Manpower development center para sa mga dating rebelde itatayo sa
Butuan
By
John Charles Malazarte
LUNGSOD
NG BUTUAN, Disyembre 14 (PIA) - Pormal nang sisimulan ang pagpapagawa ng
manpower development center – halfway house matapos ang isinagawang
groundbreaking ceremony sa 402nd Brigade, Philippine Army dito sa lungsod.
Ang
nasabing center ay proyekto ng provincial government ng Agusan del Norte at ng
Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng enhanced
comprehensive local integration program o E-CLIP ng pamahalaan na layong
matulungang magsimula muli ang mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA)
na nagbalik loob sa gobyerno.
Ayon
kay BGen. Franco Nemesio Gacal, Brigade Commander ng 402nd Brigade, Philippine
Army, bibigyan din ng kabuhayan ang mga dating rebelde para may mapagkakitaan
sa kanilang pagbabagong buhay.
Dagdag
pa ni BGen. Gacal na magpapatayo din ng isa pang halfway house ang planong
itayo ng local government unit ng Butuan bilang tugon na rin sa kagustuhan ng
gobyerno na maging aktibo ang lokal na pamahalaan sa pagtulong sa
re-integration program ng former rebels.
Umaasa
ang gobyerno na sa pamamagitan ng programang ito mas dadami pa ang mahihikayat
na miyembro ng NPA na magbalik loob at matugunan ang kanilang mga
pangangailangan.
Naniniwala
naman si Agusan del Norte Grovincial Governor Ma. Angelica Rosedell
Amante-Matba na sa pagsisikap at pagtutulungan ng gobyerno ay matatapos din ang
matagal ng problema ng pamahalan sa mga rebeldeng grupo. (VLG/PIA-Caraga)
Tagalog News: Caraganons ginunita ang ika-70 anibersaryo ng UDHR
By
Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD
NG BUTUAN, Disyembre 14 (PIA) - Sa pagunita ng ika-70 anibersaryo ng Universal
Declaration of Human Rights (UDHR) sa bansa, binigyang diin ng Commission on
Human Rights (CHR) Caraga ang kahalagahan ng pagrespeto sa dignidad at
karapatan ng bawat Pilipino, at pagbigay atensyon sa mga pangunahing isyung
kinakaharap ng bawat komunidad.
Sa
pahayag ni Atty. Euvic Ferrer, Attorney IV ng CHR-Caraga, ang UDHR ay
nagpapa-alala sa mga Pilipino at sa buong mundo na ang bawat isa ay may
karapatan kabilang na dito ang mamuhay ng maayos, walang diskriminasyon at
malayo sa anumang kapahamakan.
Matatandaan
na ang nasabing deklarasyon ay naproklama ng United Nations General Assembly sa
Paris noong December 10, 1948. Ito ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad
ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspekto
ng buhay ng tao.
Samantala,
nagkaisa rin ang ibat-ibang sektor sa isinagawang anniversary walk at candle
lighting ceremony sa Butuan City hall grounds bilang simbolo na ang mga
Caraganons ay matatag at nagkakaisa sa pagpapalaganap ng mga karapatang pantao.
Sa nasabing okasyon, ipinahayag din ni
Nancy Cullano, advocacy and training officer ng People Power Volunteers for
Reform (PPVR) – isang civil society organization ang kanilang suporta sa UDHR.
(JPG/PIA-Caraga)