(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 15 January 2025) Easterlies affecting Visayas and Mindanao. Northeast Monsoon affecting Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.5 to 3.7 meters).


Monday, July 26, 2021

Kaso ng COVID-19 sa Tandag bumaba ayon sa CHO

LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Patuloy ngayong bumubuti ang sitwasyon ng lungsod ng Tandag kaugnay sa pakikipaglaban nito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ito ang inihayag ni Dr. Ruth Arraz, ang hepe ng City Health Office nitong lungsod.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas – Tandag, sinabi nito na kanilang naoobserbahan mula sa nakalipas na mga linggo na kumukunti na lang ang naidagdag na mga bagong kaso ng COVID-19 bawat araw dito sa lungsod.

Sa katunayan, nasa apat na mga bagong kaso na lang ang naidagdag dito sa lungsod nuong Hulyo 22, ng taong kasalukuyan.

Aniya, na isa sa mga nakitang dahilan nito ay ang naging kooperasyon ng publiko sa kanilang kampanya laban sa naturang sakit lalo na ang palagiang pagsunod sa Minimum Public Health and Safety Protocol.

Maliban dito, dumarami na rin ang bilang ng mga nagpapabakuna ng COVID-19 vaccine. Ayon kay Dr. Arraz na sa kasalukuyan, hindi na bababa sa 200 katao ang kanilang nababakunahan araw-araw.

Kaugnay nito, patuloy itong nananawagan sa publiko na suportahan palagi ang immunization program ngayon ng pamahalaan upang mabigyan ng proteksyunan laban sa COVID-19 at ang palagiang pagsunod sa mga basic health protocol laban sa nasabing sakit. (Raymond Aplaya - DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)