(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 26 November 2024) Northeast Monsoon affecting Extreme Northern Luzon. Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Intertropical Convergence Zone (ITCZ). Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Monday, February 22, 2021

Mga Caraganons naging pro-active sa inaasahang Bagyong Auring

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Pebrero 22 (PIA) -- Ilang araw bago paman ang inaasahang pagtama ng Tropical Storm Auring sa Caraga Region, pinaghandaan na ito ng mga Caraganon upang masigurong ligtas mula sa maaaring maging pinsala na dulot ng nasabing bagyo.

Kaya naman Biyernes (Pebrero 19) pa lang ay nagsimula nang lumikas ang mga residente sa kanilang mga tahanan na malapit sa disaster-prone areas sa probinsya ng Surigao del Norte at Surigao del Sur dahil na rin sa nararanasang malakas na hangin at ulan, at pansamantalang nasa evacuation centers pa hanggang sa kasalukuyan.

Sinigurado naman ng bawat Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs) na nakahanda ang tulong na kakailanganin ng mga apektadong residente tulad ng pagkain at iba pa. Nakaantabay rin ang iba’t-ibang kinauukulang ahensiya kasabay ng pag-activate ng mga Emergency Operation Centers ng rehiyon.

“Tinutugunan ng mga ahensiya at local na pamahalaan ang mga residente na naapektuhan ng baha. Patuloy ang ating response at relief operations sa mga apektadong lugar. At kung kailangan pa nila ng karagdagang tulong, nakaantabay naman yung suporta natin sa RDRRMC,” ani ni Dir. Liza Mazo, RDRRMC chair at Office of Civil Defense (OCD)-Caraga regional director.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Caraga, may kabuuang mahigit 14,000 apektadong indibidwal ang nasa evacuation centers sa probinsya ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte at Agusan del Sur. May nakahanda ring food packs at non-food items ang nasabing ahensiya sa bawat apektadong pamilya.

Itinigil man ang operasyon sa ibat-ibang pantalan ng rehiyon upang masigurong ligtas ang mga pasahero at ang ilan ay na-stranded sa mga pantalan, tinutugunan naman ng Philippine Ports Authority (PPA) ang kanilang seguridad at pangangailangan.

Samantala, simula kahapon ng umaga ay may naitalang pagbaha na sa iba’t-ibang parte ng rehiyon lalo na sa Tandag City, Surigao del Sur dahil sa malakas na ulan. Agad namang nagtulong-tulong ang mga kawani ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP) at rescue teams para maligtas at mailikas mula sa tubig baha ang mga residente.

May landsline din sa Brgy. Dayoan sa bayan ng Tago papuntang Tandag City subalit agad naman itong natugunan sa clearing operation. Nawalan din ng kuryente ang ilang lugar sa Surigao del Sur at Surigao del Norte.

Nagpalabas din ng abiso ang PAGASA na magiging mahina ang Tropical Storm Auring at magiging Low Pressure Area (LPA) ito bago paman mag-landfall.

Nanawagan din si Direktor Mazo sa mga Caraganon na patuloy na maging alerto, mapagmatyag at pro-active sa inaasahang pagtama ng bagyo sa rehiyon upang masiguro rin ang Zero casualty.

“Maaari pong huwag na nating hintayin na sa kasagsagan na ng bagyo at pagbaha saka pa tayo lilikas. Ngayon palang may lead time pa naman yung hindi pa nakalikas lumikas na para mailigtas ang buhay. Mabuti na ‘yung handa, preemptive kaysa magrescue at mawala pa ang buhay,” pahayag ni Mazo. (JPG/PIA-Caraga)