(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 15 January 2025) Easterlies affecting Visayas and Mindanao. Northeast Monsoon affecting Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.5 to 3.7 meters).


Friday, May 3, 2019

Ex-NPAs, hinimok ang mga aktibong rebelde na sumuko na

By Venus L. Garcia

LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 3 (PIA) -- Hinikayat ngayon ng mga dating miyembro ng rebeldeng grupo na New People’s Army o NPA na magbalik-loob na ang ilan pang nagpaiwang aktibo sa pagpapalaganap ng maling idelohiya laban sa pamahalaan.

Pinatunayan ni Edward Gultia, labinsiyam na taon na nagsilbi dati bilang guro sa institusyong TRIFPSS o Tribal Filipino Program in Surigao del Sur, na ang nasabing paaralan ay pinamumunuan umano ng NPA at hindi akreditado ng Department of Education o DepEd.

“Ang itinuturong iligal doon sa kabundukan ay siya ring itinuturo namin sa TRIFPSS, kung saan ang mga mag-aaral ay tinututuruang mamulat na may galit sa gobyerno,” sabi ni Gultia.

Ibinahagi naman ni Sonny Boy Acebedo, dating estudyante ng TRIFPSS na bini-brain wash sila ng NPA sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng maling impormasyon tungkol sa gobyerno, at sa murang edad ay tinuturuan na umano sila sa paghawak at pagkamit ng baril upang labanan ang gobyerno.

“Noong Grade three pa lang ako pagpasok ko sa TRIFPSS nagtaka ako bakit iba ang itinuturo nila. Tinuturuan nila kami na magalit sa gobyerno. Kapag wala naman kaming pasok tinuturuan kami ng mga NPA kung paano humawak ng baril,” sabi ni Acebedo.

Tribal Filipino Program in Surigao del Sur o TRIFPSS na eskwelahan sa Km. 9, Brgy. Diatagon, Lianga, Surigao del Sur na hindi akreditado sa Department of Education. (PIA-Caraga)
Ayon naman kay Datu Jomar “Nahikyad” Bocales, municipal tribal chieftain ng Lianga, Surigao del Sur, ang mga doctrinang itinuturo ng TRIFPSS at ALCADEV o Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development ay taliwas sa gawain ng demokrasyang pamahalaan kung saan ang mga mag-aaral ay hinihimok umano na sumali sa teroristang grupo ng npa. Ito’y kinumpirma rin umano ng kanyang kontak sa loob ng kilusang NPA.

Sinabi naman ni Datu Rico Maca, Indigenous Peoples Mandatory Representative o IPMR ng munisipyo ng San Miguel, Surigao del Sur, na pinipigilan umano ng mga NPA na namumuno ng TRIFPSS at ALCADEV na maimplementa sa kanilang lugar ang Indigenous Peoples Education o IPED curriculum framework ng DepEd.

“Nakita natin ang koneksyon ng NPA at TRIFPSS. Kaya pinapatay nila ang mga datu na sumuporta sa IPED,” sabi ni Maca.

Umaasa ang mga former rebel na gawin din ng mga aktibong NPA na itama ang rebolusyunaryong pakikibaka nang sa ganun ay magkaroon ng pagkakataong mamuhay ng normal at maayos sa kani-kanilang komunidad. (VLG/PIA-Caraga)

18 more cocaine bricks found in SurSur town

By Nida Grace P. Barcena

LINGIG, Surigao del Sur, May 3 (PIA) – Eighteen more bricks of suspected cocaine were found by a fisherman floating in the waters of Surigao del Sur on April 30 and May 1.

Based on the report from the Surigao del Sur Police Provincial Office (SDS-PPO), a fisherman identified as Jolan Basadre Pucot, 25 years old, turned over a total of 18 bricks of suspected cocaine to the authorities in the town of Lingig.

SDS-PPO revealed that Pucot first found the 16 bricks of suspected cocaine around 4:00 P.M. on April 30 at the seashore of Barangay Handamayan of the said town, 20 kilometers away from Lingig Municipal Police Station.

On the following day (May 1), around 10:30 A.M. while Pucot was on his way off to the shore for fishing, he found again another two bricks of suspected cocaine weighing 2 kilograms at the vicinity of the said barangay.

He immediately brought the said contraband to the Barangay Hall and turned over to barangay Captain Quiobe and PCapt. Edwin Perez.

