Tagalog News: Kooperatiba at Magsasakang
Benepisyaryo ng CARP, Pinarangalan sa Gawad Pitak 2014 ng Land Bank
BUTUAN CITY, Nob. 18 (PIA) - Nakuha ngayong taon
ng Baug Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP Beneficiaries
Multi-Purpose Cooperative o BCBMPC sa lalawigan ng Agusan del Norte ang titulo
bilang 24th Ginintuang Gawad bilang Pinakatanging Kooperatiba o Gawad Pitak
2014 ng Land Bank of the Philippines o LBP sa ilalim ng agri-based category.
Sa isinagawang pagdiriwang ng ika-limamput’-isang
anibersaryo ng naturang bangko, sinabi ni BCBMPC General Manager Luxmie Auxillo
na ang naturang parangal umano ang pinaka-prestihiyosong parangal na natanggap
ng kanilang kooperatiba mula sa ibat-ibang award-giving bodies.
Kabilang rin sa pinarangalan ang magsasakang
benepisyaryo ng CARP na si Ginoong Ruben Ragas ng Sanghan Agrarian Reform
Community sa nasabi pa ring lalawigan kung saan nakuha nito ang 1st runner-up
bilang ulirang magsasaka.
Ang naturang mga parangal ay bahagi ng aktibidad
sa anibersaryo ng LBP na layong bigyang papuri ang malaking kontribusyon ng mga
kooperatiba at magsasaka sa ika-lalago at ika-bubuti ng lagay ng agrikultura at
kapaligiran sa buong bansa. (DAR-Agusan del Norte/PIA-Agusan del Norte)