Tagalog News: Kailangang makinabang ang mas
nakakarami sa lipunan sa 2015 na badyet
AGUSAN DEL SUR, Hulyo 13 (PIA) - Siniguro ng
Malakanyang na ipagtanggol nito ang kapakanan ng mga tao habang inihanda ang
2015 na badyet habang sinesigurong ang pera ay magagastos ng maayos.
Sa isang panayam sa media noong Hwebes sa
Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na dahil sa
desisyon ng Korte Suprema tungkol sa Disbursement Acceleration Program (DAP),
ang ibang proyektong pinundohan ng programa ay ihihinto.
Para sagutin ang pundo ng kasalukuyang mga
proyekto, sinabi ni Lacierda na mayroong mungkahi sa kamara na itaas ang
supplemental budget para maipagpatuloy ang mga proyektong ito.
“Pero kung ang badyet ang pag-usapan,
ginigiyahan tayo ngayon ng desisyon ng Korte Suprema – kahit na wariin nating
ubusin ang ating legal na lunas,” sabi ng opisyal ng Palasyo.
“Ang ating pakialam ay sigurohin na ang pera na
inilagak sa pamahalaan ay magagastos ng tama, makatarungan, mabuti at sa paraan
na ito ay makapaglikha ng lahat ng mga proyektong imprastraktura sa tamang
panahon.”
Ang 2015 na pambansang badyet ay ginagawa ng
Budget Secretary sa tulong ng iba pang sekretaryo ng gabinete para segurohing
na lahat ng maikli at pangmatagalang proyekto ay makompleto.
Kaya kung bakit binibigyang diin ng
administrasyon ang reporma ng badyet, sabi ni Lacierda, habang binibigyang
pansin ang pagpatupad ng zero-based budgeting.
Sabi niya ito ay denisenyo para maseguro na pera
ng mga nagbabayad ng buwis ay magagamit ng mabuti para sa benepisyo ng mas
nakararami sa lipunan.
Sa gitna ng mga alegasyon na may mga sekretaryo
ng gabinete na nakabenepisyo mula sa DAP, hiniling ni Lacierda ang publiko na
basahing mabuti ang kaso.
“Ang aming posisyon ay nagsasabing ang Korte
Suprema ay hindi buo ang pagtakwil sa Disbursement Acceleration Program. Walang
buong pagtakwil sa DAP. Apat lamang ang
akto na tinawag ng Korte Suprema na hindi naaayon sa konstittusyon,” sabi niya.
Habang may mga hindi pagsang-ayon sa paggamit ng
naimpok ng pamahalaan at iba pang hakbang sa ilalim ng DAP, sinabi ni Lacierda
na kinilala ng Korte Suprema sa kanyang desisyon na ang programa ang
nakapagbigay benepisyo sa pang-ekonomiya ng bansa. (DMS/PIA-Agusan del Sur)