The 18 bricks of suspected cocaine were brought to Lingig Municipal Station for proper documentation and disposition subject for laboratory examination which will be conducted at the Regional Crime Laboratory Office in Libertad, Butuan City. (PIA-Surigao del Sur)

Mga ahensiya ng pamahalaan ininspeksyon ang mga paaralang pinupugaran ng NPA sa SurSur


By Jennifer P. Gaitano

LIANGA, Surigao del Sur, Mayo 3 (PIA) - Ininspeksyon ng mga ahensiya ng pamahalaan ang Barangay Lianga, Surigao del Sur upang ma-assess ang kalagayan ng mga Indigenous Peoples (IP) community, at ang Tribal Filipino Program in Surigao del Sur (TRIFPSS) na isang non-formal school na umano’y hindi rehistrado sa Department of Education (DepEd) para mag-operate.

Sinabi ni DepEd Caraga regional director Francis Cesar Bringas, na matagal na nilang hinikayat ang nasabing paaralan na magparehistro sa DepEd subalit ayaw talaga nitong magparehistro at ayaw ng anumang interbensyon mula sa gobyerno.

Ito ay matapos makatanggap ng report ang Committee on Cultural Communities sa House of Representatives na ang nasabing paaralan at ang Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) ay pinamumugaran ng mga miyembro ng New People’s Army, at ginagamit bilang training ground ng mga kabataang laban sa gobyerno.

Ayon kay Adora Pueblos, secretary ng komite, nais nilang malaman ang basehan ng mga impormasyon o reklamong kanilang natanggap laban sa mga skwelahang nabanggit.

Sabi ni Pueblos, nagkakaisa ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa hakbang na ito sa pamamagitan ng whole of nation approach at mabigyang solusyon ang anumang mali sa sistema.

Ipinahayag naman ni Atty. Reuben Dasay Lingating ng Office of Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na may mga report na tumatanggap din ng milyon-milyong budget ang TRIFPSS at ALCADEV mula sa mga non-government organizations ng European countries subalit hindi naman ito nalalaan sa mga proyekto at programang tutugon sa edukasyon ng mga kabataang IPs ng rehiyon.

Ayon din kay Remegio Pareja, punong barangay ng Diatagon, hinikayat nilang magparehistro ang TRIFPSS sa DepEd subalit patuloy na tumatanggi ang mga gurong namamahala rito. Ayaw din umano ng grupo na makatanggap ng assistance mula sa gobyerno, at anumang programa at proyekto na para sa mga residente dito.

Ang resulta ng isinagawang site inspection at assessment sa nasabing paaralan sa Lianga, Surigao del Sur ay isusumite sa Office of the President upang malaman ni President Rodrigo Duterte at mabigyan ng akmang sulosyon. (JPG/PIA-Caraga)

Mga kandidato nagharap sa isinagawang Candidates’ Forum sa Butuan

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 3 (PIA) - Nagharap ang mga kandidato sa pagka-mayor, vice mayor at congressman ng lungsod ng Butuan sa ginanap na Candidates’ Forum na inorganisa ng Father Saturnino Urios University (FSUU), Commission on Elections (COMELEC) at Philippine Information Agency (PIA) Caraga.

Sentro ng talakayan ang mga napapanahong isyu, mga polisiya, proyekto at programa na magbubukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho sa mga butuanon at marami pang iba pa.

Para kay Jocelyn Yee na isang negosyante sa lungsod, suportado niya ang ganitong aktibidad na makatutulong sa mga mamamayan at mga botante na makilatis mabuti ang mga tumatakbong kandidato at makapili nang mga karapat-dapat sa posisyon.

Umaasa rin syang mas matutugunan ng mga mananalong kandidato ang problema sa supply ng tubig maging sa kuryente.

Ayon kay Atty. Josefe Ty, FSUU Policy Center executive director, bagamat may mga ilang kandidatong hindi dumalo sa nasabing forum, naging maayos naman ang proseso o mekanismo ng pagsagot nila sa ibat-ibang isyung kinakaharap ng lungsod at kung papaano nila ito masusulusyonan.

Samantala, ibinahagi naman ni Butuan City election officer Ganger Ranada na malaki ang tulong sa mga simpleng mamamayan ang marinig mismo sa mga kandidato ang kanilang mga plano at long-term solutions sa mga isyu para sa mas ikabubuti pa ng lungsod. Nanawagan din siya sa lahat ng mga botante na maging wa-is sa pagpili ng mga ibobotong kandidato. (JPG/PIA-Caraga)