Mga kabataan, kababaihan nakilahok sa pagsasanay
sa DRRM
By Venus L. Garcia
LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 2 (PIA)
- Abala ang Office of Civil Defense (OCD) Caraga, sa pakikipagtulungan ng
Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Atmospheric,
Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Mines and
Geosciences Bureau (MGB), Philippine Institute of Volcanology and Seismology
(PHIVOLCS) and Philippine national Police (PNP), sa pagpapaigting sa paghahanda
ng mga kabataan sa Dinagat Islands mula sa anumang sakuna at kalamidad.
Ayon kay OCD-Caraga regional
director Liza Mazo, malaki ang papel ng mga kabataan pagdating sa paghahanda sa
mga kalamidad.
Para naman sa mga kabataan, nais
nila na sana sa umpisa pa lang ay maisali na sila sa pagpaplano para maibahagi
rin nila ang kanilang mga opinyon.
“Bilang young earthquake drill
evaluator ng aming probinsiya sa San Jose, Dinagat Islands, marami akong
natutunan simula noong nasa elementarya pa lang ako hanggang ngayon sa mga DRRM
orientation and training na aking nasalihan. Naibababahagi ko rin ito sa aking
mga kaklase, kaibigan, guro, pamilya at aming komunidad,” sabi ni Shanniah
Vega, studyante ng Don Ruben Edera Ecleo Sr. Memorial National High School.
Isinagawa rin ng OCD-Caraga ang
nasabing DRRM orientation sa mga purok opisyal na kababaihan sa probinsya ng
Surigao del Norte kung saan layon na ma-empower at maging resilient ang mga ito
sa kalamidad.
Ayon kay Diana Lim, head ng
capacity building and training services ng OCD-Caraga, ilan lamang ang mga ito
sa nakahelera pang mga DRRM orientation ng kanilang ahensiya para sa basic
society sectors upang mas maintindihan pa nila lalo ang mga
hydrometeorological, geological at human-induced hazard at praktikal na hakbang
sa pagpapalaganap ng DRRM.
Samantala, ayon kay Rosario
Roxas-Alon, provincial DRRM officer ng Dinagat Islands, paraan ito na ang
kanilang mga partisipante ay magiging katuwang sa sectoral capacity development
ng kanilang lugar.
“The awareness has been heightened
dahil sa pamamagitan ng aming community-based DRRM naiintindihan nila kung
gaano kahalaga ang may kamalayan sa mga panganib at kung paano ito harapin o
respondehan. Sa suporta rin ng mga ahensiya ng pamahalaan na ma-enhance ang
kakayahan ng mamamayan, we can assure that sustainable and resilient
development will be seen at the community level,” sabi ni Alon.
(VLG/PIA-Surigao del Norte)