100 IPs sa Caraga tumanggap ng PhilHealth cards
LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 30 (PIA)
- Malaki ang ambag ng Indigenous Peoples (IPs) sa pagpapanatili ng kaayusan at
matiwasay na pamumuhay sa kanilang mga komunidad, kaya naman bilang pagbibigay
halaga sa sektor, tumanggap ang nasa isang-daang ips sa ibat-ibang probinsya ng
Caraga region ng PhilHealth cards bilang tulong sa kanilang medikal na
pangangailangan.
Ito ay kasabay sa ika-118th
selebrasyon ng Police Service Anniversary na idinaos sa Butuan City.
Pinangunahan ito ni Philippine
National Police (PNP) Caraga regional director Police Brigadier General
Gilberto DC Cruz, kasama si acting PhilHealth Caraga regional vice president
Herzon Zenon Leonardo Malate at Police Lieutenant General Archie Francisco
Gamboa, ang deputy chief PNP for operations.
Isa-isang tinanggap ng tribal
leaders ang mga PhilHealth cards na nakalaan sa kani-kanilang lugar.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin
ni General Cruz ang ginagampanang mahalagang papel ng IPs sa ating bansa kaya
naman paiigtingin pa ng pamahalaan ang pagbibigay ng serbisyo sa naturang
sektor.
Pinasalamatan din ni Lt. Gen.
Gamboa ang lahat ng IPs ng rehiyon sa kanilang patuloy na pagsuporta sa
kampanya ng gobyerno laban kriminalidad at sa pagpapatupad ng Executive Order
No. 70 o ang whole-of-nation approach sa pagsugpo ng insurhensiya sa bansa.
(JPG/PIA-Caraga)