Army sets outreach program to locals of Brgy.
Bit-os in Butuan
By Jennifer P. Gaitano
BUTUAN CITY, June 5 (PIA) – The 4th Civil-Military
Operations (CMO) Battalion, 4th Infantry Division of Philippine Army is all set
for the conduct of outreach program on June 6, 2017 in San San Roque Elementary
School, Barangay Bit-os, this city.
According to 4CMO commanding officer LTC Manuel
Valdez, said activity is in collaboration with the religious sector and other
partner stakeholders in the city.
“The highlights of this outreach program include
the distribution of school supplies, feeding program, free haircut, and free
massage,” disclosed Valdez.
Valdez added that the populace would also enjoy
film showing.
Said activity is anchored on the theme “Kaugmaon
Mo, Ampingan Ko”. (JPG/PIA-Caraga)
Tagalog News: Malaking bahagi ng Marawi kontrolado
na ng AFP, kaligtasan ng naipit na mga sibilyan mas tinitiyak
Ni Venus L. Garcia
LUNGSOD NG ILIGAN, Hunyo 5 (PIA) - Kontrolado na ng
militar ang malaking bahagi ng Marawi City matapos ang isinagawang tactical
operations ng militar nitong nakaraang mga araw.
Sa pakikinayam kay Lt. Col. Joar Herrera,
spokesperson ng 1st Infantry Division, Philippine Army sa kapitolyo ng Lanao
del Sur, nagkakaroon lamang ng delay sa kanilang clearing operations dahil mas
tinitiyak pa nito ang kaligtasan ng bawat sibilyan na naiipit pa ngayon at
parte rin ng kanilang kinukonsidera ay ang mabilisang pagkuha ng mga labi ng
mga nasawi.
Anya, masasabing nasa last phase na ang militar sa
operasyon nito sa pagsugpo ng terorismo. Kaya patuloy pa rin ang pagpapaigting
ng security measures at checkpoints upang maiwasan ang spill over.
Dagdag pa ni Lt. Col. Herrera, kakaunting bahagi na
lamang ng Marawi City ang kini-clear nito. Sinisiguro naman nito na maaasahan
ng publiko ang kakayahan ng armed forces dahil maliban sa maayos na
koordinasyon at kooperasyon na ipinamalas ng bawat ahensiya ng gobyerno ay
na-ooptimize nito ang professional, highly trained at fully equipped personnel.
Samantala, naging relatively successful naman ang
idineklarang apat na oras na humanitarian ceasefire kamailanlan ayon kay Lt.
Col. Herrera. May 170 trapped civilians ang nafacilitate at naisalba sa
operasyong iyon.
Binigyang diin din ni Lt. Col. Herrera ang reports
from the grounds na karamihan ng miyembro ng Maute ay millenials at gumagamit
ng illegal na droga.
Nananawagan din ang si Lt. Col. Herrera sa mga
netizens na huwag paniwalaan at iwasang mag share ng alinmang info campaign ng
terrorist groups sa social media dahil ito ay misinformation na nakakadagdag
lamang sa problema ng pamahalaan. (VLG/PIA-Caraga)
Tagalog News: NCMF Caraga nanguna sa ginawang
distribusyon ng relief goods galing sa rehiyon
Ni Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG ILIGAN, Hunyo 5 (PIA) - Nanguna ang
National Commission on Muslim Filipinos o NCMF - Caraga Regional Office sa
ginawang relief goods distribution para sa mga apektadong indibidwal at pamilya
sa krisis na kinakaharap ngayon sa Marawi City.
Ang mga relief goods ay galing pa sa lungsod ng
Butuan na nakolekta ng NCMF matapos silang nag-request ng assistance sa
ibat-ibang ahensya ng gobyerno at maging sa pribadong sektor.
Ayon kay NCMF Caraga regional director Atty. Nadzma Ameril-Naga, unang beses nila itong
naisagawa na manguna sa pagkolekta at pagbahagi ng mga relief goods para sa mga
naapektuhan ng krisis sa marawi.
Nasa mahigit 400 relief packs ang naihanda at
naihatid sa Iligan City DRRMC nitong linggo. Bawat relief pack ay may kilong
bigas, noodles, canned goods, biscuits, kape at sabon.
Nadarama rin umano ng Muslim community sa Caraga
region ang kaba at lungkot sa kinahinatnan ng kanilang mga kababayan sa Marawi
City bunsod ng karahasang pinasiklab ng Maute group.