Caraganon youth, IPs join Regional Youth
Leadership Summit
By
Jennifer P. Gaitano
BUTUAN
CITY, Jan. 15 (PIA) - Some 160 youths and Indigenous Peoples gathered recently
for this year's Regional Youth Leadership Summit held at the Caraga State
University (CSU) Gymnasium, this city.
Said
activity served as an avenue for the youth leaders to increase their knowledge
on how to develop their leadership skills as they will tackle various topics
and issues and concerns in their respective community and come up with a plan
on how they could contribute in solving pressing issues.
“These
trained youths from the different provinces of Caraga region could greatly help
in bringing the government closer to the people,” said Roberto Laurente Jr.,
President of Propelling Our Inherited Nation Through Our Youth (Pointy)
Incorporated
On
behalf of Dr. Anthony Penaso, president of Caraga State University (CSU), vice
president for academic affairs Dr. Rolando Paluga shared to the participants
some tips and important skills, which could help the youths become more
responsible and productive in their fields.
He
emphasized that having the right character in any circumstance and knowing how
to communicate well will allow them to overcome challenges.
Also,
Brigadier General Franco Nemesio Gacal, commander of 402nd Brigade emphasized
that the youths continue to play a vital role in promoting peace and
development initiatives not only in the region, but also in the country in
general.
“In
this summit, the youths will draft their action plan that will respond to the
issues and concerns on peace and order, illegal drugs, environment, and other
social concerns. We are preparing these youths to become the future leaders of
our country,” BGen. Gacal said.
The
representatives of Mindanao Indigenous Peoples Youth Organization (MIPYO) from
the five regions of Mindanao also joined in the said event, where the 13
members were warmly welcomed by all other participating stakeholders.
The three-day Regional Youth Leadership
Summit, which is spearheaded by the 401st and 402nd Brigades of Philippine
Army, together with other partner government agencies, is anchored on the theme
"Filipino Youth: Future Leaders of the Country." (JPG/PIA-Caraga)
Over 1K individuals join call for safe, peaceful
midterm polls
BUTUAN
CITY, Jan. 15 -- Over 1,000 individuals from the different sectors participated
in the unity walk, interfaith prayer rally, and peace covenant signing in the
city, Sunday morning at about 6:00 a.m.
Police
Deputy Director General Archie Francisco Gamboa, the Deputy Philippine National
Police (PNP) Chief for Operations and the National Task Force Commander SAFE
2019, attended the event together with the Caraga Commission on Elections
officials headed by lawyer Francisco Pobe, Philippine Army, other National
Government Agencies, and political candidates who are running for local
election.
According
to Chief Supt Gilberto Cruz, PNP Caraga Director, the activity called for
collaborative efforts among the voters, candidates running for local elective
posts, and the community to ensure safe and peaceful election on May 2019 in
Caraga Region.
The
participants from other agencies, civic groups, non-government organizations,
ROTC students, media personalities, running candidates, and private individuals
walked together from Butuan City Sports Complex heading towards covered court
of Agusan del Norte Provincial Capitol to show commitment for free, orderly,
honest, peaceful and credible election.
During the covenant signing, the
political candidates who were surrounded by the participants, pledged to abide
by the tenets of Philippine Constitution, election laws, rules and regulations,
respecting the sanctity of the electoral exercise. (PNP Caraga/PIA-Caraga)
DOH nagbabala sa tumataas na bilang ng kaso ng
dengue sa Caraga region
By
Nora L. Molde
LUNGSOD
NG BUTUAN, Enero 15 (PIA) -- Muling nagbabala si Department of Health (DOH)
Caraga regional director Dr. Jose Llacuna, Jr. sa Caraganons na panatilihing
malinis ang kapaligiran lalo na at tumaas ang bilang ng kaso ng dengue sa ilang
lugar sa rehiyon.
Batay
sa datos ng DOH Caraga, tumaas ng 186 porsyento ang bilang ng kaso ng dengue sa
taong 2018 na may umabot sa 7,529 kumpara sa 2,631 cases noong 2017.
Sa
tala na inilabas ng DOH nitong Enero 10, 2019, mayroon ng 153 dengue
patients ang nakaconfine sa mga ospital ng lungsod ng Butuan at Agusan del
Norte, kung saan ang pinakamarami ay nasa Butuan Medical Center na nasa 66.
Ayon
pa ni Dr. Llacuna, umiiral pa rin ang Code White Alert sa health facilities sa rehiyon gayundin ang
pagkakaroon ng dengue fast lanes para mas matugonan pa ang mga pangangailan ng
mga pasyente.
Samantala, nananawagan naman ang
Philippine Red Cross Agusan del Norte-Butuan City chapter sa mga gustong
magdonate ng dugo na bumisita lang sa
kanilang local chapter dahil sa tumataas na demand ng dugo dahil na rin sa
lumalalang kaso ng dengue sa rehiyon. (NCLM/PIA Caraga)
RYLS dinaluhan ng mga kabataan sa Mindanao
By
Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD
NG BUTUAN, Enero 15 (PIA) - Isa si Chiary Balinan, 28 taong gulang mula sa Ata
– Manobo Tribe sa Davao City at nagsisilbing sekretarya ng Mindanao Indigenous
Peoples Youth Organization (MIPYO), ang dumalo sa isinagawang Regional Youth
Leadership Summit sa lungsod ng Butuan kamakailan, at aktibong ibinahagi ang
kanilang adbokasiya sa mga kabataan upang mapalayo sa impluwensya ng
teroristang grupong New Peoples Army at makilahok ang mga ito sa mga aktibidad
ng kani-kanilang komunidad.
