Implementasyon ng DOLE-TUPAD program sa SurSur, patuloy
Ni: John Cuadrasal
TANDAG CITY, Surigao del Sur -- Patuloy ngayong iniimplementa ng Department of Labor and Employment (DOLE) Surigao del Sur Provincial Office ang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program dito sa probinsya.
Ayon kay Josel-An Dua, Labor and Employment Officer sa DOLE Surigao del Sur Provincial Office, mahigit sa 94 million pesos na ang net amount for utilization ng probinsya para sa TUPAD Program as of August 20, 2021.Aniya, ito ay nagcocover sa 18,269 na mga benepisyaryo kung saan 15,717 nito ang nakakumpleto na ng kanilang trabaho at 90% nitong mga nakakumpleto na ay nabayaran na ng kanilang sweldo.
Ani Dua, lakip na rin dito ang intervention para sa mga informal economy workers na naapektuhan ng Bagyong Auring na nanalasa sa probinsya noong Pebrero 2021 kung saan may tig-250 na benepisyaryo ang bawat local government unit. (John Cuadrasal, DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)