(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 26 December 2024) π—¦π—¬π—‘π—’π—£π—¦π—œπ—¦: Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to strong winds coming from Northeast will prevail with moderate to rough seas / (2.1 to 3.7 meters).


Monday, September 6, 2021

Political officer ng NPA, patay sa engkwentro sa Surigao del Norte

LUNGSOD NG SURIGAO -- Patay ang isang political officer ng New People’s Army o NPA pagkatapos ng sagupaan sa mga kasundaluhan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army sa bulubunduking bahagi ng Sitio Suoton, Brgy Cagdianao, Claver, Surigao del Norte nitong ika-dalawa ng Setyembre 2021.

Siya ay kinilala ng kanyang dating kasamahan bilang si alyas “Asyong,” ang vice platoon kumander at political officer ng SYP Platoon 16C1, Guerilla Front 16, Northeastern Mindanao Regional Committee (SYP16C1, GF16, NEMRC).

Naganap ang sagupaan matapos naging aktibo ang mga tauhan ng 30IB sa pagpapatrolya simula noong ipinagkaloob ng 4th Infantry Division ang pangangalaga sa seguridad ng buong Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) Area ng tatlong malalaking kumpanya ng minahang TMC, THPAL at PGMC sa bayan ng Claver mula noong ika-isa ng Setyembre sa taong kasalukuyan.

Sa pamamalagi ng mga kasundaluhan sa bundok, sila ay kakatanggap ng sumbong mula sa mga mamamayan hinggil sa presensya ng armadong terorista at miyembro ng NPA kung kaya agad ipinag-utos ni Lt. Col. Ryan Charles Callanta, pinuno ng 30IB ang pagsasagawa ng security patrol upang tugisin ang mga armado.

Habang nagsasagawa ng patrol ang mga tropa, kanilang nakasagupa ang mga armadong terorista na tinatayang nasa mahigit o kumulang na sampung katao at pinaniniwalaang kasapi ng SYP Platoon 16C1, GF16, NEMRC na pinamumunuan ni Roel T Neniel o mas kilala bilang alyas “Jacob.” Ang nasabing bakbakan ay tumagal ng labing limang minuto at nagresulta sa pagkasawi ni Ka Asyong.

Nakuha din sa pinangyarihan ang mga matataas na kalibre ng baril tulad ng dalawang AK47 rifle, isang M14 rifle, isang bandolier, dalawang magazine ng AK47 at pitong magazine ng M14 na may kasamang mga bala, at iba’t ibang suplay ng mga pagkain at medisina.

Sa pahayag ni Lt. Col. Callanta, taos-puso siyang nagpasalamat sa kooperasyon ng mga mamamayan sa pagbibigay ng agarang impormasyon tungkol sa mga gawain ng teroristang NPA.

Ayon sa kanya isa itong patunay o batayan sa patuloy na suporta ng mamamayan sa kampanya na tinatawag na Ending Local Communist Armed Conflict o ELCAC. "Nais naming ipaabot mula sa aming hanay ang aming pakikiramay sa pamilya ng nasawing NPA. Nawa’y ang pangyayaring ito ay magsilbing aral sa mga natitirang miyembro ng teroristang NPA na wala silang mapapalang maganda sa kilusan kundi gutom, pagod, at maaari pa nila itong ikasawi. Kung kaya patuloy naming hinihikayat ang lahat ng natitirang miyembro na sumuko na at tanggapin ang hatid na tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP bago pa mahuli ang lahat,” ani Lt.Col. Callanta.

“Asahan lang din po ng ating mamamayan sa buong probinsya ng Surigao del Norte na patuloy naming poprotektahan at aalagaan ang ating bayan ng sa ganon patuloy tayong umunlad at maging mapayapa,” dagdag pa ni Lt.Col. Callanta.

Sa ngayon agad ng ibinaba ng mga tropa ng 30IB ang nasawing NPA at dinala sa funeral parlor upang mabigyan ng maayos na libing at patuloy pa ding inaalam ang pagkakakilanlan nito upang maipaalam sa kanyang pamilya. (2Lt. Benjamin Elisand De Dios, CMO Officer, 30IB, PA/PIA-Surigao del Norte)