(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 26 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


Thursday, June 24, 2021

Comelec registration ipinagpaliban sa lungsod ng Tandag

By: Nida Grace P. Barcena

 

TANDAG CITY, Surigao del Sur, Hunyo 24 -- Dahil sa patuloy na pagtaas ng datos ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), kasalukuyan ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) Tandag City Office ang pagparehistro, pati na rin ang nakatakdang “satelite registration” sa mga barangay na sakop nito, matapos sumailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong lalawigan ng Surigao del Sur simula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30 ng kasalukuyang taon.

Sa panayam kay Tandag City Election Officer Florephi Botona, ang pagpaliban ay naayon sa ipinapalabas na resolusyon ng kanilang opisina kung saan iniutos nito ang pagpapatupad ng work-from-home scheme sa lahat ng mga manggagawa o empleyado nito, na nagdeklara ng Enhanced Community Quarantion (ECQ) o di kaya ang MECQ.


Napag-alaman mula kay Botona na sarado na ang kanilang tanggapan simula sa unang araw ng pagpapatupad ng MECQ sa buong syudad.


Kinumpirma din niya ang pansamantalang pagkansela ng mga nakatakdang satelite registration sa mga natitirang barangay na dapat pa nilang puntahan.


Kabilang sa mga nakanselang satellite registration ang Barangay Bioto na nakatakda sana noong Hunyo 18, at Barangay Quezon noong Hunyo 19.


Dagdag pa ni Botona, kasama din na ipinagpaliban ang Barangay San Agustin Sur na nakatakda sa Hunyo 25, at ang Barangay San Agustin Norte sa Hunyo 26. (PIA-Surigao del Sur)