(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Thursday, November 21, 2019


Mga Agusanons positibo ang pagtanggap sa isinusulong   na Constitutional Reform sa bansa 

By Nora L. Molde

LUNGSOD NG BUTUAN, Nobyembre 21 (PIA) -- Naging positibo ang pagtanggap ng mga Agusanons sa isinusulong na Constitutional Reform sa bansa, sa ginawang Constitutional Reform provincial roadshow dito sa Agusan del Norte at lungsod ng Butuan na dinaluhan ng mga local chief executives, mga miyembro ng civil society organizations at media, buo ang suporta nila sa mga gagawing reporma sa konstitusyon.

Ayon kay Heraldeco Asares, ang presidente ng Mamanwa-Manobo Indigenous Peoples Organization ng Cabadbaran City, Agusan del Norte, may mga probisyon na sa konstitusyon na kailangan ng baguhin upang mas mabibigyan ng pansin ang mga lalawigan basi sa kanilang mga pangangailan at upang mas maingat pa ang ekonomiya ng bansa.

Sinang-ayon naman ito ni Elenita Cadeniag ng barangay Simbalan ng Buenavista, Agusan del Norte. Ayon kay Cadeniag, kung ano ang galing sa atin ay dapat sa atin din mapunta upang mas mapalago pa ang sariling lugar.

Bilang isang pribadong media practioner, nagpahayag din ng kanyang suporta sa Constitutional Reform si Mike Crismundo, isang media practitioner na nakabase sa Butuan City. Economic growth ang nakikita niyang benepisyo nito sa rehiyon.

Paliwanag naman ni Department of the Interior and Local Government Caraga regional director Lilibeth Famacion na layon ng provincial roadshow na mas mapaliwanag pa ang mga pagbabago upang maisulong ang bagong konstitusyon. Kabilang nito ay ang apat na pillars ng pagbabago: pagyamanin ang probinsya, paluwagin ang metro manila; gobyerno para sa tao, hindi para sa trapo; bukas na ekonomiya nang lahat ay may pag-asa; at bagong konstitusyon para sa bagong henerasyon. (NCLM/PIA Agusan del Norte)