NSO-Surigao Sur urges public to participate in
the CAF 2012
By Nida Grace B. Tranquilan
TANDAG CITY, Surigao del Sur, Jan 28 (PIA) --
Provincial Statistics Officer Ruel Dres of the National Statistics Office (NSO)
in Surigao del Sur urged the public to participate in the upcoming nationwide
2012 Census in Agriculture and Fisheries (CAF) soon to implement on February.
Said launching was participated by the Community
Development Information Officers (CDIO) from the local government units and
local media practitioners from first district of this province composed of 13
municipalities and city of Tandag.
In his presentation, Dres said that the 2012 CAF
is the sixth in the series of decennial census and aims to: determine the
structural characteristics of agriculture and fishery sectors; provide sampling
frame for the conduct of census supplementary modules on irrigation and
cropping pattern, livestock and poultry, aquaculture and Fisheries , and other
statistical undertakings; provide basic data for the use in national as well as
sub-national development planning; and provide data on agriculture,
aquacultural, and fishery facilities and services in the barangay.
Dres explained that the data gathered from the
census can be utilize as essential for the government planning in national as
well as in sub-national levels to cater the needs in Agriculture and Fisheries.
Dres also said the NSO is mandated under Commonwealth Act No. 591 and Executive
Order (EO) No. 121 to conduct a census every 10 years. (NGBT/PIA-Surigao del
Sur)
Tagalog news: PDRRMC nagpulong, opisyal na
tinalakay ang pinsalang iniwan ng bagyong Pablo
Ni David M. Suyao
PATIN-AY, Prosperidad, Agusan del Sur, Jan 28
(PIA) -- Nagpulong noong nakaraang linggo and Provincial Disaster Risk
Reduction Council na pinamumunuan ni Gob. Adolph Edward Plaza para talakayin at
makita ang laki ng pinsalang iniwan ng bagyong Pablo na tumama sa Agusan del
Sur kamakailan
Ito ay upang malaman ang tamang bilang o dami ng
tulong, gamit at pagkaing nararapat maipapamahagi roon upang mapadali ang
pagbangon ng mga biktima.
Sa ulat na inihanda ng Provincial Disaster Risk
Reduction and Management Office (PDRRMO) at ipinakita ni Bise Gob. Santiago
Cane sa Konseho, nakitang sa 314 na barangay sa buong lalawigan, 194 ang
naapektuhan ng bagyo at may 45,190 na pamilya o humigit kumulang 222,000 katao.
Labing walo katao ang namatay, isang nawawala at 28 ang sugatan.
Tinatantiya ring umabot ang buong pinsala sa
sektor ng sosyal at ekonomiya nang hanggang P2.98 bilyon kung saan, napunta sa
agrikultura ang pinakamataas na bilang na nagkahalaga ng P1.7 bilyon at sa
ekonomiya na nagkahalaga ng P873 milyon.
Kahit sinabi ni Dr. Jorex Elivaso, hepe ng
Provincial Agriculture Office sa Agusan del Sur, na karamihan sa mga magsasaka
ay nakapag-ani na ng kanikanilang pananim na palay ng rumgasa ang bagyo, sa
humigit kumulang 16,700 na ektaryang sakahang lupa na apektado, napakalaki pa
rin ng pinsalang naidulot sa palayan, maisan, goma, saging, oil palm at lubi.
Ang bilang ng lubusang nasirang kabahayan sa mga
bayan ng Veruela, Sta. Josefa, Trento, Bunawan, La Paz at Loreto ay umabot sa
11,982, habang ang mga bahay na bahagi lamang ang nasira ay umabot din sa
26,172 na may kabuuang tinatantiyang halaga na umabot sa P327,567,228.
Ayon sa ulat, mayroong 473 silid-aralan sa
elementarya ang nasira kung saan 161 ang lubusang nasira at 312 naman ang
bahagya lamang nasira. Sa sekondaryang mga paaralan, 21 ang lubusang nasira
habang 85 ang bahagya lamang at tinatantiya ring umabot sa pangkalahatang
halagang P364.3 milyon.
