(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 26 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


PIA News Service - Saturday, April 27, 2013



Tagalog news: Forest protection committee paiigtingin ang anti-illegal logging campaign sa pamamagitan ng checkpoints

Ni Hannah Cheen P. Osin

BUTUAN CITY, Abril 27 (PIA) -- Paiigtingin pa lalo ng mga kasapi ng Regional Multi-Sectoral Forest Protection Committee (RMFPC) ang pagsasagawa ng checkpoint operations upang makontrol ang ilegal na pamumutol ng kahoy at mas lalong mamonitor ang paglabas-masok ng mga ilegal na troso sa siyudad.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Technical Director Maritess Ocampo, ang pagmumungkahi ng pagtatag ng checkpoint ay paraan upang makontrol ang pagdadala ng "illegally-cut forest products" sa rehiyon ng Caraga.

Sa ginawang pagpupulong ng RMFPC na ginanap kamakailan dito, ang mga kasaping ahensiya ay tinipon upang malaman ang kanilang mga permanente at kahalili na mga kinatawan sa komite upang magkaroon ng pantay na koordinasyon at pagganap sa kanilang mga tungkulin.

Ayon sa ulat, ang pagta-transport o pagdadala sa mga "forest product" na walang dokumento sa pamamagitan ng vans/closed conveyances ay nangyayari pa hanggang ngayon sa rehiyon.

“Though our security forces are conducting check points, there is still a need for the council to assist our police and military to ensure that those violators will be apprehended,” (Kahit pa nagsasagawa ng mga checkpoints ang ating security forces, kailangan pa rin ng konsehong tulungan ang ating mga pulis at militar upang makatiyak na ang mga lumalabag ay maaaresto), sabi ni Ocampo.

Dahil dito, napagkasunduan ng mga miyembro ng konseho na makiusap sa Department of Justice sa pamamagitan ng Regional Development Council na maglagay ng prosecutors/officers na siyang magpopokus upang maresolba ang mga kaso ukol sa kapaligiran sa rehiyon. (RER/PIA-Caraga)


Tagalog news: TESDA inihayag ang suporta sa pagdiriwang ng Labor Day sa Caraga

Ni Doren D. Emfimo

LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 27 (PIA) -- Inihayag ng Technical Education at Skills Development Authority o Tesda ang buong suporta sa gagawing pagdiriwang ng Araw ng Mangagawa o Labor Day ngayong Mayo 1, 2013.

Sa ginawang press conference kamakailan sa isa sa mga lokal na mga hotel dito, sinabi ni Tesda Butuan City Agusan Del Norte Provincial Director Randy Devilla na bilang kasaping ahensya ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang Tesda ay isa sa mga kasaping ahensya ng DOLE na sumusuporta upang matiyak na ang taunang pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa ay magtagumpay.

Sinabi rin ni Devilla, ginagawa nila ito hindi lamang tuwing Labor Day, bagkus ito ay isa sa kanilang mandato upang mabigyan ang mga tao ng edukasyong pangteknikal at mapaunlad ang kani-kanilang kasanayan o skills.

“Ito ay napapaloob sa aming mandato na magbigay ng edukasyong pangteknikal at paunlarin ang mga kasanayan o skills ng mga tao lalo na ang kabataan upang maging mahusay na mamamayan ng ating bansa,” sabi ni Devilla.

Nang tinanong kung ano ang ginagawa ng ahensya upang malutas ang maling pagtutugma ng trabaho sa rehiyon, sinabi ng opisyal na sila ay patuloy na nakikipag-coordinate sa iba’t ibang ahensya at mga industriya upang malaman ang kanilang mga pinakabagong mga pangangailangan at nang sa ganun ay mapaghandaan ang mga karampatang pagsasanay o training na ibibigay nila sa kanilang mga mag-aaral o trainees.

Ipinaliwanag din ng opisyal na hindi lamang tungkulin ng Tesda ang turuan at paunlarin ang kasanayan ng mga trainees kundi pati na rin ang paghanap ng kanilang maaaring mapagtatrabahuhan sa panahong sila ay makapagtatapos na.

“Hindi lamang namin tuturuan at buoin ang kasanayan o training ng mga mag-aaral, kami rin ay inatasang tumulong sa kanila upang makapaghanap ng posisyon sa mga kumpanya o mga industriya na kailangan ang kanilang mga kasanayan,” sabi ni Devilla.

Ayon kay Devilla, sila ay tutulong sa mga tao o skilled workers na may hawak ng National Certification (NC) habang ginaganap ang job fair sa pamamagitan ng pagrerekomenda sa mga ito sa mga kumpanya na inimbitahan sa panahon ng nasabing job fair.

Napag-alamang may 40 na lokal at 12 overseas na kumpanya ang naglahad ng kanilang paglahok sa nasabing okasyon.

Ipagdiriwang ang Labor Day sa taong ito sa ilalim ng temang “Manggagawang Pilipino:Handa sa hamon ng makaagong panahon.” (RER/PIA-Caraga)