(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 28 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


Thursday, August 26, 2021

P7.6 milyong halaga ng housing assistance, ibinigay sa mga former rebels ng Agusan del Norte

LUNGSOD NG BUTUAN -- Labis ang kasiyahan ng 17 former rebels (FRs) sa probinsya ng Agusan del Norte dahil sa wakas magkakaroon na sila ng sariling bahay kasama ang kani-kanilang pamilya.

Buong pusong pasasalamat ni Caren Yatan, myembro ng teroristang CPP-NPA-NDF sa loob ng 12 taon at dati nang nagsilbing political instructor, sa tulong na ibinigay ng gobyerno sa pamamagitan ng Task Force Balik-Loob sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at National Housing Authority.

Aniya, totoo ang gobyerno, at handa silang tulungang makapagbagong buhay dahil isa na din syang ganap na sundalo sa ngayon.

“Sa totoo lang ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya dahil magkakaroon na kami ng bagong bahay, bagong buhay at pag-asa,” tugon ni Yatan.

Gayundin si Jay-ar, apat na taong naging rebelde at ngayon ay isa na ring sundalo sa Philippine army na lubos ang tuwa dahil magkakaroon na ng maayos na tahanan ang kaniyang mga anak dahil sa tulong ng gobyerno. “Magkakaroon na kami ng bahay ng aking pamilya, kasama ng mga anak ko, hindi kagaya noon, palipat-lipat lang,” ani Jay-ar.

Tiniyak din ni Gobernador Dale Corvera na tutulungan nilang umunlad ang lugar upang tuluyan din aniyang maramdaman ng mga dating rebelde ang buhay payapa at sagana.

Ayon sa gobernador, parte ito ng Provincial Development Plan, para maipakita sa mga tao na seryoso talaga ang gobyerno.

Ipinaabot din ni mayor Judy Amante ng Cabadbaran City ang tulong para sa mga FRs. “Sana makita at madama ninyo itong tulong namin. Hinding-hindi kayo magsisisi. Sunod nating pagplanuhan ang inyo namang pangkabuhayan,” tugon ni Amante.

Ang nasabing housing assistance na nagkakahalaga ng 450,000 pesos bawat isang FR ay gagamitin upang maipatayo sila ng kani-kaniyang bahay sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Agusan del Norte at lungsod ng Cabadbaran.

Ang nasabing lugar ay bigay ng SRMI, isang pribadong kumpanya, na kung saan pwedeng patayuan ng mahigit isang daang bahay para sa nagbalik-loob at sa mga gustong magbalik loob na mga rebelde sa gobyerno. (NCLM, PIA Agusan del Norte)