Ayon
kay Balinan, masaya siyang naibabahagi sa kapwa kabataan maging sa ibang sektor
ang kanyang mga natututunan mula sa ibat-ibang seminars at trainings na kanyang
nadadaluhan sa ibat-ibang rehiyon ng bansa sa tulong na rin ng ibat-ibang
ahensiya ng pamahalaan.
Mahalaga
umano ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagresolba ng ibat-ibang isyung
kinakaharap hindi lamang sa rehiyon kundi pati na ng bansa.
“Binuo
namin ang organisasyong ito upang magsilbi kaming boses ng mga kabataan dahil kailangan ma-educate din sila, kagaya
ng mga kasamahan naming former rebels na bumalik na sa gobyerno at sila’y mga
youth. So isa ito sa gusto naming ipaabot sa lahat na walang maidudulot na
maganda sa mga kabataan ang pagsali sa makakaliwang grupo,” sabi ni balinan.
Dagdag
pa ni Balinan, malaking tulong ang naibigay ng philippine army kasama ng iba
pang ahensiya ng pamahalaan sa mga IP youths sa patuloy na pagbibigay programa
at serbisyo nito para sa kanilang sektor.
Sinabi
naman ni Roberto Laurente Jr., presidente ng Propelling Our Inherited Nation
Through Our Youth (POINTY) Incorporated, na ang summit ay isang paraan upang
matipon ang mga kabataan at mahasa ang kagalingan sa ibat-ibang aspekto ng
buhay.
Samantala,
binigyang-diin naman ni Brigadier General Franco Nemesio Gacal, kumander ng
402nd Brigade, na maraming magagawa ang mga kabataan sa pagpapalaganap ng
kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
“Parte
ng aktibidad na ito ay ang pagsasagawa nila ng kanilang action plan hindi
lamang para sa kani-kanilang probinsya, pati na rin sa Caraga region. Dito
pag-usapan nila ang problema ng insurgency, problema ng drugs, problema ng
environment at iba-ibang problema sa social issues. Hinahanda natin ang mga
kabataang ito na maging mahuhusay na liders hindi lang sa kanilang probinsya
pati na ng buong rehiyon,” sabi ni BGen. Gacal. (JPG/PIA-Caraga)
Dating miyembro ng NPA, isa nang aktibong
miyembro ng youth org sa Caraga
By
Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD
NG BUTUAN, Enero 15 (PIA) - Sa isinagawang Regional Youth Leadership Summit
kamakailan dito sa lungsod, boluntaryong ibinahagi ni Roel Hayahay Gano o Datu
Igtudan na tawag sa kanyang mga kasama sa Manobo Tribe na nakabase sa Agusan
del Sur, ang kanyang kasalukuyang pamumuhay sa tribu taliwas noong nasa kilusan
pa siya ng New Peoples Army (NPA).
Isa
si Datu Igtudan sa 13 miyembro ng Mindanao Indigenous Peoples Youth
Organization (MIPYO) na umiikot sa ibat-ibang rehiyon ng bansa para
maipalaganap ang kanilang adbokasiya.
Ngayong
nagbalik-loob na siya sa gobyerno, malaya na niyang nakakasama ang iba pa
niyang mga ka-tribu sa mga dinadaluhang okasyon sa rehiyon at nakakapaglahok sa
mga imbitasyon mula sa national government.
“Sa
totoo lang, naging maayos na ang aking pamumuhay nang nagbalik-loob ako sa
gobyerno. Nakakasama ko na ang aking mga ka-tribu sa mga meeting para may
matutunan din sila. May malaking kaibahan talaga ang buhay ko noon sa bukid at
buhay ko ngayon sa MIPYO,” sabi ni Datu Igtudan.
Ayon
sa kanya, matagal na daw ginagamit ng NPA ang tribu upang masakop nila ang
komunidad nito at magamit ang tribu sa pangingikil ng NPA sa kalapit na lugar,
pagpatay ng mga inosenteng indibidwal at maging sa walang saysay na pagra-rally
sa kalsada.
Sariwa
pa umano sa kanyang alaala ang pang-aabusong ginagawa ng teroristang grupong
NPA, maging ang pagkitil ng buhay ng NPA sa ilan niyang mga kamag-anak.
Magsilbing
leksyon daw sa ibang kabataan ang kanyang masaklap na karanasan kasama ang mga
NPA. May panawagan din siya sa lahat ng kabataan.
“Sa
tingin ko, ang maitutulong ng grupo namin ay ang pagkumbinsi sa ibang tribu,
yung nakapasok na sa NPA na magbalik-loob sa gobyerno at para naman sa hindi pa
nakasama sa NPA ay dapat na mamuhay nang maayos,” dagdag ni Datu Igtudan.
Binigyang-diin din ni Datu Igtudan na
malaking tulong sa kanila ang pinapatupad na Martial Law sa Mindanao dahil sa
pinaigting na seguridad at proteksyon ng Philippine Army. (JPG/PIA-Caraga)