(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 26 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


Friday, August 20, 2021

Provincial SERTSS sumailaim sa isang refresher course, ilang pagbabago itinuro sa ilalaim ng new normal sa SurSur

SAN AGUSTIN, Surigao del Sur – Matapos ang halos isang taon na restriksyon dahil sa pandemya dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), unti-unti nang nanumbalik muli ang pagpapatupad ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang iba’t-ibang aktibidad at pagsasanay sa Probinsya ng Surigao del Sur sa pamaraang “new normal.”   

Sa layunin nito na makamit ang isang matatag na lalawigan sa panahon ng anuman sakuna ang kakaharapin, sumailalim sa isang pagpapahusay na pagsasanay ang 19 na myembro ng Search for Emergency and Response Team of Surigao del Sur (SERTSS) ng probinsya sa limang-araw na Standard First Aid with Basic Life Support (SFA BLS) na isinasagawa sa La Entrada Beach Resort and Restaurant sa bayan ng San Agustin, Surigao del Sur simula Agosto 11 hanggang 15 ng kasalukuyang taon.

Ayun kay PDRRMO chief Abel de Guzman, limitado lamang ang mga galaw sa kasalukuyan dahil na rin sa kinakaharap na pandemya.

Ilang pagsasanay at pagbabalangkas ng DRRM plan ang pinapapatupad ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa probinsya na pina-facilitate ng kanilang tanggapan simula nuong kalagitnaan ng Hulyo, matapos ibaba sa General Community Quarantine o GCQ ang buong probinsya.

Sinabi ni De Guzman, matapos bawiin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), "nagkaroon po tayo ng 'enhancement' na pagsasanay sa mga Provincial responders natin na itinaon sa new-normal, bago pinasa sa mga local government units natin.”

Dagdag pa ni De Guzman, sa buwan ng Agosto marami nang mga iskedyul ang naipatupad ng kanilang tanggapan, at magtuloy tuloy pa ito hanggang sa mga sususnod na buwan.

Ilan sa mga aktibidad ang pina-facilitate nang PDRRM office ng probinsya ay ang mga sumusunod na pagsasanay o training:

 Emergency Operations Center ;

 First Aid with Basic Life Support (FABLS);

 Standard First Aid t Training (SFAT);

 Basic Incident Command System (BICS);

 Camp Coordination and Camp Management (CCCM);

Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA); at

 Water Search and Rescue (WaSAR)

Kalakip na dito na tinutulungan at ginagabayan nila ayun pa kay De Guzman ang pagbalangkas ng DRRM plan sa ilang mga barangay sakop ng probinsya.

Dagdag pa ni De Guzman, naka schedule na rin ang regular Quarterly Meeting ng mga local DRRM officers mula sa 17 munisipyo at dalawang syudad na sakop nito sa katapusan ng Agosto. (PIA-Surigao del Sur)