(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 26 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


Wednesday, December 12, 2018


P13.4M road turned-over to AgSur farmers

By: Rechel D. Besonia

PROSPERIDAD, Agusan del Sur, Dec. 12 - The most awaited road that is expected to lessen the mobility cost of goods and services and provide easy access to market for farmers was recently turned-over to farmers during the Project ConVERGE’ Midterm Review Mission held recently at Barangay Concepcion Covered Court, Sta. Josefa, Agusan del Sur.

Jerry Pacturan, Country Programme Officer of the International Fund for Agricultural Development (IFAD), led the ceremonial ribbon-cutting of the rehabilitation/concreting of the 4.139-km farm-to-market road (Phase 1) that will connect the Barangays Poblacion-Concepcion-Sayon. With him were other members of the Mission team - International Fund for Agricultural Development (IFAD) Management Consultant Gomer Tumbali, IFAD USA Carmina Marquez, IFAD Rural Infrastructure Consultant Ike Payumo, National Economic Development Authority (NEDA) Officer Mark Gatdula, together with Sta. Josefa Vice Mayor Richard Plaza.

The total project cost of PhP13,496,000.00 million with an LGU equity of PhP1,619,520 million is set to benefit more than 2,000 farmer beneficiaries including IPs.

Pacturan congratulated the recipients of the project and urged them to properly make use of the project.

“You are privileged to have given this opportunity so you must put your heart into it because this will bring forth better opportunities in the future,” he said.

In his response, Sta. Josefa Vice Mayor Plaza told the recipient farmers to cooperate in maintaining the road so that it will continuously uplift their well-being.

The road concreting is under the Project Convergence on Value Chain Enhancement for Rural Growth and Empowerment (Project ConVERGE) which is implemented by the Department of Agrarian Reform (DAR) and funded by the IFAD and the Government of the Philippines (GOP).

Prior to the turn-over, the mission team participated in the scheduled dialogue with the Provincial Project Management Officers where PARPO II Leoncio Bautista presented the accomplishment and challenges encountered for the past three years and the possible interventions that would be helpful for the remaining years of the implementation process. (DAR-Agusan del Sur/PIA-Agusan del Sur)

Tagalog News: IPs sa Agusan Norte kinondena ang mga NPA; nanawagan sa gobyerno na palawigin pa ang Martial Law

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Dis. 12 (PIA) - Kasabay ng selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR) dito sa lungsod, mariing kinondena ng mga Indigenous Peoples (IPs) sa Agusan del Norte ang pang-aabuso ng New Peoples Army (NPA) sa kanila at sila ay nanawagan sa pamahalaan na palawigin pa ang pagpapatud ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Datu Bawang Eddie Ampiyawan, IPMR ng Agusan del Norte, isang peace rally ang kanilang isinagawa dahil gusto nilang isiwalat ang kasamaan, kasinungalingan at pang-aabuso ng NPA sa mga katutubo.

“Sila (NPA) ang totoong umaabuso. Dahil sila ay pumapatay o pumatay sila sa mga katutubo na wala man lang kadahilanan lalu na sa mga lider namin. Gusto naming ipanawagan sa ating Pangulong Duterte na sana tuldukan na niya o tapusin na niya ang CPP-NPA-NDF. Hanggat may NPA pa lalu na dito sa ancestral domain sa tribu walang katahimikan, walang kapayapaan lalu na walang mangyayaring magandang kinabukasan sa mga katutubo,” pahayag ni Datu Ampiyawan.

Nakiusap din si Datu Ampiyawan sa pamahalaan na palakasin ang pagpapatupad ng seguridad dahil na rin sa patuloy na banta ng terorismo sa Mindanao.

Samantala, binigyang-diin ni Julieto “Tatay Boom” Canoy, na dating naging miyembro ng NPA, layon din ng aktibidad na ialerto ang publiko para makaiwas  malinlang sa panloloko ng mga ito.

