(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Tuesday, 31 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Visayas, Mindanao, and Palawan. Shear Line affecting the eastern section of Northern Luzon. Northeast Monsoon affecting the rest of Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to Moderate winds coming from Northeast to East will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Monday, January 7, 2019


ALIVE implementers urged to embrace inclusive education

BUTUAN CITY, Jan. 7 - Department of Education (DepEd) Caraga Assistant Regional Director Fidela M. Rosas challenged the education leaders participating in the Regional Training on Arabic Emergent Reading and Culture Awareness (AERC) – Basic Level to fully embrace inclusive education.

The five-day training held recently in the city aimed to equip participants with basic knowledge on Arabic language and culture for instructional supervision and for the promotion of respect and understanding of Muslim culture, focusing on appropriate pedagogies for handling classes under the Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) Program and on the conduct of monitoring, evaluation, and technical assistance to implementers across all levels.

Rosas, in her opening message, also emphasized that the participants must continue to learn the Arabic language and culture even after the training.

Composed of division ALIVE coordinators (DACs) and school principals, the 36 participants were ALIVE program implementers from 11 Schools Divisions of Caraga. Only Dinagat Islands Division has no ALIVE Program due to the absence of Muslim communities in the area.

According to Rhea Y. Yparaguirre, regional ALIVE coordinator and training manager, the regional trainers for the basic level training were certified “Asatidz” or Muslim teachers namely, Rakisa P. Sultan (Siargao), Kathleen Marjory J. Julius (Tandag), Omaya A. Mamao (Cabadbaran), Haniah A. Abdullah (Tandag), and Mosrifah G. Mangandog (Surigao del Sur), and Noroden A. Elian (Tandag).

The same participants also underwent the intermediate level of said training facilitated by a different team of Asatidz composed of Aliman B. Tunday (Agusan del Norte), Saldomar B. Tominaman (Butuan), Sadam D. Acob (Tandag), Abdul Gani M. Sidic (Bislig), and Woodrow Wilson I. Jumadia (Tandag).

The program management team of the training was composed of Dr. Isidro M. Biol, Jr., CLMD Chief and Program Manager; Rhea J. Yparraguirre, Regional ALIVE Coordinator and Training Manager; Dr. Gladys S. Asis, Head of Secretariat; Dr. Jesus D. Nono, QATAME Associate; Dr. Josie M. Magsalay, Medical Personnel; Alma P. Llanos, Support Staff; Emma S. Abas, Process Observer; and Pedro A. Tecson, Documenter. (DepEd-Caraga/PIA-Caraga)

Tagalog News: 19 na miyembro ng NPA sumuko sa 401st Brigade, Philippine Army

Ni Jennifer P. Gaitano

PROSPERIDAD, Agusan del Sur, Enero 4 (PIA) - Isang buong unit ng Communist Party of the Philippines – New People’s army (CPP-NPA) Guerilla Front 3, Southern Mindanao Regional Committee ang sumuko sa 75th Infantry Battalion at 26th Infantry Battalion kamakailan sa ilalim ng 401st Brigade, Philippine Army sa Agusan del Sur.

Ayon kay Major Rodulfo Cordero, civil military operations officer ng 401st Brigade, may 19 na miyembro ng grupo sa Loreto, Agusan del Sur ang sumurender, noong pasko, bisperas ng anibersaryo ng NPA.

Ang nasabing NPA unit ay pinangunahan ni Mark alias ‘Boss’, ang kumander ng Guerilla Front 3, dala ang kanyang sub-unit leader na nakilalang si alias ‘SK’ na siyang commander ng Platoon Basil, kasama rin si alias ‘Sniper’ ang commander ng Platoon Andoy.

Labing-apat na firearms ang dala-dala ng surrenderees kabilang dito ang siyam na high-powered at limang low-powered firearms. Sinurender din nila ang may ilan-ilang magazines, tatlong commercial icom radios at mahigit 1,300 ammunitions.

