pabuto,
99 sa kwitis, samtang 8 ang nasamad sa nasaag nga bala, 1 ang nakatulon ug
pabuto ug walay gitaho nga namatay.
Gibutyag usab ni Lacierda nga ang Philippine
National Police (PNP) strikto ng mipatuman sa balaod sa mga pabuto ug ang
gobyerno padayon nga gipanghingusgan ang kampanya batok sa delikadong mga
pabuto ug kwitis alang sa kaluwasan sa katawhan ug aron usab makonhuran ang
epekto niini sa kinaiyahan. (PIA-Surigao del Norte)