By Jennifer P. Gaitano
BUTUAN CITY, July 5 (PIA) - The
402nd Brigade, Philippine Army presented the 121 newly enlisted privates who
will be assigned in the different units of Caraga region.
Forty-five of them are coming from
the Indigenous Peoples (IP) community who underwent the rigid training and
passed the Candidate Soldier Course (CSC) of the Philippine Army, just like the
other regular quota soldiers.
For Private Bobong Pinao, a datu
and tribal leader of the Mamanwa tribe in Jabonga, Agusan del Norte, who was
once a member of the Militia ng Bayan and later surrendered to the government,
his perspective in life has changed and he became appreciative of how the
government works for the welfare of the people while undertaking as well the
very essence of the training with the rest of the troops.
He added that he is now more
confident and committed to serve the country by protecting the people from the
harmful and abusive New People’s Army (NPA).
Also, Private Roel Galarosa from
Misamis Oriental shared that it is a great opportunity and a challenge for him
being an enlisted personnel of the Philippine Army, that he could do his duties
and responsibilities as expected.
“To be part of the enlisted
personnel in the Philippine Army is a great privilege. I would do my best to
serve and protect the people,” said Galarosa.
During the ceremonial entrustment
of firearms to the newly-enlisted privates held at Camp Bancasi, Butuan City,
assistant regional director Donald Seronay of the Department of the Interior
and Local Government (DILG) Caraga said that more programs and projects would
be poured out to the communities in partnership with the Philippine Army.
Meanwhile, Col. Maurito Licudine,
commander of 402nd Brigade, stressed that they will give due attention to some
conflict-affected areas in their area of responsibility, and having these newly
enlisted privates is of great help.
The official also hopes that these
privates would maintain good-grooming, live a modest life, and become
financially stable and be able to help their families. (JPG/PIA-Caraga)
Health care providers pinarangalan bilang DRRM
heroes sa Agusan Norte
By Nora L. Molde
LUNGSOD NG BUTUAN, Hulyo 5 (PIA)
-- Binigyan ng pagkilala bilang DRRM heroes o unsung heroes ng probinsya ng
Agusan del Norte ang mga lokal na health care providers ng probinsya.
Ito ay kasabay ng pagbubukas sa
selebrasyon ng National Disaster Resilience Month o NDRM sa lalawigan na
panangunahan ni gobernador Dale Corvera.
Ayon kay provincial DRRMO chief
Erma Suyo, karapat-dapat lamang silang bigyan ng pagkilala dahil sila ang front
liners sa panahon ng krisis, emergencies at mga kalamidad.
Emosyonal na tinanggap ni Dr.
Gertrudes Cembrano, hepe ng Nasipit District Hospital ang pagkilalang ito ng
probinsya.
Anya ang pagkilalang kanilang natanggap
ay isang inspirasyon upang mas mapabuti pa nila ang kanilang mga serbisyo
sa mga Agusanon.
Maliban sa pagkilala ng DRRM
heroes, nagkaroon din ng paligsahan sa DRRM chant at DRRM factor.
Itinanghal ang Philippine National
Police Agusan del Norte police office bilang best in DRRM chant at best in DRRM
factor habang nakuha ng Bureau of Fire Protection ang best in uniform.
Sa buong buwang selebrasyon ng
NDRM sa probinsya ng Agusan del Norte ay magkakaroon din ng video clip making
contest, DRRM contest gaya ng essay writing, quiz bee, at poster making.
Gaganapin din and provincial DRR-CCA convention at ang forecasting and
weather observation and data interpretation of early warning signals training-workshop,
at ang NDRM bae competition. (NCLM/PIA Agusan del Norte)
PNP, Army nagsanib pwersa sa pagpapaigting ng
kasanayan sa komunikasyon
By Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG BUTUAN, Hulyo 5 (PIA) -
Nagsanib pwersa ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Army sa
pagpapaigting pa ng kanilang kasanayan pagdating sa komunikasyon at pagbabahagi
ng impormasyon.
Ito ay upang mas maging epektibo
ang kanilang kampanya laban sa Communist Party of the Philippines – News
People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa region 10 at Caraga.
