Kaugnay sa most vulnerable
sectors ng bansa na lubhang nangangamba mula sa pang-ekonomiyang epekto ng
Covid-19 pandemic, binigyang diin ng Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong
Miyerkules na ibinubuhos ng gobyerno ang lahat ng mga resources nito upang
magbigay ng tulong para sa mga sektor na nangangailangan, tulad ng mahihirap,
kabataan, displaced workers, at naghihikahos na mga magsasaka.
Sa kanyang talumpati sa
pangatlong Pre-State of the Nation Address (SONA) na inorganisa bilang
introduksiyon para sa SONA ng Pangulo ngayong Lunes, ikinalulungkot ni Nograles
na "tulad ng anumang natural na kalamidad, itong pinaka-mahinang sektor ng
lipunan ang malakas na nahahambalos ng pandemyang ito: ang ating mga magsasaka,
ating kabataan, ating mahihirap na kababayan."
"Matindi; malawak; at
masakit ang epekto ng Covid-19. May mga pamilyang di makakain. May mga
pamilyang di makakapag-paaral."
Ayon sa opisyal ng Palasyo, hindi
ito lingid sa kaalaman ng gobyerno, ang dahilan kung bakit binibigyang diin ng
Department of Social Welfare and Development Secretary na si Rolando Bautista
noong nakaraang linggo, na “patuloy na nagtutulungan ang lahat ng ahensiya… sa
pagbangon ng ating kapwa Pilipino mula sa krisis na atin ngayong hinaharap.”
Sinabi ni Nograles na
"malinaw po ito sa ibinuhos na pondo para magbigay ng ayuda at para
matulungan ang ating mga kababayan."
"Tulad ng iniulat ni
Secretary Bautista, mahigit sa 106 bilyong piso mula sa aming Social Amelioration
Program o SAP ang ipinamamahagi upang magbigay ng tulong sa mahigit 19 milyong
mga benepisyaryo sa panahon ng pandemya. Bukod po dito, naglaan din ng pondo
ang gobyerno para sa ating mga manggagawa, mga magsasaka, at mga
estudyante," paliwanag ng Cabinet official.
Halimbawa, binigyang punto ng
dating mambabatas mula sa Davao na ang SSS ay "naaprubahan ang kabuuang
479,000 applications para sa calamity assistance na nagkakahalaga ng 7.5
billion pesos."
"Sa ngayon, naglabas ito ng
1.7 billion pesos sa 102,500 borrowers. Inilunsad din nito ang isang programa
para sa mga na-lay off na manggagawa, at mula nang magsimula ang lockdown,
na-aprubahan na ang 6,300 applications totaling 84.4 million pesos. Sa ngayon,
ini-release na ng SSS ang 76.2 million worth ng benepisyo ng 5,740
applicants."
Ang Department of Labor and
Employment, ayon kay Nograles, ay nagpalawig din ng tulong pinansiyal na may
kabuuang halagang 6.4 billion pesos para sa mahigit 1.18 milyong displaced
employees sa formal at informal sectors ng ekonomiya, kabilang ang pagbabalik o
pag-uwi ng OFWs.
"Samantala, naglabas ang
Department of Agriculture ng cash subsidies sa mahigit isang milyong apektadong
magsasaka at mangingisda na nagkakahalaga ng anim na bilyong piso," dagdag
ni Nograles.
"Para naman sa mga apektado
sa sektor ng edukasyon, may mga hakbang at programa na inilunsad ang pamahalaan
upang matugunan ang pangangailangan nila. Para sa mga nagtatrabaho sa gobyerno,
ang Government Service Insurance System ay nagbukas ng new 30,000-peso computer
loan program upang matulungang makabili ang mga miyembro ng isang computer
bilang paghahanda sa paglipat natin patungo sa distance learning or online
classes," paliwanag ng tubong Mindanao.
"Bilang karagdagan dito, sa
Setyembre, ilulunsad ng GSIS ang isang educational loan program para sa mga
miyembro nito upang matulungan silang makapagbayad ng matrikula at iba pang mga
bayarin sa paaralan para sa kanilang nominated student-beneficiaries.
Maglulunsad ang GSIS ng mga bagong programa para matulungan ang mga kawani ng
pamahalaan sa pagpapa-aral sa kanilang mga supling. Maliban sa computer loan
program, mayroon ding programa para sa matrikula at iba pang mga kaugnay na
bayarin."
Ipinaliwanag ni Nograles na upang
matugunan ang mga pakikibaka ng mga private schools, private educational
institutions ay maaari ring humingi ng tulong mula sa Land Bank of the
Philippines’ “study now, pay later” lending program. Iniulat niya na mula nang
ilunsad ang programa dalawang buwan na ang nakalilipas, higit sa 80 ed
ucational institutions nationwide ang nagpahayag ng interes sa pag-access
nitong credit facility, at sa pagsisimula ng buwang ito, inaprubahan na ng
bangko ang mga loan applications na umaabot sa 260 milyong piso.
"Ito ang iilan sa mga
hakbang ng gobyerno para matugunan ang pangangailangan ng ating mga naghihirap
na kababayan." ###