(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 09 January 2025) Shear Line affecting the eastern sections of Southern Luzon and Visayas. Northeast Monsoon affecting Northern and Central Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Dinagat Islands will experience cloudy skies with scattered rains and isolated thunderstorms due to Shear Line. Possible flash floods or landslides due to moderate to heavy rains. While Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from East to Northeast will prevail with Slight to Moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Tuesday, September 14, 2021

76 barangays sa Butuan City at probinsya ng Agusan del Sur, muling naka MECQ

Ni Jennifer P. Gaitano


LUNGSOD NG BUTUAN
-- Dineklarang General Community Quarantine (GCQ) status with heightened restrictions ang Butuan City simula September 8 hanggang September 30, 2021, subalit sa kabuuang 86 barangays nito sasailalim ang 76 barangays ng nasabing lungsod sa Modified Enhanced Community Quarantine mula September 7 hanggang September 22, 2021 dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Base sa Executive Order No. 41 series of 2021 na nilagdaan ni Butuan City Mayor Ronnie Vicente Lagnada, nakasaad dito na nitong September 5, 2021 ang Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) Caraga ay may naitalang kabuuang 8,490 na nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod kung saan 881 nito ay active cases, 7,382 nito ay nakarecover na, at 227 ang pumanaw dahil sa nasabing virus.

Mariing pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa palagiang pagsunod sa health protocols upang maiwasang tumaas pa ang kompirmadong kaso sa lungsod ng butuan lalu na at puno na ang public at private hospitals dito. 

Kinumpirma rin ng DOH-Caraga nitong September 6 na may isang kumpirmadong kaso ng Delta variant na rin sa rehiyon kaya naman mas lalo pang hinigpitan ng lokal na pamahalaan kasama ng iba’t-ibang ahensiya ang ano mang public gatherings upang maiwasan ang hawaan. At mahigpit ring minomonitor ang mga papasok at palabas ng Butuan City.

Samantala, problema rin sa Agusan del Sur ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kaya naka-MECQ din ito hanggang sa katapusan ng Setyembre. Puno na rin ang mga health facilities maging ang isolation facilities, bagamat tinutugunan na ito ng mga lokal na pamahalaan sa probinsya.

Sa limang probinsya ng Caraga, ang Agusan del Sur ang may pinakamataas na kumpirmadong kaso. Nitong September 12, may panibagong kaso na naman na umabot sa 150. Sinundan ito ng Butuan City na may 74; Agusan del Norte na may 37; Bislig City na may 34; Surigao del Sur na may 31; Bayugan City na may 22; Surigao del Norte na may 7; 6 sa Surigao City; at dalawa naman sa Dinagat Islands. 

Patuloy ding isinasagawa ang vaccination sa mga eligible priority groups sa iba’t-ibang probinsya sa Caraga region. Nitong September 6, 2021, may kabuuang 352,067 vaccinated individuals na sa rehiyon. (JPG/PIA-Caraga)