(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 26 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


Thursday, June 24, 2021


Tagalog News: Mga IP leaders sa SurSur nanawagang itigil na ng CPP-NPA-NDF ang pang-aabuso at pagkakalat ng maling impormasyon sa kanilang tribu

 Ni Jennifer P. Gaitano


LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 23 (PIA) - Matapang na humarap ang mga Indigenous People-leaders ng Surigao del Sur sa isang virtual press conference kasama ang mga bumubuo sa National Task Force – Ending Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) at mga media practitioners.

 

Ibinahagi ng mga ito ang kanilang tunay na sitwasyon sa ginagawa ng Communist Party of the Philippine – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa kanilang lugar.

 

Nanawagan si Datu Constancio Duhac, municipal tribal chieftain ng Lianga, Surigao del Sur na bigyang hustisya ang pagkamatay ng tatlong IPs na pinaniniwalaang miyembro ng teroristang grupong NPA, kung saan isa dito ay menor de edad.

 

“Mayroon din kaming sariling imbestigasyon para malaman talaga kung ano ang totoong nangyari maliban sa mga nakuha naming impormasyon mula sa social media. Kasama ang Provincial Tribal Council, magtutulungan kami para malaman ang totoo,” ani ni Duhac.

 

Ayon naman kay Datu Rico Maca, ang Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR) ng San Miguel, dapat itigil na aniya ng CPP-NPA-NDF ang pangrerecruit, paggamit at pangbibiktima sa mga IPs lalo na sa mga kabataan para sa kanilang personal na interes laban sa pamahalaan.  

 

“Sana naman tigilan na nila ang pagkalat ng mga maling impormasyon kasi kami na nga po ang namatayan, kami pa ‘yung parang inaapi sa sitwasyon na ito. Irespeto po sana nila ang customary laws ng tribu,” tugon ni Maca.

 

 

Nagpasalamat din si Maca sa 3rd Special Forces Battalion sa kanilang pagtulong sa lahat ng gastusin ng mga namatayan at sa maayos na pag-embalsamo sa mga biktima.

 

Binigyang-diin naman ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy, National Task Force – Ending Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson ang masamang idinudulot ng mga paglabag ng CPP-NPA-NDF sa International Humanitarian Law.

 

“Madami pang mga batang katutubo na pinaghahanap ngayon dahil sa kagagawan ng mga grupong terorista. Maraming mga magulang ang hanggang ngayon, hindi nakakatulog ng maayos sa gabi dahil pinaghahanap pa nila yung anak nila na ginagamit ng mga New People's Army para sa kanilang katiwalian,” banggit ni Badoy. (JPG/PIA-Agsuan del Sur)