(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Tuesday, 07 January 2025) Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. Shearline affecting the eastern section of Central Luzon and Southern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to Moderate winds coming from East to Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Friday, July 16, 2021


Farm-to-market road sinimulan na sa bayan ng Gigaquit, Surigao del Norte

LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte (PIA) -- Bagong pag-asa ang hatid sa komunidad ng barangay Mahanub sa bayan ng Gigaquit ang farm-to-market road na programa ng task force to end local communist armed conflict (ELCAC) ng pamahalaan.

Pormal na isinagawa ang groundbreaking activity para sa nasabing farm-to-market road na may 774.5 metrong haba at 2.5 metrong lapad mula sa bundok hanggang sa sentro ng nasabing barangay.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Caraga regional director Lilibeth Famacion, parte ito ng whole-of-nation approach upang bigyang diin ang layunin ng pamahalaan na isulong ang kaunlaran lalung-lalo na sa mga peace-challenged barangays sa buong bansa.

Anya, ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng 20 milyong piso mula sa local government support fund ay bahagi ng Retooled Community Support Program (RCSP) ng DILG sa pamamagitan ng Support to Barangay Development Program o SBDP.

“Our heartfelt thanks to president Rodrigo Duterte for this Executive Order No. 70 that made this project possible. Hindi lamang ito ang proyekto na darating, kundi ito lang ang nauna. Sa DILG, maraming salamat for approving this project, which made this project significant sa mga tao dito sa Brgy. Mahanub,” sabi ni Mayor Chandru Bonite ng lokal na pamahalaan ng Gigaquit.

Matatandaan na una ng inanunsyo ng panlalawigang pamahalaan ng Surigao del Norte ang pagsisimula at pagsasagawa ng mga proyekto sa mga barangay na dating kabilang sa armed conflict areas at naideklarang “cleared” mula sa impluwensya ng terorismo.

“Suportahan natin na masugpo ang npa. Hindi lang dito sa Brgy. Mahanub kundi sa buong probinsya ng Surigao del Norte para hindi na sila makapang-gulo,” ani Surigao del Norte Gov. Francisco Matugas.

Inaasahang dahil sa proyekto ay mabibigyan ng kaginhawaan ang mga residente, mapaunlad ang hanapbuhay ng mga magsasaka at mapadali ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo mula sa gobyerno.

“Dito talaga ako ipinanganak, kaya nagpapasalamat talaga ako na maayos ang daan na ito dahil napakahirap nitong daanan lalo na sa panahon ng tag-ulan,” sabi ni Segundino Polan, Sr., dating punong barangay at residente ng Brgy. Mahanub. (VLG/PIA-Surigao del Norte)