Mahigit 200 pamilya inilikas sa SurSur bilang paghahanda sa TD Samuel
By
Nida Grace P. Barcena
LUNGSOD
NG TANDAG, Surigao del Sur, Nob. 20 (PIA) – Umabot sa 234 pamilya ang naitala
nang Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Council -
Emergency Operation Center sa Surigao del Sur ngayong umaga, matapos ipatupad
ng lokal na pamahalaan ang preemptive evacuation sa mga nanganganib na lugar.
Kinumpirma
ni PDRRM officer Abel de Guzman na ang nasabing lugar ay parehong mapanganib sa
baha, landslide, at storm surge.
Napag-alaman
din mula kay De Guzman na ang 103 pamilya na lumikas ay nagmula pa sa Isla ng
Arangasa, Barangay Aras-asan sa Cagwait na temporaryong nakikisilong sa
Barangay Aras-asan Gymnasium.
Sa
bayan ng Carrascal, 54 pamilya ang inilikas mula sa Barangay Babuyan, 34 mula
sa Barangay Bacolod, 23 pamilya mula sa Barangay Tag-anito, at 18 mula sa
Barangay Gamuton. Ang mga nasabing lugar ay mapanganib sa landslide at baha,
ayon pa kay De Guzman.
Samantala,
ideneklara na rin ng lokal na pamahalaan sa araw na ito na walang pasok sa
lahat ng antas sa syudad ng Tandag, munisipyo ng Carrascal, Tagbina, San
Miguel, Lanuza at Lianga.
Sa
bayan naman ng Cantilan, Cagwait, at Bayabas idineklara naman na walang pasok
ang mga estudyante mula preschool hanggang elementarya. Samantala, otomatiko
namang pinatutupad ang walang pasok sa preschool sa Bislig City at bayan ng
Hinatuan matapos sumailalim ang probinsya sa Tropical Cyclone Warning # 1
kahapon.
Kinompirma ni de Guzman na sa
kasalukuyan wala pang natatanggap na report ang Emergency Operation Center ng
probinsiya patungkol sa pagbaha o landslide. (PIA-Surigao del Sur)