“Para sa amin na nanggaling sa CPP-NPA-NDF, alam namin na ang pag-martsa sa December 10 ng mga teroristang komunista ay paglinlang lamang sa masa, pero itong martsa/rally na ginagawa namin ngayon ay hindi paglinlang sa masa kundi isang recovery sa mga dati ng nalinlang at sumama sa grupo,” sabi ni Tatay Boom.

Maayos na natapos ang nasabing peace rally ng IP community sa lungsod ng Butuan at nagpalipad ng mga puting lobo na simbolo ng hangaring matamasa ang kapayapaan sa mga katutubo. (JPG/PIA-Caraga)

Tagalog News: Mga kabataan sa Caraga region, nagbahagi ng kanilang ibat-ibang kultura at karanasan

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Dis. 12 (PIA) - Masayang ibinahagi ng mga kabataang Muslim, kristiyano at lumad ang kani-kanilang kultura at karanasan sa isinagawang Youth Peace Forum dito sa lungsod kamakailan.

Ang nasabing Youth Peace Forum ay parte sa selebrasyon ng Mindanao Week of Peace ngayong taon na nilahokan ng mga partisipante mula sa ibat-ibang probinsya ng Caraga region at kalapit na rehiyon sa Mindanao.

Ayon kay Fr. Mart James Presillas ng Commission on Youth and Religious Organizations - Diocese of Butuan, ang nasabing forum ay naka-pokus sa pagtataguyod ng isang matiwasay at mapayapang pag-uusap o dayalogo ng mga kabataan sa kanilang paniniwala at kultura.

Umaasa rin si Fr. Presillas na maibabahagi rin ng mga partisipante ang kanilang natutunan doon sa kanilang lugar.

Sinabi naman ni Jana Jean Dacobor, regional coordinator ng Bishops-Ulama Conference Youth Desk - Mindanaw Tripartite Youth Core, na malaki ang ginagampanang tungkulin ng mga kabataan sa pagpapalaganap ng kapayapaan at maayos na komunidad sa kanilang henerasyon.

Samantala, ibinahagi naman ni Kier Kilo-kilo, 17 taong gulang at isang kristiyano mula sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur ang kanyang interes sa pagdalo sa nasabing youth peace forum nang mas maintindihan ang kultura ng iba pang kabataan.

“Sumali po ako sa forum na ito upang mas may malaman ako about sa mga Manobo o lumad kasi wala akong masyadong alam sa mga kagaya nila at upang mas maintindihan ko ang mga kultura nila, ang mga kaibahan at kaparehas ng lumad at muslim,” sabi ni Kilo-kilo.

Isa na namang makabuluhang taon ang pagdiriwang ng Mindanao Week of Peace sa Caraga region na puno sa mayamang kultura ng mga Mindanaoans. (PIA-Caraga)


Tagalog News: RIACAT-VAWC Caraga nagsagawa ng 'Buntis Congress' sa Bislig City

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BISLIG, Dis. 12 (PIA) - Sa layuning mas matugonan at mapabuti pa ang kalagayan ng mga nagbubuntis, hanggang sa kanilang panganganak, at nang mabawasan ang child mortality rate sa rehiyon, nagsagawa ng Buntis Congress ang Regional Inter-Agency Committee Against Trafficking – Violence Against Women and Children (RIACAT-VAWC) kasama ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan dito sa lungsod.

Ayon kay Jessie Catherine Aranas, Protective Services Division Chief ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga at focal person sa RIACAT-VAWC, layunin ng naturang congress na mabawasan ang mga kababaihang nabibiktima ng anumang karahasan at madagdagan ang kanilang kaalaman kung paano nila maipaglaban ang kanilang karapatan.

Dagdag pa ni Aranas, bagamat may pagtaas ng reported VAWC cases kompara sa nakaraang taon, nagpapahiwatig naman umano ito na nagiging mas alerto na at porsigido sa pakikipaglaban sa kanilang karapatan ang mga kababaihang nabibiktima ng mga pang-aabuso.

Sinabi naman ni Joan Ingente, Social Worker II ng CSWD-Bislig City na binibigyang halaga nila ang implementasyon ng mga programa para sa mga kababaihan. Base sa kanilang datus, nangunguna ang physical abuse sa mga kababaihan, pangalawa ang economic abuse.

