(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 03 April 2025) Easterlies affecting the country. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands, Surigao del Norte will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. While Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur and Surigao del Sur will be partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshoer or thunderstorm due to Easterlies. Possible flashflood or lanslide during thunderstorn. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from East to Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters)


Monday, February 18, 2019


Mga Caraganon nakilahok sa simultaneous river cleanup

By Venus L. Garcia

LUNGSOD NG BUTUAN, Pebrero 18 (PIA) - Sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Caraga ay nagsama-sama ang mga Caraganon para sa simultaneous ‘River Clean-Up’ sa buong rehiyon.

Madaling araw pa ay dumagsa na ang mga volunteers mula sa pribadong sektor, iba't-ibang ahensya ng gobyerno at pati na rin mga estudyante at sabay-sabay na nagtungo sa clean-up sites sa pamamagitan ng solidarity walk at pagkatapos ay sinimulan ang puspusang paglilinis ng mga estero at ilog.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa mga lugar kung saan nagmistulang tambakan ng mga basura dahil sa hindi tamang pagtatapon ng iilang mga residente.

Ayon kay Atty. Felix Alicer, regional director ng DENR-Caraga, ang gawain na ito ay alinsunod na rin ng direktiba ng environment secretary Roy Cimatu matapos makita ang magandang resulta sa isinagawang rehabilitasyon ng Boracay at ngayon ng Manila Bay.

“Alam naman natin na hind ito ang agarang solusyon sa problema ng solid waste sa rehiyon at ng bansa ngunit ibig natin na iparating ang mensahe na hindi lang responsibilidad ng mga lokal na pamahalaan, DENR at iba pang ahensya ng gobyerno ang solid waste management kundi ng bawat isa,” sabi ni Alicer.

May ilan-ilan ding mga volunteers ang nakilahok sa simultaneous clean-up.

“Kami po sa Karancho Inc. ay nakikiisa sa activity na ito sa paglinis sa mga estero at mga ilog. Ito ay buong puso naming isinasagawa para sa ating kapaligiran at bayan,” sabi ni Job Marfa, liaison officer ng Karancho, Inc.

Ayon naman kay Edy-Ann Arorong, mag-aaral ng Saint Joseph Institute of Technology, ikinatuwa niya at ng kanyang mga kaklase na naging parte sa nasabing aktibidad.

“Masaya kami na may naiambag para linisan ang mga estero upang maiwasan ang problema ng pagbaha kapag aapaw ito tuwing uulan,” sabi ni Arorong.

Malaki rin ang naitulong ng mga pulis at sundalo.

“Masaya kaming nakilahok sa napakagandang adbokasiya ng DENR. Hinihikayat namin ang lahat ng mamamayan na makilahok sa ganitong proyekto ng gobyerno para malinis na estero at ilog ang madadatnan ng mga kabataan sa susunod pang mga henerasyon.”ayon kay 2Lt. Mary Rose Dela Cruz,

Samantala, ayon naman kay DENR-Caraga regional director Atty. Felix Alicer, ang gawain na ito ay alinsunod na rin ng direktiba ng environment Secretary Roy Cimatu matapos makita ang magandang resulta sa isinagawang rehabilitasyon ng Boracay at ngayon ng Manila Bay.

“Ang kahalagahan ng aktibidad ay ang mensaheng dala nito kung saan nais nating iparating sa mga residenteng nakatira malapit sa mga estero at ilog na responsibilidad din nila ang tamang pangangasiwa ng mga basura. Kinakailangan ang kooperasyon ng buong komunidad,” dagdag pa ni Alicer.

Ayon sa opisyal ay susundan ito ng kanilang ahensya ng assessment at aalamin kung anu-ano ang pollution sources ng bawat komunidad at kung paano ito masosolusyunan. Hinikayat din niya ang publiko na sanayin ang tamang solid waste management. (VLG/PIA-Caraga)