Umabot din ang pinsala sa pangkalusugan at mga
sosyal na pasilidad sa P182 milyon na kung pag hati-hatiin, napunta ang pinsala
sa mga gusali ng pamahalaan na nagkahalaga ng P91 milyon, 24 na day care
centers na nagkahalaga ng P6.4 milyon, 14 health center na nagkahalaga ng P2.1
milyon, 16 barangay halls na tinatayang umabot sa P10 milyon ang halaga,
multi-purpose buildings, walong gymnasium na nagkahalaga ng P4.65 milyon at iba
pang pampublikong gusali na nagkahalaga ng P67.85 milyon.
Ang nasirang mga kalsada ay umabot sa 141
kilometro na tinatayang umabot sa P116 milyon ang halaga habang limang tulay
naman ang nasira na nagkahalaga ng P12.65 milyon. Dalawang flood control na
pasilidad din ang nasira na nagkahalaga ng P58 milyon habang ang mga linya ng
kuryente ang umabot sa P30 milyon ang halaga ng mga nasira. Isang daan apat
napu’t tatlong kabahayan ang may solar power na nasira na tinatayang umabot sa
P5.5 milyon ang halaga.
Humigit kumulang sa 8,907 ektaryang watershed na
mga lugar ang iniulat na nasira habang anim na ektarya naman ng tree parks ang
napinsala. Sa second growth na kagubatan, humigit kumulang mga 262,305 hektarya
ang napinsala.
“Gusto kong malaman lahat ng mga nasira ng bagyo
lalo na ang mga kabahayan ng ating mga mamamayan para makahanap tayo ng paraan
para mabigyan sila ng mga karampatang tulong at serbisyo na kinakailangan.
Kahit nakapagbigay na tayo ng paunang mga tulong tulad ng yero para sa mga
bubong ng mga biktima ng bagyo, kailangan pa rin nating mabigyan ang
nangangailangan. Alam nating lahat na mahabang panahon ang hihintayin bago sila
muling makapundar ng kanikanilang kabuhayan dahil sinira ng bagyo ang kanilang
pangkabuhayan at mga produkto. Kaya kumakatok ako sa mga puso ng ating mga
kaibigan upang humingi ng tulong ng sa gayon, mapadali ang pag bangon muli ng
ating mga nabiktimang kapatid,” sabi ni Gob. Plaza
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pamimigay ng
mga pagkain at gamit sa mga nasalanta ng bagyong Pablo. (DMS/PIA-Agusan del
Sur)
Cebuano news: Pangulong Aquino gidawat ang
donasyon sa Filipino community sa Switzerland alang sa mga biktima sa bagyong
Pablo
Ni Susil D. Ragas
SURIGAO CITY, Enero 28 (PIA) -- Gipasalamatan ni
Pangulong Aquino ang Filipino community didto sa Switzerlnd ug Lichtenstein
alang sa hinabang niini nga ihatag ngadto sa mga biktima sa Bagyong Pablo didto
sa Mindanao.
Gidawat ni Pangulong Aquino ang tseke kantidad
8,650 Swiss francs nga gitunol kaniya gikan sa Filipino community pinaagi kang
Filipino Ambassador Leslie Baja sa Switzerland atol sa iyang pagbisita didto
niadtong niaging semana. Apan ang maong donasyon mitaas pa ngadto sa 9,050
Swiss francs.
Sa iyang bahin nagpasalamat gyud og dako ang
Pangulo tungod sa maong donasyon ug matud pa niya nga kini maoy pinakamaayong
gasa nga ilang mahatag ngadto sa mga Filipino nga nabiktima sa bagyong Pablo.
Ang Pangulo nakigtagbo sa mga Filipino
communities didto sa Switzerland ug Lichtenstein adesir kini mibalik sa
Pilipinas human sa iyang malampuson nga pagtambong sa World Economic Forum
Annual Meeting didto sa Davos. (RER/SDR/PIA-Surigao del Norte)