579 pamilya, apektado ng bagyong “Amang” sa
Caraga
By
Venus L. Garcia
LUNGSOD
NG SURIGAO, Surigao del Norte, Enero 21 (PIA) -- Biyernes pa lang nitong
nakaraang linggo ay agad-agad na isinagawa ng core team ng Caraga Regional
Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC na pinangunahan ni
Office of Civil Defense Caraga regional director at RDRRMC chairperson Liza
Mazo ang Emergency Response Preparedness Meeting bilang paghahanda sa tropical
depression “Amang” na posibleng magdulot ng pagbaha at landslide sa ibat-ibang
lugar ng rehiyon.
Sa
isinagawang preemptive evacuation, may limang daan at pitumpu’t siyam na
pamilya o 2,859 na indibidwal ang nagsilikas sa probinsya ng Agusan del Norte,
Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur at pati na rin lungsod ng
Butuan na pawang nasa designated evacuation centers sa kasalukuyan.
Base
naman sa pinakahuling datus na nakalap galing sa Philippine Ports Authority ng
Surigao City, ang stranded na pasahero ay umabot naman sa isang daan at
apatnapu’t walo at tatlumpu’t walong rolling cargoes ang naantala sa Lipata
Port.
Limampu’t
siyam na indibidwal at may 22 rolling cargoes naman sa Surigao City Base Port
ang stranded.
Mayroong
84 na stranded na pasahero din sa pantalan ng Nasipit, Agusan del Norte na
kinabibilangan ng 10 senior citizens, 10 minors at 94 na adults.
Namigay
naman ng pagkain ang port management office sa mga nastranded na pasahero.
Bagaman
lifted na ang ipinapatupad na “no sail” policy ng Nasipit Port, may 1,187 na
mga pasaherong stranded na nasa loob pa ng barko na hinihintay pa rin ang
nakatalagang schedule ng paglalayag.
Dahilan
ng pagtaas ng tropical cyclone warning signal number 1 na nagdulot ng malakas
na pag ulan kung saan ay binaha ang ilang parte ng rehiyon, nagsuspinde na rin ng klase ang mga lokal na
pamahalaan ng Caraga region mula preschool hanggang senior high school sa
pampubliko at pampribadong paaralan.
Samantala,
napag-alaman din na ang ilang munisipyo sa Surigao del Sur ay nakakaranas ng
power interruption at naibalik naman kahapon ng hapon ang power supply sa lugar
ng Lianga hanggang Cortes.
May
mga kinansila ding round trip flights ng cebu pacific airlines patungong
siargao galing Maynila.
Wala
pa namang naiulat na impassable roads sa buong rehiyon ngayon.
Tumama
sa kalupaan ng Siargao ang naturang kauna-unahang bagyo sa taong ito bandang
8:00 ng gabi sa Siargao Island, Surigao del Norte noong Linggo, Enero 20, 2019.
“Patuloy ang pakikipag-ugnayan natin sa
mga lokal na DRRMC at response clusters para sa updates at upang matugunan ang
ano pamang tulong na kinakailangan ng publiko. Siniguro natin ang kahandaan at
inaasahan pa rin natin ang kooperasyon at pang-unawa sa ginagawang proactive
measures para sa kaligtasan ng bawat isa,” sabi ni Mazo. (VLG/PIA-Surigao del
Norte)