(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 21 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Shear Line affecting Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience Cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to the Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy with at times intense rains. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Trough of Low Pressure Area. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with Moderate to Rough seas / (1.5 to 3.7 meters).


Wednesday, August 18, 2021

Lugar na apektado ng ASF sa SurSur nadagdagan

Ni: Greg Tataro Jr.

LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Mula sa apat na local government units (LGUs), nasa kabuuang lima na ang apektado ng African Swine Fever (ASF) sa Surigao del Sur.

Contributed photo

Ayon kay Provincial Veterinary Officer Dr. Margarito Latore, napabilang na sa red zone ang Bislig City, partikular ang Barangay Cumawas, matapos mag-positibo ang ipinasuring blood sample.

Nagsagawa na rin aniya sila ng “depopulation” katuwang ang Bislig City Veterinary Office sa pamumuno ni Dr. Rochelle Barrios nitong nagdaang linggo.

Subali’t, ani Latore, ang ginawang “depop” sa loob ng 500-meter radius ay hindi ratsada dahil sa pasya umano ng konseho ng lungsod. 

Malayo din aniya sa kabihasnan ang nabanggit na barangay.

Unang nagkaroon ng ASF sa Surigao del Sur ang bayan ng Cortes, San Miguel, Tandag City at Bayabas na pawang nasa 1st District.  Ang Bislig City naman ay matatagpuan sa 2nd District. (DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)