Ibinahagi naman ni Brigadier General Andres Centino, commander ng 401st Brigade na sinabi mismo ng mga ito na may korapsyon na nangyayari sa loob ng organisasyon mula sa kanilang ginagawang extortion activities subalit walang naibibigay na benepisyo para sa kanila. Nahihirapan na umano ang kanilang mga pamilya dahil sa kawalan ng suportang pinansyal na siyang dahilan sa pagtiwalag nila sa teroristang grupo.

Kasalukuyang nasa kustudiya ng 401st Brigade ang mga surenderees para na rin sa kanilang proteksyon. Tumanggap na rin ang mga ito ng tulong mula sa provincial government ng Agusan del Sur. Meron din na makukuha ang mga ito na tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Localized Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Binigyang-diin ni Brigadier General Centino, na ito ang pinakaunang pagkakataon na halos buong unit ng npa ang sumurender, at nagkataon pa na sa anibersaryo ng NPA. Ito ay nagpapakita umano na ang mga miyembro ng teroristang grupo ay humihina na at karamihan dito ay tumutugon na sa panawagan ng gobyerno sa pagkamit ng kapayapaan.

Samantala, sinabi naman ni 4th Infantry Division commander Major General Ronald Villanueva, ang pagsuko ng mga miyembro ng NPA ay isang magandang desisyon na kanilang ginawa para sa kanilang sarili at sa pamilya. (JPG/PIA-Agusan del Sur)

Tagalog News: Dating rebeldeng NPA at anak nito nagtagpo

Ni Jennifer P. Gaitano

PROSPERIDAD, Agusan del Sur, Enero 5 (PIA) - Isang magandang regalo para sa isang ina na dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang makasamang muli ang dalawang taong gulang niyang anak sa pagsalubong sa bagong taon.

Ito ay matapos ang pagsuko kamakailan ng isang buong yunit ng NPA sa Loreto, Agusan del Sur sa 26th Infantry Battalion at 75th Infantry Battalion, Philippine Army.

Napaiyak sa tuwa si alias ‘Joan’, 19 na taong gulang, dating medic ng NPA, nang muli niyang makita at mayakap ang dalawang taong gulang na anak na si Ryan, matapos ang kanilang pagkikita sa Prosperidad, Agusan del Sur sa tulong ng militar.

Paliwanag ni Lieutenant Colonel Romeo Jimenea, commander ng 26th Infantry Battalion, si alias ‘Joan’ ay nahuli noong Pebrero ng nakaraang taon matapos ang sunod-sunod na operasyon ng tropa sa Sta. Emilia, Veruela, Agusan del Sur laban sa naturang yunit ng NPA.

Tatlo silang menor de edad na basta na lamang iniwan ng kanilang mga kasamahan sa gitna ng putukan para iligtas ang kani-kanilang sarili.

Napag-alaman na ipinagkatiwala ni alias ‘Joan’ sa kanyang dating kumander na si alias ‘Sniper’ ang kanyang anak bago siya nahuli noong Pebrero, ngunit hindi na natukoy kung saan at sino na ang nag-alaga sa nasabing bata.

Sa inisyal na debriefing sa 19 na sumukong NPA, doon napag-alaman na nasa pangangalaga ng asawa ni alias ‘Sniper’ ang anak ni alias ‘Joan’.

Sa panayam kay alias ‘Joan’, pinagsisisihan niya umano ang pag-iwan niya sa kanyang anak. 

Wala daw sapat na tulong na naibigay sa kanya ng grupo salungat sa ipinangako nitong tulong pinansyal bilang suporta mula pa noong manganak siya.

Dagdag pa ni alias ‘Joan’, sapat na itong dahilan na makombinse siyang tuluyan nang iwan ang terroristang grupo at mag-bagong buhay.

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ni alias ‘Joan’ ang kanyang anak. isa na ring enrollee si alias ‘Joan’ sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan. (JPG/PIA-Agusan del Sur)