(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Tuesday, January 31, 2017

Soldier abducted by NPA rebels in Surigao Norte

By 1Lt Karl Jan Devaras

BUTUAN CITY, Jan. 31 (PIA) – A soldier of the 30th Infantry (PYTHON) Battalion, 4th Infantry (DIAMOND) Division, Philippine Army deployed as a member of the Peace and Development Team (PDT) in Barangay Budlingin, Alegria, Surigao del Norte province was abducted on Sunday by more or less 15 armed men identified to be members of the New People’s Army’s (NPA's) Sandatahan Yunit Pampropaganda (SYP) – Lumad, Front Committee 16, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

As part of the Army’s PDT efforts on environmental protection and preservation, the abducted soldier identified as Private First Class Erwin R. Salan together with active youth volunteers conducted a forest clean up drive within the vicinity of Lumondo falls, a known tourist destination which greatly contributes to the economic development of Barangay Budlingin wherein the PDT of the 30th Infantry Battalion is deployed.

While on their return trek to Barangay Budlingin proper, Salan and the youth volunteers were flagged down by the said armed rebel group led by Florencio Llano aka Ricky.

"We were all terrified. The NPA’s forcibly grabbed our kuya (Big brother), and then they tied him up. We knew kuya Erwin won’t fight back for he was concerned with our safety,” said one of the youth volunteers.

Meanwhile, Lieutenant Colonel Rico Amaro appealed to the armed rebel group for the release of his personnel. "We fully commit ourselves to peace and we support the peace talks and peace process. We have also high hopes that the leadership of Guerrilla Front 16 have this commitment for the benefit of every Surigaonon, it is not too late to rethink their action. We appeal in the name of peace, for the release of our comrade," Lt. Col. Amaro said. (4CMO Battalion, Phil. Army/PIA-Caraga)


Tagalog News: Sundalo dinukot ng armadong grupo sa Surigao del Norte

Ni Jennifer P. Gaitano

BUTUAN CITY, Enero 31 (PIA) - Isang sundalo sa 30th Infantry Battalion ng Philippine Army ang dinukot ng mga armadong grupo na pinaniniwalaang mga myembro ng New Peoples Army (NPA) sa bayan ng Alegria, Surigao del Norte nitong linggo ng hapon.

Ayon kay Lieutenant Colonel Rico Amaro, 30th Infantry Battalion commander, ang dinukot na si Private First Class Erwin Salan ay nanguna sa ginawang cleanliness drive kasama ang mga kabataan sa isang local tourist destination sa barangay Budlingin, Alegria bandang alas tres ng hapon nang siya’y dukutin ng mga armadong grupo ng Guerilla Front Committee 16 – Northeastern Mindanao kasama ang lider na nakilalang si Florencio Llano alias ‘Ka Ricky.’

Dagdag pa ni LTC Amaro, ginapos at pwersahang dinala ng mga npa si private first class Erwin Salan.

Matatandaan na simula noong nagdeklara ng unilateral ceasefire ang gobyerno at ang National Democratic Front (NDF) noong August 2016 ay walang naitalang armed confrontation sa pagitan ng tropa ng Philippine Army at Communist Guerillas sa probinsya ng Surigao del Norte.

Samantala, hanggang sa ngayon wala pang naipalabas na pahayag ang kampo ng NDF at NPA sa nasabing insidente. (JPG/PIA-Caraga)


Tagalog News: Ulan at baha nanalasa sa Caraga region nitong weekend, tubig sa Agusan river nasa kritical na lebel, mga residente sa ilang barangay nasa evacuation centers pa rin

Ni Jennifer P. Gaitano

BUTUAN CITY, Enero 31 (PIA) - Matapos sinalanta ng baha ang mga Agusanons na dulot ng Tail End of a Cold Front kamakailan lang, panibagong baha naman ang nararanasan ngayon sa ilang barangay ng Butuan na syang dahilan ng paglikas ng mga residente sa mga evacuation centers.

Nitong linggo nanalasa ang malakas na ulan at matinding baha sa ilang probinsya ng Caraga region kabilang na ang Agusan del Norte at Agusan del Sur na may pinakamalaking bilang ng mga evacuees dulot naman ng isang low pressure area.

May ilang apektadong residente at pamilyang nakabalik na sa kanilang mga tahanan subalit may ilan pa ring nasa evacuation centers na hindi pa nakakauwi sa kani-kanilang mga lugar dahil sa mabagal na paghupa ng baha.

Base sa datos ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) at Public Information Office ng Butuan, nasa 3.65 meters ang lebel ng tubig sa Agusan river at ito ay nasa Code Red Flood Alert Level 3 at ginawa na ang forced evacuation ng mga residente na malapit sa lugar na ito upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Napag-alaman na as of 6:30 pm nitong linggo ay umabot na sa mahigit 4,000 pamilya na ang apektado sa 22 barangay sa Butuan kabilang na dito ang Golden Ribbon, Mahogany, Buhangin, Agao, Baan Riverside, Pangabugan, Baan Kilometer 3, Port Poyohon, Sto. Nino, Maug, Banza, Florida, Aupagan, Baobaon, Bilay, Dankiaas, Mandamo at Tungao.

Ayon kay Isabelita Abuzo, 54 years old, isang lola at residente sa barangay Buhangin ng nasabing syudad, pangalawang beses na sa simula palang ng taong ito na silay lumikas sa evacuation centers dahil sa naranasang pagbaha sa kanilang lugar na malapit lang sa Agusan river.

Ayon sa kanya, agad niyang nilikas ang kanyang mga anak at apo sa evacuation center upang maiwasang ma-stranded sa kanilang tahanan at masigurong ligtas ang mga kaanak, ayon na rin sa utos ng kanilang punong barangay.

Dagdag pa ni Abuzo na patuloy silang nabibigyan ng relief goods ng City Social Welfare and Development (CSWD) kasama ng iba pang mga evacuees habang silay nasa evacuation centers.

Ayon naman kay Ramon Cupay ng barangay Agao, Butuan City, alas tres palang ng hapon nitong sabado ay nakita na nila ang mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig sa Agusan river at karamihan ng mga residente sa kanilang lugar ay lumikas na.


Samantala, base sa proclamation no. 6 na pinalabas ng lokal na pamahalaan, suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas sa lungsod ng Butuan mula nitong Lunes hanggang Martes. (JPG/PIA-Caraga)