6th Children’s Congress idinaos sa Tandag
By Nida Grace P.
Barcena
LUNGSOD NG TANDAG,
Surigao del Sur, Nobyembre 28 (PIA) – Matagumpay na idinaos ang 6th Children’s
Congress ng lokal na pamahalaan ng Tandag sa pangunguna nga City Social Welfare
and Development (CSWD) Office at pakikipagtulungan ng local Council for the
Protection of Children (LCPC) kamakailan sa Tandag City Gymnasium.
Dinaluhan ito ng
mga estudyanteng kabataan mula sa iba’t ibang paaralan ng nasabing syudad na
umabot halos sa isang libo ang dumalo, ayon pa kay Tessie Buniel, ang hepe ng
CSWD office dito.
Nakinabang naman
ang mga dumalong kabataan ng libreng konsulta partikular na ang wastong
pamamaraan sa pag-aalaga ng mata at bitamina na pinamahagi ng City Health
Office (CHO).
Bukod pa dito,
namigay din ng libreng “ice-cream, cold choco at pop corn" sa mga kabataan
mula sa iba’t ibang sektor na sumuporta sa nasabing aktibidad.
Ang okasyon ay
idinaos kasabay ng pagdiriwang ng 26th National Children’s Month nitong buwan
ng Nobyembre na may tema na, “Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa Lahat ng
Bata,” kung saan ibinahagi ni Mayor Alexander Pimentel ang kanyang “State of
the Children Address” sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mahahalgang bagay na
naiambag ng lokal na pamahalaan para sa mga kabataan.
Ibinihagi din ni
Mayor Pimentel ang nakamit na tagumpay bilang nag iisang “city awardee” ng Seal
of Good Local Governance (SGLG) ng DILG kamakailan sa pangatlong magkakasunod
na taon.
Dahil sa nakamit
na tagumpay, naging bahagi nito ayun pa sa opisyal ang mga programa at suporta
nito para sa sector ng kabataan.
Bukod pa dito,
napag-alaman din na isa sa mga lokal na pamahalaan ng Surigao del Sur ang
Tandag City na ginawaran ng Seal of Child-Friendly Local Governance mula sa
Department of Social Welfare and Development (DSWD) kamakailan sa Butuan City.
(PIA-Surigao del Sur)