“Mayroong 24 barangays ang Bislig City, at lahat ng naitalang biktima ng VAWC ay nabigyan ng akmang tulong na kinakailangan nila,” sabi ni Ingente.

Ibinahagi naman ni Teresa Lumocso, siyam na buwang buntis, ang kanyang pasasalamat sa RIACAT-VAWC.

“Nagpapasalamat ako dahil marami akong natutunan sa congress na ito,” sabi niya.

Samantala, masayang tinanggap ng mga partisipante ang buntis kits mula sa RIACAT-VAWC at gift packs mula sa lokal na pamahalaan ng Bislig.

Napag-alaman na ang susunod na Buntis Congress ay gagawin naman sa Surigao del Norte at Dinagat Island.

Dahil sa mabusising kampanya ng gobyerno laban sa karahasan, nagiging mas empowered na ang mga kababaihan at mas natututong lumaban sa kanilang mga karapatan. (JPG/PIA-Caraga)

Tagalog News: Dayalogo ng ibat-ibang sektor, nakitang epektibong paraan sa pagpapanatili ng maayos, mapayapang pamumuhay

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Dis. 12 (PIA) - Naging makulay at makabuluhan ang pagtitipon-tipon ng ibat-ibang sektor sa Caraga region sa pagbubukas kamakailan sa selebrasyon ng Mindanao Week of Peace (MWOP) ngayong taon dito sa lungsod na alinsunod sa temang “Peace through Dialogue: Our Destiny.”

Ayon kay Rev. Fr. Carlito Clase ng Diocese of Butuan at executive director ng Caraga Conference for Peace and Development, epektibong paraan pa rin ang pagsasagawa ng dayalogo o pakikipag-uusap sa ibat-ibang sektor ng lipunan sa pagresolba ng anumang hindi pagkakasundo.

Dagdag pa ni Fr. Clase, mas lumalalim ang magandang samahan at pakikitungo ng bawat sektor at mas naging madali at magaan ang pagtipon sa kanila para sa usaping pangkapayapaan at sa pagsagawa ng ibat-ibang aktibidad na magdudulot ng kabutihan sa lahat ng sektor.

Pakiusap naman ni Datu Kailingan Cesar Asapon, Higaonon tribal leader mula Misamis Oriental, na sana ay patuloy ang gabay at tulong ng mga ahensya ng pamahalaan sa ip community.

“Kung ano man yung dapat sa katutubo na makatulong sa pamumuhay ng katutubo hindi lang sa peace and order, sana mapaabot natin sa mga ahensya at tutulong sila sa mga katutubo,” sabi ni Datu Asapon.

Ipinahayag din ni Atty. Nadjma Ameril Naga, regional director ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Caraga, na nagiging aktibo na ang Muslim community sa rehiyon sa peace and development efforts ng pamahalaan, maging sa mga aktibidad kasama ang iba pang sektor. Umaasa din siya na mas mapalakas pa ang koneksyon ng mga sektor.

Samantala, binigyang-diin naman ni Brigadier General Franco Nemesio Gacal, commander ng 402nd brigade, na mahalaga ang peace and development initiatives sa local level at pagtugon sa ibat-ibang isyung nagdudulot ng insurgency o kaguluhan sa rehiyon.

May pagkakaiba man sa kultura, nagkakaisa naman sa hangaring patuloy na madama sa bawat isa ang tinatamasang kapayapaan at kaunlaran sa buong Mindanao. (JPG/PIA-Caraga)

Tagalog News: GAD resource pool assembly isinagawa sa Butuan; PCW kinilala ang mga na-certify na resource pool mula sa Caraga region

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Dis. 12 (PIA) – Nagtitipon-tipon kamakailan ang mga miyembro ng Gender and Development (GAD) resource pool mula sa ibat-ibang rehiyon ng bansa sa isinagawang tatlong araw na GAD Resource Pool Assembly dito sa lungsod.

