(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 23 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY TROPICAL DEPRESSION LOCATION: 165 KM WEST OF KALAYAAN, PALAWAN (10.8°N, 112.8°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 55 KM/H GUSTINESS: UP TO 70 KM/H MOVEMENT: NORTHWESTWARD AT 10 KM/H 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Lifgt to Moderate winds coming from East toSoutheast will prevail with light to Moderate (0.6 to 2.5 meters).


Wednesday, June 26, 2019


72 bagong pulis sa Caraga region, pumasa sa SWAT course

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 26 (PIA) - Sa layong masubukan agad ang pagiging alerto, epektibo at husay sa pagresponde sa armed encounters, dumaan sa mas pinaigting at pinabuting pagsasanay sa Special Weapons and Tactics (SWAT) course ng Philippine National Police (PNP) ang 72 na bagong graduate na pulis sa Caraga region.

Ipinakita ng mga bagong SWAT graduates ang kanilang kapabilidad, katatagan at lakas ng loob sa pagharap at pagsagawa ng stratehiya sa pagsabak sa high-risk encounters at close quarters combat – isang mapanganib na komprontasyon sa mga kalaban.

Ang mga pumasa sa SWAT course training ay binubuo ng dalawang police commissioned officers at 70 police non-commissioned officers mula sa mga police provincial offices ng rehiyon, Regional Mobile Force Battalion 13 at Butuan City Police Office (BCPO). Apat naman dito ay mga babaeng police officers.

Ayon kay Police Brigadier General Gilberto DC Cruz, sa pagkakataong pumasa ang mga bagong pulis sa nasabing training, sumabak agad sila sa mga mabibigat na sitwasyon at ipapakita ang kanilang agarang pagresponde nang hindi humahantong sa bayolenteng pamamaraan.

Sa isinagawang graduation ceremony, si Police Staff Sergeant Billy Ray Samillano ang tumanggap ng Award of Excellence dahil nakuha niya ang pinakamataas na rating sa nasabing pagsasanay, habang si Police Major Rodulfo Cadiz Jr. at Police Major Rommel Cacayan ang tumanggap ng Leadership Award.

Samantala, isang babaeng pulis naman na si Rheianne Gabunada ang tumanggap ng Top Gun Award dahil sa nakuha niyang pinakamataas na rating sa individual practical drills sa pistol at riffle, habang si Police Master Sergeant Ronald Laro ang sa highest rating sa physical fitness test at iba pang physical training sa SWAT course.

Bilang isa sa mga natatanging awardees, ibinahagi ni Gabunada, na mahalaga rin ang ginagampanang tungkulin ng mga kababaihang pulis, at malaki ang kanilang magagawang kontribusyon sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa lugar. (JPG/PIA-Caraga)

Diocese ng Butuan may bagong obispo

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 26 (PIA) -- Maaga pa lamang ay dagsa na ang mga Caraganons sa Saint Joseph Cathedral sa lungsod ng Butuan upang saksihan ang episcopal ordination o pag-ordina ng bagong tinalagang bishop sa Diocese of But
uan na si Most Reverend Cosme Damian Racines Almedilla, ang pangatlong obispo, kapalit ni Most Rev. Juan de Dios Pueblos na sumakabilang buhay noong Oktobre 2017.

Napuno ang loob ng simbahan maging ang Guingona Park ng mga parishioners. Nakaantabay din ang Philippine National Police, Philippine Army at iba pang law enforcement agencies upang masigurong ligtas ang dumadalo rito at mapanatiling maayos at solemn ang selebrasyon.

Isa si Michael Mendoza, second year college student na mula pa sa Lianga, Surigao del Sur sa mga nakasaksi sa pag-ordina at pagtalaga ng bagong bishop sa Butuan. Dama niya ang saya at biyaya na hatid ng bagong obispo para sa mga Caraganons.

“Masaya ako at mayroon ng bagong obispo at umaasa ako na mas marami pang biyaya ang mararanasan ng mga Caraganons. Mas maging aktibo din sana ang mga kabataan sa aktibidad ng simbahan at sa paggawa ng mabuti sa kapwa,” sabi ni Mendoza.

Si Bishop Almedilla ay naging miyembro ng Talibon Diocese sa lalawigan ng Bohol at nagserbisyo bilang parish priest ng Holy Child Parish sa Ubay, Bohol. Noong Agusto 4, 1987 ay na-ordinahan siya bilang pari matapos ang kanyang formation sa Saint John XXIII College Seminary sa Malaybalay City, Bukidnon at sa Loyola School of Theology sa Ateneo de Manila University.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng bagong obispo na gagawin niya ang kanyang makakaya na matugunan ang pangangailangan ng mga sektor sa spiritwal na aspeto. Isang karangalan ang mapili bilang obispo sa kabila ng kaniyang pagiging imperpekto.

Samantala, personal naman na dinaluhan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang isinagawang holy mass para sa episcopal ordination at canonical taking-possession ni Bishop Almedilla.

Binigyang-diin ni Cardinal Tagle sa kanyang homily o sermon, ang pagiging tapat sa katungkulan at sa pagbibigay serbisyo sa publiko. Umaasa rin siyang mas manalig at patatagin pa ng bawat isa ang kanilang paniniwala sa diyos. (JPG/PIA-Caraga)