(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 23 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY TROPICAL DEPRESSION LOCATION: 165 KM WEST OF KALAYAAN, PALAWAN (10.8°N, 112.8°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 55 KM/H GUSTINESS: UP TO 70 KM/H MOVEMENT: NORTHWESTWARD AT 10 KM/H 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Lifgt to Moderate winds coming from East toSoutheast will prevail with light to Moderate (0.6 to 2.5 meters).


Friday, July 19, 2019


LTFRB calls on LGUs to submit local public transpo route plan

By Jennifer P. Gaitano

BUTUAN CITY, July 19 (PIA) - To ensure the security of traveling passengers and smooth flow of traffic in Caraga region, the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) emphasized to all the local government units of the region the importance of having a local public transportation route plan for the public utility vehicles.

With this, LTFRB-Caraga OIC-regional director Kristina Cassion called on local government units (LGUs) to comply and submit the required plan.

She said, their office has yet to receive it from different LGUs and should they need technical assistance, the LTFRB will guide them to complete the said plan.

Despite having a delay in the submission, Cassion is still hopeful that all LGUs would be able to submit it within the year.

Cassion added that if in case the LGUs still could not provide the route plan in spite of constant reminder and assistance, they will seek the assistance of the Department of the Interior and Local Government (DILG) as indicated in the joint circular of DILG and Department of Transportation (DOTr).

Meanwhile, the official stressed that the LTFRB intensifies its campaign and monitoring against ‘colorum’ vehicles illegally operating in the region. She emphasized that passengers should ensure their safety by riding only in registered Public Utility Vehicles (PUVs).

Cassion, further, lauded the active support of the transport sector in the implementation of the PUV Modernization Program of the government.

Under this program, several units of new vehicles will soon be launched in the two routes of Butuan City and three in Siargao islands.

Apart from that, the first 100 taxis will also be operating in Butuan in the coming months. (JPG/PIA-Caraga)

Grupo ng mga magsasaka itinakwil ang teroristang CPP-NPA sa Agusan del Norte

By Nora L. Molde

BAYAN NG BUENAVISTA, Agusan del Norte, Hulyo 19 (PIA) -- Mahigit 100 miyembro ng Unyon ng Mag-uuma sa Agusan del Norte o UMAN ang nagkaisang itakwil ang CPP-NPA terrorists o CNT sa kanilang lugar. Ang UMAN ay isang grupo ng mga magsasaka na sumusuporta sa mga CPP-NPA kung saan ang pagrerecruit ng mga magsasaka ang pangunahing pinagkukuhaan ng kanilang lakas, pera at logistics at papangakuhang bibigyan ng lupang sasakahin.

Sa ginawang peace consultation dialogue ng 23rd Infantry Masigasig Battalion ng Philippine Army na pinangunahan ng commanding officer na si Lt. Col. Francisco Molina, nanumpa ang mga magsasaka na itakwil ang mga CPP-NPA at maging loyal sa gobyerno.

Ayon kay alias Joseph, kung alam lang nila ang totoong layunin ng UMAN, hindi na sana sila sasama sa kilusang ito.

Ang  mga magsasaka ay nangakong magbabago at gagawin ang lahat sa pamamagitan ng programang binigay sa kanila nga gobyerno.

Ipinaliwanag din ni Lola Agnes, isang dating rebelde, sa mga magsasaka ang mga ginawang panlilinlang at tactics ng mga teroristang grupo sa kanila.

"Hangga't may armado sa lugar ninyo, hindi kayo uunlad. Kung talagang para sa bayan pinaglalaban ng mga NPA, bakit nila sinisira ang mga tulay at gusali na itinayo ng gobyerno? Bakit sa loob ng 50 taon wala silang naitayong paaralan, tulay, kalsada, health centers o kahit mamigay man lang ng mga gamot," dagdag pa ni Lola Agnes.  

Matatandaang kamakailan lang ay may mahigit 200 na mga magsasaka ang naunang tumakwil sa teroristang grupo sa probinsya ng Agusan del Norte. (NCLM/PIA-Agusan del Norte)

LTFRB-Caraga binigyang-diin ang kahalagahan ng local public transportation route plan

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Hulyo 19 (PIA) - Upang masiguro ang seguridad ng mga pasaherong bumabiyahe at ang maayos na trapiko sa Caraga region, binigyang-diin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahalagahan ng pagkaroon ng Local Public Transportation Route Plan sa mga pampublikong sasakyan.

Dahil dito, hinimok ni LTFRB-Caraga OIC-regional director Kristina Cassion ang mga local government units (LGU) ng rehiyon na magsumite na ng route plan ng kani-kanilang lugar.

Matagal na nila itong hinihingi sa LGUs subalit marami pa rin ang hindi pa nakapag-comply. Handa naman ang kanilang ahensiya na magbigay ng teknikal na tulong upang mabuo ang nasabing plan.

Nilinaw ni Cassion na bagamat mabagal ang pagbuo ng mga ito, positibo naman ang LTFRB na maisusumite ito ngayong taon.

Dagdag pa ni Cassion, sakaling hindi pa rin makasunod ang  LGUs sa kabila ng mahabang panahong binigay sa kanila, mapipilitan na umano silang ipaabot ito sa Department of the Interior and Local Government (DILG) alinsunod na rin sa joint circular ng DILG at Department of Transportation (DOTr).

Samantala, iginiit ng opisyal ang ginagawang monitoring ng kanilang ahensiya laban sa mga kolorum na sasakyan.

“Mas maigi pa rin sumakay ang mga pasahero sa mga sasakyang pampubliko na rehistrado upang masiguro ang kanilang kaligtasan,” sabi ni Cassion.

Habang tinututukan ito ngayon ng ahensya, pinuri naman ni Cassion ang transport sector sa kanilang patuloy na pagsuporta sa implementasyon ng Public Utility Vehicles (PUV) Modernization Program ng gobyerno. May ilulunsad na mga bagong unit ng sasakyan sa dalawang rota sa lungsod ng Butuan, at sa Siargao Islands na may tatlong rota.

Maliban diyan, may 100 taxis na rin ang ilulunsad sa Butuan sa susunod na buwan. (JPG/PIA-Caraga)