Tagalog News: DOE nagsagawa ng focus inspection sa Caraga
By
Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD
NG BUTUAN, Oktubre 17 (PIA) -- Sa isinagawang joint focus inspection ng
Department of Energy (DOE), kasama ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno,
pinaalalahanan nito ang mga gasoline stations na sumunod sa mga patakaran at
regulasyon at regular na pagsagawa ng calibration process upang masiguradong
functional at walang under delivery sa mga konsumante.
Bunsod
ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin dulot na rin ng inflation sa
bansa, mas pinaigting pa ng DOE ang kanilang pagsagawa ng focus inspection at
pagkuha ng sampling ng liquid petroleum products sa mga gasoline stations at
retail outlets at masigurong sumusunod ito sa Philippine National Standards for
fuels.
Ayon
kay Alex Rayos, supervising science research specialist – LPG section ng DOE central
office, may ilan-ilan din silang nakitang paglabag ng mga gasolinahan sa
kanilang isinagawang focus inspection sa Probinsya ng Agusan del Norte at
Surigao del Norte.
Nananawagan
din ang DOE sa publiko na ireport sa kanilang opisina o sa Department of Trade
and Industry (DTI) sakaling may mapansin silang paglabag ng mga gasoline
stations sa kanilang lugar at agad naman itong aaksyunan ng nasabing ahensiya.
Napag-alaman din na magtitipon-tipon
ang ibat-ibang stakeholders sa ng rehiyon kasama ang DOE ngayon Oktubre para sa
gagawing Information Education and Communication (IEC) on downstream oil
industry. (JPG/PIA-Caraga)