Sa isinagawang Basic Journalistic
Writing lecture-workshop ng Philippine Information Agency sa lungsod ng Butuan,
naging aktibo ang 86 na mga sundalo at pulis sa pagbahagi ng kanilang ginawang
balita mula sa kanilang area of responsibility.
Ayon kay Major Regie Go, Public
Affairs Officer ng 4th Infantry Division, Philippine Army, malaking tulong sa
mga sundalo ang ganitong pagsasanay lalu na at mas pinapalawak pa nila ang
kanilang Community Support Program (CSP) sa mga komunidad kasama ang PNP.
Isa rin itong hakbang sa
pagpapatupad ng 'whole-of-nation' approach upang mas mapabuti pa ang kanilang
patuloy na pagbibigay serbisyo, pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko at
paghahatid ng tamang impormasyon sa mga ginagawang peace and development efforts
ng kanilang hanay.
Ibinahagi naman ni Capt. Ryan
Layug, Civil Military Operations officer ng probinsya ng Bukidnon sa region 10,
na mas dumadami na rin ang mga sibilyan partikular na sa conflict-affected
areas na sumusuporta sa AFP at PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan
sa kanilang lugar. Ilan-ilan na rin ang nagdeklarang persona non-grata sa mga
CPP-NPA-NDF.
Samantala, binigyang-diin naman ni
Police Lt. Col. Christian Rafols II, chief PIO ng PRO13 na nararapat lang din
na mas palawigin pa ng PNP kasama ng AFP ang kanilang kasanayan sa epektibong
komunikasyon upang ma-counter ang mga propaganda at maling impormasyong
ibinabahagi ng mga makakaliwang grupo sa komunidad. (JPG/PIA-Caraga)
Geo-SAFER Mindanao magbigay-tulong teknikal sa
iba't-ibang sektor ng Caraga
By Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG BUTUAN, Hulyo 5 (PIA) -
Handang magbigay tulong-teknikal ang mga personahe mula sa Geo-Informatics for
the Systematic Assessment of Flood Effects and Risks toward a Resilient (SAFER)
Mindanao program sa ibat-ibang sektor na may planong magtayo ng mga
inprastraktura sa rehiyon, upang masigurong ligtas ang lokasyon nito sa
posibleng pagbaha na dulot ng malakas na pag-ulan o bagyo.
Ito ang pagtitiyak ni Dr. Enrico
Paringit, ang executive director ng Department of Science and Technology -
Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and
Development (DOST-PCIEERD). Malaking tulong ito para hindi na gagasto pa ng
malaki ang mga sektor para sa mga consultants mula sa ibang rehiyon.
“Andito naman ang Geo-SAFER Agusan
thru the Caraga State University para mag-facilitate at magbigay tulong
teknikal sa mga sector na mangangailangan ng consultation services sa mga
proposed infra developments ng rehiyon,” sabi ni Dr. Paringit.
Dagdag pa ng opisyal, may
gaganaping roll-out of technologies or showcasing of technologies sa hulyo
nitong taon. ang mga teknolohiyang ito ay nabuo sa rehiyon at magagamit ng mga
Caraganons. Kasabay nito, may gaganaping pagsasanay rin para sa mga local na
pamahalaan upang mas mahasa sila sa pagamit ng flood hazard maps gamit ang
makabagong teknolohiya.
Sinabi naman ni Engr. Meriam
Santillan, ang dean ng College of Engineering and Information Technology ng CSU
sa lungsod ng Butuan na nakaantabay lang sila at handang tumulong sa mga
sektor.
Matatandaan na kamakailan lang ay
natapos na ang kanilang pagawa ng detalyadong flood hazard map at opisyal nang
tinurn-over sa mga lokal na pamahalaan ng Caraga region. Ito ay magsisilbing
gabay sa kanilang pagawa ng mga proyektong infrastraktura at pangkaunlaran sa
buong rehiyon ng Caraga na pinagplanohang maigi at siguradong hindi
maaapektuhan ng pagbaha.(JPG/PIA-Caraga)