Ayon kay Nharleen Santos-Millar, chief GAD specialist ng Philippine Commission on Women (PCW), ang una at pangalawang GAD resource pool assembly ay noong 2016 at sinundan noong 2017 na isinagawa sa Manila, habang ang pangatlo ngayong taon ay dito naman sa lungsod ng Butuan.

Dagdag pa ni Millar, ang GAD resource pool assembly ay pagtitipon ng lahat ng certified GAD trainers, practitioners, o experts sa bansa na siyang magsisilbing technical assistance providers sa mga ahensya ng pamahalaan at local government units nang mahasa ang kanilang kaalaman at kanilang kakayahang mapalaganap pa ang gender and development mainstreaming sa kani-kanilang lugar.

Sa Caraga region, ang tatlong na-certify ng PCW sa national GAD resource pool ay nagmula sa DSWD, Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Civil Service (CSC). Kinilala din ng PCW ang walong na-certify ng Regional Gender and Development Committee (RGADC) Caraga mula sa ahensiya ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), DSWD, Department of Tourism (DOT), LGU-Butuan, Department of Agriculture (DA), Department of Education (DepEd) at DBM. Ang mga ito ay tinatawag na Caraga Technical Advisers on GAD.

Ibinahagi naman ni Oliver Salino, ang regional GAD officer sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD at kabilang sa tatlong na-certify ng PCW sa national GAD resource pool ang kahalagahan ng gender and development sa rehiyon.

Ayon sa kanya, ang pagpapatupad ng GAD ay mandato ng gobyerno na mapalaganap ang gender equality at women empowerment at matugunan ang nakasaad sa Philippine Development Goals.

Isa rin anya itong moral at legal obligation ng mga nasa gobyerno na mabigay at mapatupad ang isang inclusive development sa lahat ng sector.

Samantala, nananawagan din si Millar sa lahat ng Caraganon na sumuporta sa gaganaping 18-day campaign to end violence against women na may ibat-ibang aktibidad sa rehiyon mula Novermber 25 hanggang December 12.  (JPG/PIA-Caraga)

Tagalog News: PWDs sa Caraga region isinusulong ang PDAO

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Dis. 11 (PIA) - Kasabay sa isinagawang Trainers’ Training for Speakers’ Bureau on Disability Rights Promotion sa lungsod kamakailan, pinapaabot din ng mga persons with disability (PWDs) sa pamahalaan ang pagpapatupad ng permanenteng posisyon para sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at pinakiusapan ang Civil Service Commission (CSC) na babaan ang kwalipikasyon para sa nasabing posisyon.

Ayon kay Ramita Castro, ang PDAO-designate sa Dinagat Island, nangunguna sa kanilang issues and concerns ang implementasyon ng PDAO sa ibat-ibang lugar sa rehiyon.

Ganun din ang pangunahing issue na nakita ni Hernane Dublin Jr, PWD Federation President sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Pagkakaroon ng office sa PDAO naman ang ninanais ni Pablo Manding, regional PWD president mula Surigao del Sur.

“Kailangan namin yung office para may lugar kami kung para sa gagawing meetings. Mas mabuti nariyan lang ang office at may mai-designate na tao,” sabi ni Manding.

Ibinahagi rin ni Rizalio Sanchez, information, education and communication division chief ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang kanyang opinyon tungkol sa isyung ito at pinakiusapan ang CSC at Department of the Interior and Local Government (DILG) na bigyang atensyon ang panawagan ng PWDs at matugunan ang kanilang pangangailangan.

Samantala, binigyang-diin naman ni Minerva BC Newman, former regional director ng Philippine Information Agency (PIA) Region 7, ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga PWDs at kontribusyon nito sa peace and development efforts ng pamahalaan.

Dagdag pa niya, malaking tulong para sa sector na ito ang isinagawang pagsasanay ng kanilang kakayanan sa pagiging effective communicators upang mas lalo pa umanong mapaabot sa publiko at sa mismong sektor ang mga karapatan nito.

Matapos ang nasabing pagsasanay ay mas naging kampante at nadagdagan pa ang tiwala nila sa sarili. (JPG/PIA-Caraga)