Tagalog news: Malacanang malugod na tinanggap
ang ulat na tumaas ang public satisfaction na grado ni Pang. Aquino ayon sa SWS
survey
Ni David M. Suyao
QUEZON CITY, Hulyo 23 (PIA) -- Malugod na
tinanggap ng Malakanyang ang ulat na tumaas ang public satisfaction na grado ni
Pangulong Aquino sa ikalawang quarter ng taong 2013 ng 76 porsyento, ayon sa
suvey ng Social Weather Station, at nagsabing ang matatag na grado ng Pangulo
ay nagpapatunay na ang kautusan ng kanyang administrasyon ay napamahalaan ng
mabuti, ayon sa isang opisyal ng Palasyo.
Ito ay sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na si
Edwin Lacierda noong Lunes kasunod ng pag pakawala ng pinakabagong survey ng
SWS.
“Kami ay pinasigla ng resulta ng survey ng SWS
sa ikalawang quarter ng 2013 na nagpakita ng satisfaction sa Pangulo na tumaas
ng 76 porsyento, mas mabuti kung ikumpara noong unang quarter na 74 porsyento,
na malapit sa kanyang pinakamataas na naiulat na 77 porsyento noong Agosto ng
taong 2012,” sabi ni Lacierda.
“Ang pag lobong ito ng grado ng Pangulo ay ang
pag-alma sa agos sa nakaraang dalawang taon na nagpakita ng mas mababa sa
pangalawang quarter kung ikumpara sa unang quarter,” sabi ni Lacierda.
Mula noong unang survey ng SWS para sa public
satisfaction ng Pangulo noong Setyembre 2010, sinabi ni Lacierda na ang grado
ng Pangulo ay hindi bumaba sa 63 porsyento.
“Ang malakas at matatag na grado ng Pangulo,
lalo na sa kalagitnaan ng halalan ay kinilala bilang referendum ng tagumpay na
dala ng kanyang administrasyon, nagpapatunay ng mabuting pamamahala ng kanyang
administrasyon. Ang patuloy at positibong mga numero ay salamin ng lubos na
tiwala ng mga Pilipino at suporta sa mga polisiya, inisyatiba at reporma ng
Pangulo,” sabi ni Lacierda.
Ang ikalawang quarter na SWS survey ay gumamit
ng harap-harapang pakikipanayam sa 1,200 na mga Pilipinong sa buong bansa na
nasa hustong gulang.
Ang survey ay lumabas habang ang Pangulo ay
nakatakdang magbigay ng kanyang pang-apat na State of the Nation Address sa
Kongreso sa Batasan sa lungsod ng Quezon City nitong Lunes. (AMC/DMS/PIA-Agusan
del Sur)