NPA nanunog ng construction equipment; Lanuza MPS, Police Mobile Force Company Patrol Base sabay na pinapaputukan
By:
Greg Tataro Jr.
LUNGSOD
NG TANDAG, Surigao del Sur -- Tuwirang kinumpirma ni Surigao del Sur Police
Provincial Office (SDS-PPO) Provincial Director (PD) Col. James Goforth na
mistulang nagpakita na naman ng pangil ang komunistang teroristang grupo
sa Surigao del Sur kagabi, Hunyo 24.
Caraga Pulis PIO |
Ito
ay sa pamamagitan ng ginawang panununog ng construction equipment at
pagpapaputok sa Lanuza Municipal Police Station (LMPS) pati sa patrol base ng
2nd Surigao del Sur Police Mobile Force Company sa parehong lugar.
Ani
Goforth, ang insidente ng karahasan ay nangyari nang sabayan dakong alas 9:00
ng gabi kagabi.
Ang
mga sinilabang gamit pangkonstruksiyon ng MR1 Construction ay napag-alamang
pag-aari ng isang nagngangalang Paulo Lopez at matatagpuan sa bulubunduking
bahagi ng bayan ng Lanuza, 43 km hilaga ng Tandag City.
Gayunman,
ayon sa police director, bigong magapi ang police station pati ang patrol
base. Wala rin aniyang napahamak sa panig ng pamahalaan.
Samantala,
agad namang inalerto ang lahat ng mga karatig-police station at inatasang
magsagawa ng kaukulang checkpoints sa pakikipag-ugnayan sa army counterparts.
Dagdag
nito ay pinabubusisi rin ang mga pagamutan at clinics sa hinalang may naisugod
na pasyente resulta ng pakikipagbakbakan ng mga tropa ng gobyerno bunsod ng
pangyayari. (Greg Tataro, Jr., DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)