LGU Tandag nanawagan na magpabakuna na ng 2nd dose
TANDAG CITY, Surigao del Sur (PIA) – Nanawagan ang lokal na pamahalaan sa lungsod ng Tandag sa mga residente nito na lumagpas na sa skedyul para sa kanilang 2nd dose ng COVID-19 Vaccine na magpabakuna na.
Sa ipinalabas na Public Advisory No. 90 ng lokal na pamahalaan sa Lungsod ng Tandag sa pamamagitan ng social media, lahat na tumanggap ng 1st dose sa COVID-19 Vaccine na lumagpas na sa kanilang skedyul para sa ikalawang pagbabakuna na pumunta lamang sa entrance gate ng Saint Theresa College sa nasabing syudad ngayong araw, Agosto 5.Lahat ng
kwalipikadong magpapabakuna para sa kanila second dose ay inabisohan na rin na
dalhin ang kanilang mga vaccination card bilang pagpapatunay na lehetimong
tatanggap para sa ikalawang turok ng bakuna sa Sinovac o AstraZeneca.
Samantala,
nagpalabas din ng advisory ang lokal na pamahalaan sa lungsod na wala ng munang
gagawin na vaccination (1st and 2nd dose) simula Huwebes ng hapon,
Agosto 5, hanggang Agosto 8, 2021. Nag abiso din ito na antayabanan nalang
muna ang susunod na advisory para sa susunod na skedyul nito ng
pagbabakuna. (PIA-Surigao del Sur)