AgSur LGU still implements granular lockdown
By Jennifer P. Gaitano
BUTUAN CITY, Nov. 4 (PIA) -- Despite lifting and demobilizing the
provincial boundary checkpoint operations in Agusan del Sur as agreed by the
Provincial Inter-Agency Task Force, health protocols in the local government
units (LGUs) have also been tightened to control the increasing number of
confirmed coronavirus disease 2019 (COVID-19) positive cases.
The municipality of San Francisco is one of those which strictly
monitors people coming in and out of the area, after being known as the first
municipality of the province that has recorded a local transmission. It
immediately declared an enhanced community quarantine and implemented granular
lockdown in the identified 25 barangays in the month of October.
Another additional puroks of several barangays were identified and are
now under granular lockdown until November 9, 2020. This is based on the
executive order released by the LGU-San Francisco.
According to San Francisco Mayor Solomon Rufila, the LGU also identified
entrance and exit points in the affected barangay including the public market.
“Since we no longer implement the boundary checkpoints, we believe that
this is one good move of the LGU, which could also help during the conduct of
contact tracing. So, this is why we need to monitor all those who come in from
the entrance,” said Rufila.
Mayor Rufila further reminded the locals to continue to follow the
health protocols such as social distancing, and wearing of face mask and face
shield.
“We continue to urge the people to always follow the health protocols
especially the wearing of face mask and face shield,” Rufila added.
Close coordination among LGUs is also observed with the aim to have a
more organized and systematic conduct of the contact tracing. (JPG/PIA-Caraga)
Granular lockdown sa isang bayan sa AgSur, patuloy na ipinapatupad
By Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG BUTUAN, Nob. 4 (PIA) -- Bagamat itinigil ang boundary
checkpoints sa probinsya ng Agusan del Sur base na rin sa napagkasunduan ng
Provincial Inter-Agency Task Force, mas naging mahigpit naman ang mga local
government units (LGUs) sa pagpapatupad ng health protocols laban coronavirus
disease 2019 (COVID-19).
Tulad na lang sa bayan ng San Francisco kung saan nauna itong
naideklarang may local transmission, agad itong nagpatupad ng Enhanced
Community Quarantine (ECQ) at granular lockdown sa may 25 purok ng sampung
barangay noong buwan ng Oktubre.
Matapos nito, may panibagong natukoy na mga purok sa ilang barangay kaya
muli siylang isasailalim sa granular lockdown hanggang November 9, 2020 batay
sa Executive Order ng lokal na pamahalaan doon.
Ayon kay San Francisco Mayor Solomon Rufila, nagpapatupad rin ang lokal
na pamahalaan ng entrance at exit points sa ilang barangay.
"Dahil nga sa wala na tayong boundary checkpoints, ito na siguro
'yung mga pamamaraan ng ating LGU na pwede nating gawin na makatutulong din sa
pagsagawa ng contact tracing, kaya kailangang mamonitor ang lahat ng pumapasok
mula sa entrace," ani ni Rufila.
Pinaalalahanan din ni Mayor Rufila ang lahat sa patuloy na pagsunod sa
health protocols tulad ng pagsuot ng face mask at face shield.
"Kahit sa vicinity ng ating public market, kailangang ma-establish
natin ang entry at exit points. At ipaintindi natin sa lahat na kailangang
sumunod sa mga basic protocols lalo na ang pagsuot ng face mask at face
shield," dagdag ni Rufila.
Patuloy din ang koordinasyon ng bawat LGU sa probinsya para sa mas maayos at mabilis na pagsagawa ng contact tracing. (JPG/PIA-Caraga)