River cleanup sa SurSur, dinagsa ng mga volunteers
By
Nida Grace B. Tranquilan
Isinagawa ng DENR at iba pang ahensya ng gobyerno ang isang simultaneous river cleanup sa ilog ng Tabon and Mangagoy sa lungsod ng Bislig. (Photo: CENRO Bislig City) |
Napag-alaman
mula sa tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Office
(PENRO) na pinamumunuan ni Jose Flavio Concha na tatlong ilog sa probinsya ang
nilinis ng mga volunteers.
Ang
PENRO-Surigao del Sur at CENRO-Cantilan ang nanguna sa isinasagawang paglilinis
sa ilog ng Cantilan na may habang isang kilometro sa hilagang bahagi ng
probinsya. Nilahokan ito ng mahigit 700 estudyante mula sa Surigao del Sur
State University-Cantilan Campus, pamahalaang lokal ng Cantilan, at iba't-ibang
ahensya ng gobyerno at iba pang mga stakeholders.
Sa
katimogang bahagi naman ng probinsya, ang aktibidad ay pinangungunahan ng CENRO
Bislig sa pamumuno ni Victor Sabornido kung saan nilinis nila ang mahigit
dalawang kilometrong haba ng Tabon at Mangagoy Rivers sa lungsod ng Bislig.
Dumagsa naman ang mga sumuporta sa nasabing aktibidad na nakilahok mula sa:
Bislig City Local Government Unit, Mangagoy at Tabon Barangay Council,
Department of Public Works and Highways (DPWH), 75th Infantry Battalion, Bureau
of Fire Protection, Bureau of Jail Management Penology (BJMP), Tabon Maximino
Estrella National High School (TMENHS), REACT Kamayo Group and iba pang
stakeholders.
Ang
CENRO-Lianga naman na pinamumunuan ni Cliff Abrahan ang nanguna sa pagpatutupad
ng nasabing aktibidad sa bayan ng Lianga na isinasagawa sa Ban-as River na
sinusuportahan naman ng lokal na pamahalaan ng Lianga, iba’t-ibang ahensya ng
gobyerno, non-government organizations at mga stakeholders sa nasabing lugar.
Samantala, hindi lang sa araw na ito
isinasagawa ang paglilinis ng ilog sa probinsya. Noong Enero 29 ng taong
kasalukuyan, inilunsad ang parehong aktibidad ng CENRO-Cantilan kung saan
nilinis nila ang Manlico River sa bayan ng Cortes. Umani naman ito ng suporta
mula sa lokal na pamahalan ng Cortes, Barangay ng Manlico at residente ng
nasabing barangay. (PIA-Surigao del Sur)