GCQ quarantine with heighthened restrictions patuloy na ipatutupad sa lungsod ng Butuan
LUNGSOD NG BUTUAN -- Matapos inanunsyo ng MalacaΓ±an na mananatiling nakapailalim sa GCQ o General Community Quarantine with heightened restrictions ang Butuan City hanggang Agosto 31, nagpalabas ng bagong Executive Order (EO) si Mayor Ronnie Vicente Lagnada.
Contributed photo |
Nakasaad sa EO No.38 na patuloy ang paggamit ng color coded quarantine pass, mananatili pa rin ang liquor ban maging ang curfew mula alas 12 ng hating gabi hanggang alas 4 ng umaga.
Hindi muna pahihintulutan ang mga pagtitipon maliban na lamang kung ito'y government services o kaya'y health activities.
Ang mga dadalo sa anumang religious gatherings dapat ay 30% lamang ng venue capacity habang 50% naman ng seating capacity ng isang public transport ang pwedeng pasakyan.
Kailangan pa rin ang negative result ng RT-PCR Test kung ba-byahe patungong Butuan, pero kung fully vaccinated na ay maaaring ang vaccination card na lamang ang ipakita.
Bagamat unti-unti nang bumaba ang bilang ng mga bagong nahawahan ng Covid-19 hindi pa rin dapat magpakampante at importante pa rin ang pagsunod sa minimum public health protocols.
Sa ngayo'y nasa 7,351 na ang kabuoang bilang ng mga kompirmadong kaso sa Butuan pero 291 na lamang ang aktibong kaso. (May Diez, Radyo Pilinas Butuan/PIA Agusan del Norte)